Pinta

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagpipinta)
Jump to navigation Jump to search
Pinta

Ang pagpipinta ay ang kasanayan ng pagpapahid ng pintura, pigmento, kulay o iba pang gamit pangguhit sa isang pang-ibabaw. Ang produkto na pagpipinta ay tinatawag na pinta. Ang gamit pangguhit ay kadalasang inilalagay sa base gamit ang isang brush, ngunit ang iba pang kagamitan tulad ng mga kutsilyo, spongha at airbrushes, ay maaari ding gamitin.

Ang pagpipinta ay nagsimula sa panahon ng mga taong-kweba, gamit ang mga pangulay gaya ng orker sa lupa (earth orchers) at mangganeso. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng iba't-ibang pamamaraan at teknik sa pagpipinta, iba't ibang medyum na pinipintahan, at iba't ibang kasiningan sa paggamit ng spongha, brushes, at kutsilyo[1].[2]

Sa sining, ang mga pinta ay maaring magkaroon ng suportang pang-ibabaw na katulad ng mga ding-ding, papel, kambas, kahoy, salamin, laka, luad, dahon, tanso, o kaya nama'y kongkreto, at maari ring gumamit ng marami pang ibang gamit pangguhit kasama na rito ang buhangin, luad, papel, plaster, gold leaf at pati na rin ang iba pang mga kagamitan.

Ang salitang pagpinta ay ginagamit rin sa hindi saklaw ng sining bilang pangkaraniwang gawain sa pagitan ng mga artisano at manggagawa.


Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. "How Artists Hold a Painting Knife." Top Listly. Hinango noong 29 Enero 2019.
  2. "The History of Painting." The New Book of Knowledge, Scholastic. Hinango noong 29 Enero 2019.