Pumunta sa nilalaman

Komunismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pinagsamang maso at karit, ang karaniwang sagisag ng komunismo.

Ang komunismo ay pampolitikang ideolohiya na nilalayon ang pagtatatag ng kaayusang sosyoekonomiko na nakabalangkas sa ideya ng pag-aaring komun ng moda ng produksyon at pagkawala ng salapi, estado, at uring panlipunan.

Bagama't ginagamit nang palitan sa midya, ang komunismo ay isang tiyak ngunit naiibang anyo ng sosyalismo. Maaring isa itong sanga ng kilos sosyalista. Ang komunista ay tumubo sa maraming uri na nangaling sa iba't ibang tao at kultura. Mga example ay ang Maoismo, Trotskismo, Luxemburgismo, anarkismo-komunismo. Si Karl Marx ang nagbuo ng isip ng komunismo sa libro niyang Manipestong Komunista na tinapos ng taong 1848.

Sa isang komunistang bansa, hindi pinapayagan ang mga mamamayan na makilahok sa pamamahala. Hindi sila nagtataglay ng mga karapatan at itinuturing silang walang kalayaan. Higit na tinatangkilik ng mga bansang hindi umuunlad ang komunismo. Marahil, naiimpluwensyahan sila ng paniniwalang sa lipunang komunismo, pantay-pantay ang mga tao.

Sa kasalukuyan, nagkakaroon na ng ilang pagbabago sa kaisipang komunismo, lalo na sa larangang pangkabuhayan at paggawa. Ilan sa mga pagbabagong ito ang pagbibigay ng iba't-ibang pasahod batay sa matratrabaho ng bawat manggagawa at pinapayagan din ang mga tao na magkaroon ng sariling negosyo. Halimbawa, sa Yugoslabya at Unggarya, pinapayagan na ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga propesyonal at ang may-angking kakayahan na magtayo ng mga industriya at negosyo upang magkaroon ng kompetisyon.

Etimolohiya at terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Joseph Alexandre Victor d'Hupay, isang pilosopong Pranses na kilala bilang unang manunulat na gumamit ng terminong komunismo sa kanyang makabagong kahulugan.
Si Nicolás Edme Restif de la Bretonne, isang nobelistang Pranses na naging isa sa mga unang tagatangkilik ng komunismo.

Nagmumula ang terminong komunismo sa Kastilang comunismo, na siya'y nanggagaling sa Pranses na communisme, na binuo mula sa Lating salitang communis at panlaping isme.[1] Isinasalin ang communis na "ng o para sa pamayanan", habang ang isme ay nagpapahiwatig ng abstraksyon sa isang estado, kilos, kondisyon, o doktrina. Dahil dito, ang komunismo ay maaaring bigyang kahulugan na "ang estado ng pagkakariyan ng o para sa pamayanan". Bago ito nagkaroon ng konotasyon na isang organisasyong pampolitika at pang-ekonomiya, una itong ginamit sa pagtatalaga ng iba't-ibang sitwasyong panlipunan. Sa kasalukuyang panahon, ang komunismo ay pangunahing naiuugnay sa ideolohiyang Marxismo, partikular na kinakatawan sa Manipestong Komunista na nagmumungkahi ng tiyak na uri ng komunismo.[2]

Mga katangian ng komunismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang komunismo ay lipunan na walang mga uri, walang pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa, at walang anumang indibidwal o kolektibong pag-aari. Ang tanging posibleng dulo ng sosyalisasyon ng produksiyon ng kapitalismo ay panlipunang pag-aari, ng buong lipunan, sa mga kagamitan ng produksiyon. Tanging sa pagwasak ng makauring mga prebilihiyo at indibidwal na pag-aari ang makaresolba sa umiiral na mga kontradiksiyon sa pagitan ng panlipunang katangian ng produksiyon at sa kapitalistang kalikasan ng panlipunang mga relasyon.

Ang panlipunang pag-aari na ito ng lahat ng produktibong pwersa at sa mga kagamitan ng produksiyon ay tanging ang proletaryado lamang ang makagagawa: isang pinagsamantalahang uri, na walang pang-ekonomiyang pag-aari, at kumikilos bilang isang produktibong kolektibidad.

Kaya ang komunistang lipunan ay nakabatay sa pagpawi ng kasalatan at sa produksiyon ng pangangailangan ng sangkatauhan. Ang komunismo ay lipunan ng kasaganaan, na magbibigay satispaksiyon sa lahat ng iba't-ibang pangangailangan ng sangkatauhan. Ang antas ng pag-unlad ng produktibong pwersa, ng siyensiya ng tao, teknolohiya at kaalaman, ang magbigay-daan sa emansipasyon ng tao mula sa dominasyon ng bulag na ekonomikong mga pwersa.

