Pumunta sa nilalaman

Kasaysayan ng Pilipinas (1565–1898)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Mga Petroglipo ng Angono
Kalinangang Liangzhu
Pagdating ng mga Austronesyo
Kulturang Hade
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Pulilu (????–1225)
Bayan ng Cainta (????–1572)
Bayan ng Kaboloan (1406–1576)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Kadatuan ng Madyaas (1080–1569)
Kadatuan ng Dapitan (????–1595)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Sanmalan (1011–1899)
Kasultanan ng Maguindanao (1515–1888)
Kasultanan ng Buayan (1350–1905)
Mga Sultanato ng Lanao (1616–1904)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Palatakdaan ng oras
Kasaysayang militar
 Portada ng Pilipinas

Pagiging kolonya ng Espanya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagdating ni Fernando de Magellan sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagdating ni Ruy López de Villalobos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang paglalayag na pambuong mundo sa ngalan ng Espanya ay nasundan ng apat pang mga ekspedisyon mula 1525 hanggang 1542. Sa ikaapat na panggagalugad, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Kapuluan ng Pilipinas at pinangalanan niya ang mga pulo mula kay Philip II na noon ay may katayuan bilang tagapagmana ng trono ng Kaharian ng Espanya, bagaman hindi pa pormal na naitatag ang Pilipinas bilang opisyal na teritoryo ng Espanya. Naging pormal na teritoryo ng Espanya ang Pilipinas noong 1565 nang italaga ni Haring Philip II (nanungkulan bilang hari ng Espanya mula 1556 hanggang 1598[1]) si Miguel Lopez de Legazpi bilang unang Gobernador-Heneral ng kapuluan.[2]

Pagdating ni Miguel López de Legazpi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong ika-19 o ika-20 ng Nobyembre 1564, lumayag ang 500 tao sa pamumuno ni Miguel López de Legazpi mula sa Barra de Navidad, Nueva Espanya. Nakarating sila sa Cebu noong ika-13 ng Pebrero 1565. Ito ang ipinagutos ni Miguel López de Legazpi bago siya dumating sa Asya :

“Walang tauhan ng Navy ang mangangahas na bumaba sa lupa na walang permiso mula sa akin at sinumang pupunta roon ay hindi dapat gumamit ng pwersa o mananakit ng mga katutubo,  kumuha ng anumang bagay na hindi nila pagaari tulad ng  mga gamit at iba pang ari-arian; hindi gagalawin ang mga sakahan o pananim o putulin ang mga puno; at hindi gagawa ng anumang kontrata nang walang pahintulot sa mga opisyal ng Mahal na Hari. Sinumang lalabag dito ay mahaharap sa mabigat na parusa, at para sa mga Kapitan na kumunsinti, ang parusa ay suspensyon sa kanilang posisyon".

Nangyari din na ang mga lokal na tribo ay palaging nasa digmaan sa pagitan nila, kaya't hindi nila nakita ang mga Espanyol bilang kanilang mga kaaway.  Dahil sa mga ito, si Legazpi ay nakakuha ng iba't ibang mga isla na bumubuo sa archipielago na halos walang mga salungatan o paglaban mula sa mga lokal.

Noong taong ito naitatag ang unang pampalaigang pamayanan ng mga Kastila sa Cebu, pagkaraang magapi ang isang pinunong Muslim (Moro). Noong 1571, pinili ni Legazpi ang Maynila upang maging kabisera ng kolonya. Ang Pilipinas ay pinangasiwaan ng Espanya magmula sa Mehiko (Bagong Mehiko). Ang pangangalakal ay isinagawa sa pamamagitan ng mga galeon na naglalayag sa pagitan ng Canton at ng Acapulco, Mehiko, kung kailan ang Pilipinas ay gumaganap bilang daungan, angkatan, at luwasan ng mga kalakal. Nagwakas ang pangangalakal sa pamamagitan ng mga galeon noong 1815 noong dumaong sa Maynila ang huling galeon na nanggaling sa Acapulco.

