Pumunta sa nilalaman

Cyworld

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kuwarto ng pamamahala ng Cyworld control sa Seoul, Korea. Ang mga operasyon ng sayt na ito ay binabantayan ng mga manggagawa ng SK Communications.

Ang Cyworld (싸이월드) ay isang Koriyanong pampamayanang websayt na pagmamay-ari ng SK Communications (SK커뮤니케이션즈), na kompanya ng SK Telecom (SK텔레콤). Sa Cyworld, ang mga miyembro ay maaaring gumawa at baguhin ang kanilang mga "home" (tahanan) at mag-imbita ng mga kaibigan.

Nagkakaroon ang mga miyembro ng Cyworld ng Ilchon (일촌/一寸) ang turing ng Cyworld sa mga taong may direktang koneksiyon sa isa pang miyembro. Gumagamit din ang Cyworld ng "minihompy" (maliit na pangunahin pahina), kung saan makikita ang mga larawan, message board, guestbook, listahan ng mga Ilchon, at pansariling bulletin board. Maaaring maikabit ng isang miyembro ang kanyang minihompy sa minihompy ng iba upang magkaroon ng buddy relationship (ugnayang kaibigan). Katulad ito ng nasa Friendster, Facebook and MySpace. Ayon sa mga pagsusuri, 90% ng mga Koryanong nasa edad na 20 hanggang 29 at 25% ng populasyon ng Timog Korea ay miyembro ng Cyworld, at sa dulo ng Setyembre 2005, ang mga bumibisita sa Cyworld ay umaabot sa 20 milyon.

Ang mga sikat na tao ay sinasabing mayroon ding kani-kanilang sariling account sa Cyworld. Ngayon, mayroong Cyworld sa Estados Unidos, Tsina, Japan, Taiwan, Vietnam, at Timog Korea. At noong 2007, naglunsad ang Cyworld ng isang photo sharing youth community na tinawag nilang "thephotodiary". Ang Swekong bersiyon ng sayt na ito, ang bilddagboken.se ay mayroon nang anim na milyong miyembro.

Home2 (tinatawag na ngayon bilang Blog)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos maging sikat ang minihompy, naglunsad ang Cyworld ng isang bagong serbisyong tinawag nilang Home2. Ang Home2 ay nagbibigay ng mas maraming serbisyo kaysa sa minihompy, naging katulad din ng Home2 (tinatawag na ngayon bilang Blog) ay nagiging katulad ng mga web blog sites.

Ang "Club" (클럽) ay mga silid pampamayanan kung saan ang mga miyembro ay nakakapag-usap tungkol sa isang bagay. Ang paggawa ng club ay katulad lamang ng paggawa ng miniroom at gumagamit din ng binibiling Acorn. Ang mga miyembro ay maaari ring hanapin ang ibang miyembro sa pamamagitan ng club.

Ang "Paper" (페이퍼) ay ang serbisyong katulad ng blog. Nagbibigay ito ng platform na katulad ng blog ngunit mas katulad ng mga Mail magazine.

Ang Cyworld at Nate.com ay magkasamang nagbibigay ng instant messenger service sa mga miyembro.

Dotori (tinatawag na Acorn sa Cyworld USA)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Cyworld ay gumagamit ng sariling pera na tinatawag na “Dotori,” o “Acorn” (도토리). Ang isang acorn ay katumbas ng 100 won. Ang presyo ng mga bagay na mabibili gamit nito ay magkakaiba. Ang isang larawan sa pader ay nagkakahalaga ng 2 acorn, ang isang kanta ay nasa 5 acorn, at 40 at pataas naman para sa mga likuran ng pangunahing pahina. Ang mga kabataan ay gumagastos ng nasa 500 na acorn sa isang araw upang baguhin ang kanilang "birtuwal na tahanan".

Ang Cyworld ay kumikita ng nasa 300,000 dolyar sa isang araw mula sa mga Acorn noong Setyembre 2005.

Epekto sa kultura ng Internet

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng malaking epekto sa kultura ng Internet ng Korea ang Cyworld na naiiba sa kulturang blog ng Estados Unidos. Maraming mga kilalang Koryanong personalidad ang kilala rin sa pagkakaroon nila ng kanilang sariling akawnt sa Cyworld kung saan makikita ang kanilang mga talakdaan ng mga pagdalaw sa iba't-ibang lugar at ang kanilang mga orihinal na likha. Tulad nina Duk-In Joo, isang manunulat ng tula and at awtor ng nobelang meaning of meanings (kahulugan ng kahulugan). Sa Timog Korea, kapag unang pagkakataon na magkita ang dalawang taong nasa kabataan nila, hinihingi nila ang "cyaddress" ng nakilalang tao imbis na ang kanilang numero ng telepono.

Ginagamit din ng mga negosyo ang Cyworld, kung saan makikita ang kanilang mga bagong produkto.

Noong Agosto 2006, naglunsad ang Cyworld ng opisyal na bersiyon sa Estados Unidos. Binago ng Native Instinct at Cuban Council ang bersiyon na ito upang pumatok at tangkilikin ng mga Amerikano habang pinananatili ang orihinal na mga konsepto at serbisyong orihinal ng Cyworld.

Noon ring 2006, tumanggap ang Cyworld ng Wharton Infosys Business Transformation Award dahil sa kanilang malawakang pagbabago ng personal na interaction ng mga tao.

Nagsasagawa ang Cyworld ng regular na inspeksiyon na tumatagal ng 3 hanggang 4 na oras upang magbigay ng mas magandang mga serbisyo.

Ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]