Pinagmulan: Sinauna at Kristiyanong Pagpapaunlad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Senecang Nakababata, isang unang siglong BK na Romanong pilosopo na naniwalang nahulog ang mga tao mula sa Gintong Panahon ng primitibong komunismo.

Maraming makasaysayang pangkat ang itinuturing na sumunod sa mga kaasuyang maihahalintulad sa komunismo. Ipinalagay ni Karl Marx na ang mga lipunang manghuhuli-mangtitipon na natagpuan sa Paleolitiko hanggang sa agrarismong makikita sa Kalkolitiko ay kolektibong egalitaryo, at samakatuwid ay tinawag ang kanilang pamumuhay bilang primitibong komunismo. Isa sa mga unang manunulat na naniwala sa komunismo ng nakaraan ay ang Romano at Estoikong pilosopo na si Senecang Nakababata, na nagpahayag: "Kay saya ng primitibong panahon nang magkakatulad ang mga biyaya ng kalikasan at ginamit nang hindi maselan [walang pinipili]; at nang di-pinagkaisa ng kasakiman at luho ang mga mortal at ginawa silang biktima sa isa't isa. Nilugod nila ang buong kalikasan nang magkakapareho, na sa gayo'y nagbigay sa kanila ng ligtas na pag-aari ng pampublikong kayamanan." Dahil dito ay naniwala siya na ang mga sinaunang lipunan ang pinakamayaman dahil walang karukhaan. Kabilang sa iba pang Greko-Romanong manunulat na nangatuwiran sa antigong sangkatauhan na nagsagawa ng komunismo ay sina Virgilio, Ovidio, at Diodoro Siculo. Katulad nito, ang mga sinaunang Ama ng Simbahan ay nanindigan na ang lipunang pantao ay bumaba sa kasalukuyang kalagayan nito mula sa ngayo'y nawawalang egalitaryong kaayusang panlipunan. Lumaganap ang mga ideyang katulad ng komunismo sa huling bahagi ng ika-5 siglo BK sa Sinaunang Gresya hanggang sa pinarodiya ito ng dramatistang si Aristopanes sa kanyang komedyang Mga Asambleyista kung saan inagaw ng mga babae ng Atenas ang kontrol sa eklesya o pamahalaang lungsod at tinanggal ang lahat ng pribadong pag-aari habang ginawang mandatoryo ang pagbahagi ng kababaihan at ang sama-samang pagpalaki ng kabataan. Pagkaraan ng mahigit isang dekada sa Republika ni Platon, idineklara ni Sokrates na ang isang perpektong estado ay aalisin ang lahat ng anyo ng pribadong pag-aari sa mga piling tao ng lipunan hanggang sa pinagsasaluhan ang mga bata't asawa, giniit na ang gayong kasanaya'y pipigilan ang tunggaliang panloob at magtatatag ng pagkakaisa at karaniwang pagkakakilanlan. Noong ika-5 dantaon sa Persya (ngayo'y Iran), ang Zoroastrianong repormistang pari na si Mazdak ay diumano'y nagtayo ng kilusang nangaral ng nilalarawang relihiyosong komunismo, na hinamon ang napakalubhang pribilehiyo ng klero at uring noble, pinuna ang institusyon ng pribadong pag-aari, at sinumikap ang pagkalikha ng egalitaryong lipunan.

Mga ideolohiyang komunista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Marxismo–Leninismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sina Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir Lenin, at Iosif Stalin.

Ang Marxismo–Leninismo ay isang komunistang ideolohiya at naging pangunahing kilusang komunista sa ika-20 dantaon. Bilang isang ideolohiya at kasanayan, ito ay binuo ni Joseph Stalin noong dekada 1920 batay sa kanyang pag-unawa at pag-iisa ng ortodoksong Marxismo at Leninismo. Ito ang naging opisyal na ideolohiya ng Unyong Sobyetiko.[3][4][5][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harper, Douglas (2020). "Communist". Online Etymology Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Morris, Emily (8 Marso 2021). "Does communism work? If so, why not". Culture Online (sa wikang Ingles). University College London. Nakuha noong 13 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lansford, Thomas (2007). Communism (sa wikang Ingles). New York: Cavendish Square Publishing. pp. 9–24, 36–44. ISBN 978-0761426288. By 1985, one-third of the world's population lived under a Marxist–Leninist system of government in one form or another.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lisichkin, G. (1989). "Мифы и реальность" [Myths and reality]. Novy Mir (sa wikang Ingles). Bol. 3. p. 59.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lansford, Thomas (2007). Communism (sa wikang Ingles). New York: Cavendish Square Publishing. p. 17. ISBN 978-0761426288.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Evans, Alfred B. (1993). Soviet Marxism-Leninism: The Decline of an Ideology (sa wikang Ingles). Santa Barbara: ABC-CLIO. pp. 1–2. ISBN 9780275947637.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)