Naging bahagi ng patakaran ng Espanya ukol sa Pilipinas ang tatlong mga layunin: ang makapaghanap ng mga mapagkukunan ng maikakalakal na mga pampalasa; ang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan at ang katayuan ng Kristiyanismo sa Tsina at sa Hapon; at ang upang maging ganap ang pagiging mga Kristiyano ng sinaunang mga Pilipino. Ang Pilipinas lamang ang naging kolonya ng Espanya sa Asya.

Noong ika-19 na siglo mayroong isa nalathala na pinagkaiba ng Imperyo ng Espanya sa ibang mga imperyo.  Sa lahat ng konstitusyon ng Espanya ang mga mamamayan ng mga kolonya ay itinuturing na mga paksa ng Hari ng Espanya na ayon sa teoriya ay may parehong mga karapatan katulad ng mga Espanyol.  Ang unang konstitusyon ng kastila, noong 1812, ay nagsabi ng mga sumusunod:

"Ang mga mamamayan ng Espanya ay ang lahat ng mga tao na nagmula sa mga teritoryo ng Espanya at nakatira sa anumang bayan ng mga teritoryong iyon."

Sa kadahilanang ito mayroong mga mananalaysay pati na rin ang mga pulitiko na nagsasaad na ang Pilipinas ay hindi isang kolonya ng Espanya kungdi isang lalawigan na tinuturing probinsya ng bansang Espanya. Matapos ang panahon ng Espanya na si Emilio Aguinaldo, unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, ay nagsabi:

"Pinagsisisihan ko na lumaban sa mga Espanyol. (...) Sa pamumuno ng mga Espanyol, itinuring kaming mga Pilipino na mamamayang Espanyol. Ngunit ngayon sa ilalim ng Amerika, kami ay tagabili lamang ng mga produkto mula sa kanilang bansa. Hindi nila kami ginawang part ng estado ng Amerika. (...) Pinakitunguhan akong kapatid ng mga Espanyol. (...) Ang hari ng Espanya ay hari ko pa rin."

Paghina ng pamumunong Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang unang panghihina ng kapangyarihan ng pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas noong 1762. Naganap ito noong panandaliang mabihag ng mga Britaniko ang Maynila habang nagaganap ang Digmaan ng Pitong mga Taon (1756-63),[3][4] kung kailan ang Espanya ay kumampi sa Pransiya.[4] Bilang pagsuporta sa paglusob ng Britanya sa Pilipinas, naghimagsik laban sa mga Kastila ang mga mangangalakal na Intsik, isang pangkat na dumanas ng pang-uusig sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila. Nagkaroon ng iba pang mga panghihimagsik laban sa Espanya. Kabilang dito ang pag-aalsang pinamunuan ni Diego Silang mula sa Ilocos ng Hilagang Luzon, kung kailan nagtatag si Silang ng isang pamahalaang nagsasarili na nakikipag-ugnayan sa mga Britaniko.[4] Pinaslang si Silang, sa pamamagitan ng asasinasyon noong Mayo 1763.[4] Nang matapos ang digmaan, naibalik ang Maynila sa kapangyarihan ng Espanya noong Mayo 1764[4] dahil sa Kasunduan sa Paris.[3] Pagkaraan ng pagbabalik ng kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas, nagsagawa si José Basco y Vargas, ang gobernador ng Pilipinas mula 1778 hanggang 1787, ng magkakasunod na mga reporma na naglalayong mapainam ang kaunlaran ng ekonomiya ng kolonya.[4]

Pagkaraan ng paglaya ng Mehiko mula sa kapangyarihan ng Espanya noong 1821, tuwirang pinamahalaan ng Espanya ang Pilipinas mula sa Madrid, sa halip na mula sa Acapulco, Mehiko. Tumagal ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas nang 3 siglo.[2]

