The Wealth of Nations
Ang An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (Tagalog: Isang Pagsasaliksik sa Kalikasan at mga Sanhi ng Kayamanan ng mga Bansa), karaniwang tinutukoy sa pinaikling pangalan nitong The Wealth of Nations (Kayamanan ng mga Bansa) ay ang obra maestra ng ekonomistang Scot at pilosopong moral na si Adam Smith. Unang nilimbag noong 1776, ang aklat na ito ay naghahain ng isa sa mga kauna-unahang kinalap na paglalarawan sa mga bagay na bumubuo sa yaman ng isang bansa at ngayon ay itinuturing na mahalagang akda sa klasikong ekonomiya. Sa pamamagitan ng pagbubulay ukol sa ekonomiko noong simula ng Rebolusyong Industriyal, ang aklat na ito ay tumatalakay sa mga malawak na tema tulad ng paghahati ng gawain, pagiging produktibo, at malayang pamilihan.
Ang The Wealth of Nations ay inilimbag noong ika-siyam ng Marso, 1776 sa kasagsagan ng Scottish Enlightenment (Paliwanag) at Rebolusyong Agrikultural ng mga Scot. Halimbawa, bahagyang naimpluwensiyahan si Alexander Hamilton ng The Wealth of Nations sa kanyang pagsulat ng Report on Manufactures, kung saan nakasaad ang kanyang pagtutol sa ilang polisiya ni Smith. Isang interesanteng bagay ay binase ni Hamilton ang ulat na ito sa mga ideya ni Jean-Baptiste Colbert, at ang mga ideyang ito rin ni Colbert ang tinugunan ni Smith sa The Wealth of Nations.
Marami pang ibang may-akda ang naimpluwensiyahan ng aklat at ginamit itong panimula sa kanilang sariling mga akda, kabilang na sina Jean-Baptiste Say, David Ricardo, Thomas Malthus at kalaunan, si Ludwig von Mises. Tinukoy ng Rusong pambansang makata na si Aleksandr Pushkin ang The Wealth of Nations sa kanyang 1833 berso nobelang Eugene Onegin.