Kondisyon ng tao
Ang kondisyon ng tao ay ang lahat ng mga katangian at mahahalagang pangyayari na bumubuo sa pangangailangan ng pagkatao, kabilang na ang panganganak, paglaki, emosyon, pangarap, pag-aaway, at mortalidad. Malawak ang saklaw ng paksang ito, at tuloy-tuloy itong pinag-iisipan at sinusuri mula sa iba't ibang perspektibo at pananaw, kabilang na sa larangan ng antropolohiya, biolohiya, kasaysayan, panitikan, pilosopiya, rehiliyon, sikolohiya, at sining.
Sa panitikan, tumutukoy ang "kondisyon ng tao" sa konteksto ng mga di-tukoy na paksa, tulad ng kahulugan ng buhay o mga problemang moral.[1]
Mga pananaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Rehiliyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bawat pangunahing rehiliyon sa mundo ay may mga sari-sariling pananaw tungkol sa kondisyon ng tao. Halimbawa, itinuturo sa Budismo na ang buhay ay isang walang-hanggang siklo ng paghihirap, kamatayan, at muling pagsilang kung saan maaaring makatakas ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa Walong Marangal na Daan.[2][3] Samantala, naniniwala naman ang maraming Kristiyano na ipinanganak na may kasalanan ang mga tao at masusunog sila sa impiyerno maliban lang kung iligtas sila ni Hesukristo.[4][5]
Pilosopiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinulat ni Plato ang isang maimpluwensyang sinaunang pananaw tungkol sa paksa sa kanyang librong Republika. Dito, ginalugad niya ang tanong na "ano ang katarungan?" at naghinuha na hindi ito usaping pang-indibidwal kundi isa itong usaping panlipunan, na naging dahilan upang mag-isip siya ng isang utopia. Sinabi rin niya na ang bawat kaluluwa ng tao ay may tatlong bahagi: dahilan, espiritu, at gana.[6] Samantala, idineklara naman ni Rene Descartes ang sikat na ngayon na cogito, ergo sum ("nag-iisip ako, kaya ako ako") sa kanyang librong Diskurso sa Paraan noong 1637, dahil naniniwala siya na ang isip ng tao, lalo na ang pagdadahilan, ay ang pangunahing taga-determina ng katotohanan;[7] dahil dito, madalas siya ngayong ituring bilang ang ama ng modernong pilosopiya.[8] May layunin naman ang eksistensyalismo, sa pamumuno ni Jean Paul Sartre, na malaman kung bakit may tao. Inilahad ni Sartre ang kanyang paniniwala sa tratadong pampilosopiya na Pagiging at Kawalan (1943). Ayon sa kanya, walang diyos, kaya walang nakatadhana sa mga tao,[9] na isang aksidente at nagkataon lang na nagkaroon ng mga tao, at walang gamit ang buhay maliban lang sa kung anong binibigay ng kalayaan.[10]
Mga agham
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang hiyarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow[11] at ang krisis ng pagkakakilanlan ang ilan sa mga teorya sa sikolohiya na tungkol sa paksang ito. May mga paraan din ito: ang logoterapiya na dinebelop ni Viktor Frankl para madiskubre at makumpirma ng indibidwal ang kabuluhan sa buhay,[12] at ang terapiyang pang-ugaling kognitibo, na unti-unting nagiging isang sikat na panlunas sa depresyon.[13][14]
Samantala, naging isang mahalagang teorya ang biolohikal na teorya ng ebolusyon ni Charles Darwin nang inilathala niya ang kanyang librong Ukol sa Pinagmulan ng mga Espesye noong 1859. Ingat na ingat siya sa pagbanggit sa 'tao' sa librong ito, ngunit binanggit niya ito sa huling kabanata:[15]
Sa malayong hinaharap, nakikita ko ang mga bukas na larangan para sa mga mas mahahalagang pananaliksik. Ibabase ang sikolohiya sa isang bagong pundasyon, yung may kinakailangang pagtamo sa bawat lakas ng kaisipan at kapasidad sa pagtatapos. Ibabato ang liwanag sa pinagmulan ng tao at ang kanyang kasaysayan.[i]
Ito ang nagbigay-daan upang umusbong ang mga paniniwalang tulad ng Darwinismong panlipunan[16] at ebolusyong makadiyos.[17]
Paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginamit ni Hannah Arendt ang salita para sa pamagat ng kanyang librong tungkol sa pilosopiyang pampulitika noong 1958.[18] Ito rin ang pamagat ng apat na ipininta ni René Magritte noong dekada 1930s at 1940s,[19] at sa nobela ni André Malraux noong 1933.[20] Samantala, ang salita rin ang nagsilbing pangalan para sa tatlong pelikula ni Masaki Kobayashi noong dekada 1960s, na ibinase naman sa nobela ng kaparehong pangalan ni Junpei Gomikawa noong 1958.[21]
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Orihinal: In the distant future I see open fields for far more important researches. Psychology will be based on a new foundation, that of the necessary acquirement of each mental power and capacity by graduation. Light will be thrown on the origin of man and his history.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Welch, Colin. "What is the "human condition"?" [Ano ang "kondisyon ng tao"?] (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Messerly, John (Oktubre 8, 2014). "Summary of Buddhism on Human Nature" [Buod ng Budismo sa Kalikasan ng Tao]. Reason and Meaning (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cush, Denise (2020). "Buddhist worldview traditions" [Mga tradisyon sa pandaigdigang pagtingin ng mga Budista] (PDF). Re:Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is the human condition according to the Bible?" [Ano ang kondisyon ng tao ayon sa Bibliya?]