Malayang kalakalan
Ang malayang kalakalan ay isang patakaran sa kalakalan na hindi naghihigpit sa pag-aangkat o pagluluwas ng mga kalakal. Sa pamahalaan, higit na itinataguyod ang malayang kalakalan ng mga partidong pampolitika na may makaliberal na pananaw sa ekonomiya, habang sa pangkalahatan, ang mga partidong may nasyonalistikong pananaw sa ekonomiya ay sumusuporta sa proteksiyonismo,[1][2][3][4] ang kabaligtaran ng malayang kalakalan.
Ang hindi nangingilala o nakikialam na pamahalaan ay hindi nagsasagawa ng paglalapat ng mga taripa sa mga inaangkat na bagay o ng mga tulong na pondo o tulong na pananalapi para sa mga bagay na iniluluwas. Ayon sa batas ng hambingan ng kainaman, ang patakaran ng malayang kalakalan ay nagpapahintulot sa mga katambal sa pangangalakal ng tumbalikan o tumbasan ng mga gana o kita mula sa pangangalakal ng mga bagay-bagay at mga serbisyo.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Murschetz, Paul (2013). State Aid for Newspapers: Theories, Cases, Actions [Tulong ng Estado para sa mga Pahayagan: Mga Teorya, Kaso, Aksiyon] (sa wikang Ingles). Springer Science+Business Media. p. 64. ISBN 978-3642356902.
Ang mga partidong makakaliwa sa gobyerno ay nagpapatupad ng mga patakarang proteksiyonista dahil sa mga kadahilanang ideolohikal at sa hangaring protektahan ang mga trabaho ng mga manggagawa. Sa kabaligtaran, ang mga partidong makakanan ay mas kumikiling sa mga patakaran ng malayang kalakalan. (Isinalin mula sa Ingles)
- ↑ Peláez, Carlos (2008). Globalization and the State: Volume II: Trade Agreements, Inequality, the Environment, Financial Globalization, International Law and Vulnerabilities [Globalisasyon at ang Estado: Tomo II: Mga Kasunduan sa Kalakalan, Hindi Pagkakapantay-pantay, Kalikasan, Globalisasyong Pinansyal, Pandaigdigang Batas, at mga Kahinaan] (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Palgrave MacMillan. p. 68. ISBN 978-0230205314.
Mas sumusuporta ang mga makakaliwang partido sa mga patakarang proteksiyonista kumpara sa mga makakanang partido. (Isinalin mula sa Ingles)
- ↑ Mansfield, Edward (2012). Votes, Vetoes, and the Political Economy of International Trade Agreements [Mga Boto, Beto, at Ekonomiyang Pampolitika ng mga Internasyonal na Kasunduan sa Kalakalan] (sa wikang Ingles). Princeton University Press. pp. 128. ISBN 978-0691135304.
Itinuturing na mas madalas na nakikialam sa ekonomiya at nagpapatupad ng mga proteksiyonistang patakaran sa kalakalan ang mga pamahalaang makakaliwa kaysa sa iba. (Isinalin mula sa Ingles)
- ↑ Warren, Kenneth (2008). Encyclopedia of U.S. Campaigns, Elections, and Electoral Behavior: A–M, Volume 1 [Ensiklopedya ng Mga Kampanya, Halalan, at Pag-uugaling Elektoral ng Estados Unidos: A–M, Tomo 1] (sa wikang Ingles). Sage. p. 680. ISBN 978-1412954891.
Gayunpaman, pinapaboran pa rin ng ilang pambansang interes, mga rehiyonal na bloke ng kalakalan, at makakaliwang kilusang laban sa globalisasyon ang mga gawaing proteksiyonista, dahilan upang manatiling isyu ang proteksiyonismo para sa parehong partidong pampolitika sa Amerika. (Isinalin mula sa Ingles)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.