Pumunta sa nilalaman

Musikolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang musikolohiya (Griyego: μουσική = "musika" at λόγος = "salita", "katuwiran", "dahilan") ay ang maparaan at makadalubhasang pag-aaral ng musika o tugtugin. Kabilang sa larangan at agham na ito ang pananaliksik sa kasaysayan ng musika at mga gawaing ng pagsasagawa o pagtatanghal ng tugtugin, teoriya ng musika, estetika sa musika, akustiko o linigan, at pati ang pag-unlad ng mga instrumentong pangtugtog. Kaugnay nito, tinatawag na etnomusikolohiya ang hambingang pag-aaral ng musikang hinlog at katutubo ng iba't ibang mga kultura.[1]

Nagsimula bilang isang hiwalay na sangay ng pag-aaral sa larangan ng musika ang musikolohiya sa Alemanya noong ikalawang hati ng ika-19 daang taon. Sa kasalukuyan, isa na itong mahalagang bahagi ng kurikulum na pangmusika sa maraming mga pamantasan, katulad ng sa mga nasa Europa at Amerika.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Musicology". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 617.

Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.