John Maynard Keynes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
John Maynard Keynes
John Maynard Keynes (kanan) at Harry Dexter White sa Kapulungan sa Bretton Woods
Panahon20th-Century Economists
(ekonomikong Keynesian)
RehiyonKanluraning Ekonomista
Eskwela ng pilosopiyaKeynesian
Mga pangunahing interesekonomika, ekonomiyang pampolitika, Probabilidad
Mga kilalang ideyaPamparami ng paggastos (spending multiplier)

Si John Maynard Keynes, Unang Baron Keynes, CB (5 Hunyo 1883 – 21 Abril 1946) ay isang ekonomistang Briton na nagkaroon ng malaking impluwensiya ang kanyang mga ideya, tinatawag na ekonomikong Keynesian, sa makabagong teoriya ng ekonomiya at politika gayon din sa maraming patakaran pang-pisikal ng maraming pamahalaan. Sinulong niya ang patakarang pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya, kung saan ginagamit ng pamahalaan ang pamamaraang piskal at pananalapi upang mabawasan ang epekto ng resesyon, depresyon at pagsulong ng ekonomiya. Isa rin siya sa ama ng makabagong teoriya ng makroekonomiya. Kilala din siya ng karamihan sa katagang "In the long run, we are all dead." (Sa kalaunan, mamatay tayong lahat). Kadalasan siyang tinuturing bilang ang pinakamaimpluwensiyang ekonomista ng ika-20 dantaon.[1][2][3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "To Set the Economy Right". Time magazine. Tinago mula sa orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2008-11-13.
  2. "Commanding Heights (book extract)" (PDF). Public Broadcasting Service. Nakuha noong 2008-11-13.
  3. "How to kick-start a faltering economy the Keynes way". BBC. Nakuha noong 2008-11-13.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.