Pumunta sa nilalaman

Friendster

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tatak sa pangangalakal at pagkakakilanlan ng Friendster

Ang Friendster ay isang pribadong pagmamay-aring panghalubilong kabalagang websayt (social networking website) .[1][2] Sa Sydney, Awstralya ang punong himpilan nito.[3]

Nakatuon ang Friendster sa pagtulong sa mga tao na makakilala ng mga bagong kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan at magbahagi ng mga nilalamang midya sa web.[4] Ginagamit din ang websayt sa pagtatala at pagtutuklas ng mga bagong pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan, at marami pang iba. Maaaring magbahagi ang mga tagagamit ng mga nilalaman, katulad ng mga bidyo, larawan, mensahe at kumento sa mga kaibigan sa pamamagitan ng kanilang pahina ng impormasyon (profile) at sa kanilang kabalagan (network).[4]

Mayroon higit sa 90 milyong nakarehistrong tagagamit ang Friendster at higit sa 61 milyong natatanging mga bisita sa isang buwan sa buong mundo. Nakakatanggap ang websayt ng tinatayang 19 bilyong pagtingin sa mga pahina bawat buwan, at nasa loob ng 100 pinakamataas na websayt sa buong daigdig batay sa trapikong pang-web.[5]

Galing sa Asya ang higit sa 90% ng trapiko nito. Sa Asya, mas maraming natatanging mga bisita kaysa ibang panghalubilong kabalagang websayt.[6][7][8][9] Ang sampung pinakamataas na bansang gumagamit ng Friendster, sang-ayon sa Alexa noong 7 Mayo 2009 ay ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Timog Korea, ang Estados Unidos, Singgapura, Tsina, Hapon, Saudi Arabia at Indiya.[5]

Tinatag ni Jonathan Abrams, isang taga-programa ng kompyuter, ang Friendster sa Mountain View, California noong 2007 bago ang pagbuo, paglunsad, at adopsiyon ng MySpace, Facebook, LinkedIn at iba pa.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Eric Eldon, 4 Agosto 2008. "Friendster raises $20 million, nabs a Googler to be CEO" VentureBeat. Kinuha noong 4 Disyembre 2008.
  2. Gary Rivlin, 15 Oktubre 2006. "Wallflower at the Web Party." New York Times. Nakuha noong 4 Disyembre 2008.
  3. CNN, Can MySpace make a comeback?
  4. 4.0 4.1 "Friendster at a Glance document" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2009-07-31. Nakuha noong 2009-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Alexa Top 100". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-04-23. Nakuha noong 2009-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. ComScore Press Release, 30 Hunyo 2008. "India and China Propel Internet Audience Growth in Asia-Pacific Region, According to comScore Naka-arkibo 2009-05-05 sa Wayback Machine.", Nilabas para sa midya. Kinuha noong 27 Oktubre 2008.
  7. Ling Woo Liu, 29 Enero 2008. "Friendster Moves to Asia", TIME. Retrieved 27 Oktubre 2008.
  8. Nilabas para sa midya, 21 Oktubre 2008. "Friendster is the #1 Social Network for Adults and Youth in Malaysia Naka-arkibo 2008-12-19 sa Wayback Machine.", Nilabas para sa midya. Retrieved 27 Oktubre 2008.
  9. Nilabas para sa midya. 21 Oktubre 2008. "Friendster is the #1 Social Network for Adults and Youth in Singapore Naka-arkibo 2008-12-19 sa Wayback Machine.", Nilabas para sa midya. Kinuha noong 27 Oktubre 2008.
  10. Betsy Schiffman, 9 Mayo 2008. "In Praise of Friendster", Wired. Retrieved 27 Oktubre 2008.

Ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]