Pumunta sa nilalaman

Pakiramdam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagmumuni-muni)
Tarok ng isipan ng isang manlalaro ng ahedres ang susunod na hakbang ng kalaban, kaya't kailangang pag-isipan niya ng mabuti ang susunod niyang galaw.

Ang tarok ng isip, paki-ramdam, o pakiramdam (Ingles: insight, intuition, introspection) ay ang intuwisyon, lalim ng pagwawari, nakapaglilinaw na tanaw, o panloob na damdamin ay ang kakayahang makita o matingnan ang tunay na situwasyon o kalagayan.[1][2] Tinatawag din itong kutob, andam, dama, kaba, o sapantaha, dahil ang isang may katarukan ng pag-iisipan ng kakayahang makaalam sa pamamagitan ng kutob. Mayroon ang taong ito ng galing sa panghuhula ng mangyayari, o katalasan ng pananaw sa magaganap.[2]

Maaari rin itong tumukoy sa o may kaugnayan sa introspeksyon sapagkat kinasasangkapan ang lalim na pagwawari ng kontemplasyon, pagmumuni-muni, o pagdili-dili ng saloobin o kalooban, at pati na ng pagsusuri ng sarili.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blake, Matthew (2008). "Insight". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Insight Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Insight, intuition, introspection - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

PilosopiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.