. Got Questions (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 17, 2021. Nakuha noong Disyembre 17, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Human Nature and the Purpose of Existence" [Kalikasan ng Tao at ang Gamit ng Pag-iral]. Patheos (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 28, 2021. Nakuha noong Disyembre 17, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brown, Eric (Setyembre 12, 2017). "Plato's Ethics and Politics in The Republic" [Ang Etika at Pulitika ni Plato sa Republika]. Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 20, 2017. Nakuha noong Disyembre 18, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "cogito, ergo sum". Encyclopaedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 18, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Watson, Richard A. "Rene Descartes". Encyclopaedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 18, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Singer, Peter. "ethics" [etika]. Encyclopaedia Britannica. existentialism. Nakuha noong Disyembre 20, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bhandari, D.R. (1998). "Existentialist Perception Of The Human Condition: With Special Reference To Sartre" [Eksistensyalismong Pananaw sa Kondisyon ng Tao: na may Natatanging Sanggunian kay Sartre]. Twentieth World Congress of Philosophy (sa wikang Ingles). Boston, Massachusetts, Estados Unidos. Nakuha noong Disyembre 20, 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Leadership and Human Behavior Motivation Information" [Impormasyon sa Pamumuno at Motibasyon sa Ugaling Pantao]. University o Massachusetts Amherst (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 28, 2021. Nakuha noong Disyembre 18, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Devoe, Daniel (2012). "Viktor Frankl's Logotherapy: The Search For Purpose and Meaning" [Logoterapiya ni Viktor Frankl: Ang Paghahanap sa Gamit at Kabuluhan]. Inquiries Journal (sa wikang Ingles). 4 (7). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 11, 2021. Nakuha noong Disyembre 18, 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McLeod, Saul (2019). "Cognitive Behavioral Therapy – CBT" [Terapiyang Pang-ugaling Kognitibo]. Simply Psychology (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 21, 2021. Nakuha noong Disyembre 18, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Driessen, Ellen; Hollon, Steven D. (2010). "Cognitive Behavioral Therapy for Mood Disorders: Efficacy, Moderators and Mediators" [Terapiyang Pang-ugaling Kognitibo para sa mga Sakit sa Isip: Kahusayan, mga Moderator, at mga Mediator]. Psychiatric Clinics of North America (sa wikang Ingles). 33 (3): 537–55. doi:10.1016/j.psc.2010.04.005. PMC 2933381. PMID 20599132.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 Lerwill, Chris (Nobyembre 2009). "On the origins of human nature" [Ukol sa pinagmulan ng kalikasan ng tao] (PDF). British Psychological Society (sa wikang Ingles). 22 (11). Nakuha noong Disyembre 19, 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "social Darwinism" [Darwinismong panlipunan]. Encyclopaedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 19, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Davis, Ted (Oktubre 15, 2018). "Theistic Evolution: History and Beliefs" [Ebolusyong Makadiyos: Kasaysayan at Paniniwala]. BioLogos (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 4, 2021. Nakuha noong Disyembre 19, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hannah Arendt". Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Hulyo 27, 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 30, 2019. Nakuha noong Disyembre 25, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "La condition humaine, 1933". National Gallery of Art (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 25, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stary, Sonya G. (Enero 1983). "The Self as Adversary in Malraux's La Condition Humaine" [Ang Sarili bilang Kalaban sa La Condition Humaine [Ang Kondisyon ng Tao] ni Malraux] (sa wikang Ingles). 8 (1). University of Pennsylvania Press. JSTOR 40551361.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mermelstein, David (Hunyo 8, 2021). "'The Human Condition' Review: A Japanese Epic in High-Def" [Rebyu sa 'Ang Kondisyon ng Tao': Isang High-Def na Epikong Hapon]. Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 25, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Basahin din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Clapsis, Emmanuel (Pebrero 11, 2013). "The Human Condition" [Ang Kondisyon ng Tao]. Greek Orthodox Archdiocese of America.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) — isang sanaysay tungkol sa kondisyon ng tao sa pananaw ng Simbahang Griyegong Ortodokso.