Pagwawakas ng pamumunong Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Natapos ang pamumuno ng Espanya sa Pilipinas bilang resulta ng nakisangkot ang Estados Unidos sa Cuba, isa pang pangunahing teritoryo sa ibang bansa ng Espanya. Nais ng Estados Unidos na masugpo ang panghihimagsik na naganap sa Cuba noong Pebrero 1895 dahil sa mga layunin ng Estados Unidos hinggil sa pagnenegosyo. Noong magpahayag ang Estados Unidos ng digmaan laban sa Espanya noong Abril 25, 1898, inatasan ni Theodore Roosevelt (na noon ay gumaganap bilang pansamantalang Sekretaryo ng Hukbong-Dagat ng Estados Unidos) na maglayag papunta sa Pilipinas upang gapiin ang hukbong-dagat ng Espanyang nasa Look ng Maynila. Natalo ng hukbong-dagat ng Estados Unidos ang hukbong-dagat ng Espanya na nasa Pilipinas noong Abril 25, 1898. Bago matapos ang 1897, nagpatuloy ang paglalaban ng Espanya at ng Estados Unidos hinggil sa kung sino ang aangkin sa Cuba. Samantala, naganap ang negosasyon sa pagitan ni Emilio Aguinaldo at ng mga opisyal ng Estados Unidos habang nasa Hong Kong at pagdaka sa Singapore. Nahikayat ni Dewey si Aguinaldo na magbalik sa Pilipinas. Noong Mayo 19, 1897, dumating si Aguinaldo sa Maynila upang pamunuan ang mga puwersa ng mga Pilipinong nanghihimagsik.[5]

Mga epekto ng pamumuno ng Espanya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

PAG-IISA NG BANSA - Pinagsama ng mga Espanyol ang kapuluan sa ilalim ng iisang solong administratibong katawan na pinamamahalaan mula sa Capitania General de Manila. Sa ganitong paraan nalikha ang pagkakakilanlan ng Pilipinas sa kabuuan, at sa batayan na ito noong ika-19 na siglo ay lumitaw ang pakiramdam ng pambansang pagkakakilanlan sa mga mamamayang Pilipino.

RELIHIYON AT KABIHASNAN. Ang mga Espanyol ay nagkalat ng relihiyong Katoliko sa mga lokal na mamamayan, nagsagawa ng mga patakaran ng sibilisasyon at lumikha ng mga institusyong pang-edukasyon. Ang ilan sa mga ito ay nananatili hanggang ngayon. Ang unang unibersidad sa Asya ay ang Unibersidad ng Santo Tomás na itinatag ng mga Espanyol noong 1611 sa Maynila.

MESTIZOS. Ang relihiyong Katoliko at ang pagbabawal sa pang-aalipin sa kahit saang emperyo ng Espanya ay nagdulot ng pagkakaroon ng isang malaking rate ng crossbreeding sa Pilipinas. Bilang isang resulta, karamihan sa mga Pilipino mula sa lahat ng mga klase sa lipunan ngayon ay parehong may dugong Espanyol at may mga lokal na ninuno. Karamihan sa mga posisyon sa gobyerno ay hawak ng mga Mestizos.

WIKA AT KULTURA. Ang Espanyol ay may malaking impluwensya sa mga lokal na wika. Tinatayang 33% ng mga salitang Tagalog ay may pinagmulan sa Espanya. Sa Mindanao, halos isang milyong tao ang nagsasalita ng Chavacano, na karamihan ay isang uri ng dayalekto ng mga Espanyol. Ang Heograpiya ng bansa ay mayroong 85% na mga Espanyol na pangalan, pati na rin mga apelyido. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng apelyido ng ina at ama. Nangyayari lamang ito sa mga bansang naging bahagi ng Espanya, na isang palatandaan ng kahalagahan ng pigura ng ina at paggalang sa mga kababaihan sa kulturang Hispaniko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Early Spanish Period, 1521-1762". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-04-02. Nakuha noong 2014-08-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Spanish Colony 1565 - 1898". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-09-25. Nakuha noong 2013-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 History of the Philippines
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 "The Decline of Spanish Rule, 1762-1898". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-04-05. Nakuha noong 2014-08-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Outbreak of War, 1898 Naka-arkibo 2013-02-09 sa Wayback Machine., Spanish-American War and Philippine Resistance

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]