Tommaso Campanella

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

 

Tommaso Campanella

Cozza Tommaso Campanella.jpg
Kapanganakan5 September 1568 (1568-09-05)
Namatay21 Mayo 1639(1639-05-21) (edad 70)
TrabahoPilosopo, teologo, astrologo, manunula
Taóng aktibo1597–1634
Bahay ni Tommaso Campanella sa Stilo
Dating Dominikanong kumbento sa Placanica

Si Tommaso Campanella OP (Italyano: [tomˈmaːzo kampaˈnɛlla]; Setyembre 5, 1568 – Mayo 21, 1639),[1] bininyagan bilang Giovanni Domenico Campanella, ay isang Italyanong Dominikanong prayle, pilosopo, teologo, astrologo, at makata.

Siya ay inusig ng Inkisisyong Romano para sa pagiging erehe sa pananampalataya noong 1594 at ikinulong sa bahay sa loob ng dalawang taon. Inakusahan ng pakikipagsabwatan laban sa mga Español na pinuno ng Calabria noong 1599, siya ay tinortyur at ipinadala sa bilangguan, kung saan siya ay gumugol ng 27 taon. Isinulat niya ang kaniyang pinakamahalagang mga gawa sa panahong ito, kabilang ang Ang Lungsod ng Araw, isang utopia na naglalarawan sa isang igwalitaryong teokratikong lipunan kung saan ang ari-arian ay komun.

Mga tala[baguhin | baguhin ang source]

 

  1. Firpo, Luigi (1974). "CAMPANELLA, Tommaso". Dizionario Biografico degli Italiani (sa wikang Italyano). Bol. 17.