On the Origin of Species
May-akda | Charles Darwin |
---|---|
Bansa | United Kingdom |
Wika | English |
Paksa | Natural selection Evolutionary biology |
Dyanra | science, biology |
Tagapaglathala | John Murray |
Petsa ng paglathala | 24 November 1859 |
Uri ng midya | Print (Hardback) |
Mga pahina | 502 |
ISBN | N/A |
OCLC | 352242 |
Sumunod sa | On the Tendency of Species to form Varieties; and on the Perpetuation of Varieties and Species by Natural Means of Selection |
Sinundan ng | Fertilisation of Orchids |
Bahagi ng serye sa |
Biolohiyang ebolusyonaryo |
---|
Mga mahahalagang paksa |
Mga larangan at aplikasyon
|
Social implications |
Ang On the Origin of Species o Tungkol sa Pinagmulan ng Espesye na inilimbag noong 24 Nobyembre 1859 ay isang akdang siyentipiko ni Charles Darwin na itinuturing na saligan ng biolohiyang ebolusyonaryo. Ang buong pamagat nito ay On the Origin of Species by Means of Natural Selection, or the Preservation of Favoured Races in the Struggle for Life. Para sa ikaanim na edisyon noong 1872, ang maikling pamagat ay binago sa The Origin of Species. Sa aklat na ito, ipinakilala ni Darwin ang teoriyang siyentipiko na ang mga populasyon ay nag-eebolb sa loob ng kurso ng mga henerasyon sa pamamagitan ng proseso ng natural na seleksiyon. Ito ay nagtanghal ng isang katawan ng ebidensiya na ang biodibersidad ng buhay ay lumitaw sa karaniwang pinagmulan sa pamamagitan ng sumasangang paterno ng ebolusyon. Si Darwin ay nagsama ng ebidensiya na kanyang natipon sa ekspedisyong Beagle noong mga 1830 at ang kanyang mga kalaunang mga natuklasan mula sa pagsasaliksik, tugon at mga pag-eeksperimento.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang teoriyang ebolusyon ni Charles Darwin ay batay sa mga mahahalagang katotohanan at mga inperensiya na hinango mula sa mga ito na ibinuod ng biologong si Ernst Mayr:[2]
- Ang bawat espesye ay sapat na makapagpaparami(fertile) na kung ang lahat ng mga supling ay makapagpapatuloy upang lumikha, ang populasyon ay lalago(katotohanan).
- Sa kabila ng mga peryodikong pagbabago bago, ang mga populasyon ay nanatiling tinatayang parehong sukat(katotohanan).
- Ang mga mapagkukunan gaya ng pagkain ay limitado at relatibong matatag sa paglipas ng panahon(katotohanan).
- Ang isang pakikibaka sa pagpapatuloy na mabuhay ay humahantong(inperensiya).
- Ang mga indibidwal sa isang populasyon ay iba iba ng malaki mula sa bawat isa(katotohanan).
- Ang karamihan ng mga bariasyon o pagkakaibang ito ay namamana(katotohanan).
- Ang mga indibidwal na hindi angkop sa kapaligiran ay hindi malamang na makapagpatuloy at hindi malamang na makapagparami; ang mga indibidwal na mas angkop sa kapaligiran ay mas malamang na makapagparami at mag-iwan ng mga mamamanang mga katangian sa mga hinaharap na henerasyon na lumilikha ng prosesong natural na seleksiyon(inperensiya).
- Ang mabagal na nangyayaring prosesong ito ay nagreresulta sa mga populasyon na nagbabago upang umangkop sa mga kapaligiran nito at sa huli, ang mga bariasyong ito ay matitipon sa paglipas ng panahon upang bumuo ng bagong espesye(inperensiya).
Impluwensiya at pagtanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang teoriya ng ebolusyon ay tinatanggap ng pamayanang siyentipiko at akademya bilang ang tanging paliwanag na buong makapagpapaliwanag sa mga obserbasyon sa mga larangan ng biolohiya, paleontolohiya, molekular na biolohiya, henetika, antropolohiya at marami pang iba.[3][4][5][6][7] Ito ay tinatanggap rin ng pamayanang siyentipiko bilang nananaig na teoriya ng dibersidad na biolohiko.[8][9]
Ang modernong teoriya ng ebolusyon ay patuloy na umuunlad. Ang teoriya ni Darwin sa pamamagitan ng natural na seleksiyon na may tulad ng punong modelo nito ng pagsasanga ng karaniwang pinagmulan ang naging nagpapaisang teoriya sa mga agham ng buhay. Ang teoriyang ito ay nagpapaliwanag ng dibersidad sa mga buhay na organismo at ang pag-aangkop ng mga ito sa kapaligiran. Ito ay nagbibigay saysay sa rekord ng heolohiya, bioheograpiya, mga paralelo sa pag-unlad ng embryo, mga homolohiyang biolohiko, bestihiyalidad, kladistika, pilohenetika at iba pang mga larangan na walang katulad sa kapangyarihang nitong pagpapaliwanag. Ito ay naging mahalaga rin sa mga nilalapat na agham gaya ng medisina at agrikultura.[10][11]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Darwin 1859, p. iii
- ↑ Mayr 1982, pp. 479–480
- ↑ Myers, PZ (2006-06-18). "Ann Coulter: No evidence for evolution?". Pharyngula. scienceblogs.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-22. Nakuha noong 2006-11-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-06-22 sa Wayback Machine. - ↑ The National Science Teachers Association's position statement on the teaching of evolution. Naka-arkibo 2003-04-19 sa Wayback Machine.
- ↑ IAP Statement on the Teaching of Evolution Naka-arkibo 2011-07-17 sa Wayback Machine. Joint statement issued by the national science academies of 67 countries, including the United Kingdom's Royal Society (PDF file)
- ↑ From the American Association for the Advancement of Science, the world's largest general scientific society: 2006 Statement on the Teaching of Evolution (PDF file), AAAS Denounces Anti-Evolution Laws Naka-arkibo 2006-04-21 sa Wayback Machine.
- ↑ Fact, Fancy, and Myth on Human Evolution, Alan J. Almquist, John E. Cronin, Current Anthropology, Vol. 29, No. 3 (Jun., 1988), pp. 520–522
- ↑ Delgado, Cynthia (2006-07-28). "Finding evolution in medicine". NIH Record. 58 (15). Inarkibo mula sa orihinal (hmtl) noong 2008-11-22. Nakuha noong 2007-10-22.
{{cite journal}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-11-22 sa Wayback Machine. - ↑ Ruling, Kitzmiller v. Dover page 83
- ↑ Biography, The Complete Works of Charles Darwin Online, 21 Enero 2009, nakuha noong 2009-04-23
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Larson 2004, pp. 287–288, 295