Pangasinan (sinaunang bayan)
Pangasinan | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bago pa ang 1225–1572 | |||||||||||
Karaniwang wika | Pangasinense, iba pang wika sa Luzon | ||||||||||
Relihiyon | Animismo | ||||||||||
Pamahalaan | Kaharian | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
• Naitatag | Bago pa ang 1225 | ||||||||||
• Pananakop ng Kastila sa Pangasinan | 1572 | ||||||||||
Salapi | Ginto, pilak, palitan ng paninda | ||||||||||
| |||||||||||
Bahagi ngayon ng | Pilipinas |
Bahagi ng isang serye tungkol sa |
Kasaysayang Prekolonyal ng Pilipinas |
---|
Mga pangunahing tauhan
|
Mga pangunahing mapagkukunan at artepakto |
Tignan din: Kasaysayan ng Pilipinas |
Ang Pangasinan, tinutukoy sa mga talaang Tsino bilang Feng-chia-hsi-lan,[1] ay isang pre-kolonyal na bayan o panarian na matatagpuan sa baybay ng Golpong Lingayen.
Pinagmulan ng pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salitang "Pangasinan" ay hango sa katangian ng kinalalagyan niyo, sapagkat ito ay nagmula sa salitang-ugat na 'asin', na may unlapi ng 'pang-' o 'panag-a' at hulapi na '-an', bilang pagtukoy na ito ay isang lugar. Samakatuwid, ang kahulugan ng Panag-aasinan o Pangasinan ay "lupain ng asin" kung saan iminumungkahi nito na ang Pangasinan ay isang rehiyon sa baybay kung saan matatagpuan ang kasaganaan ng asin. Ang Pangasinan ay tinutukoy din ng mga Pangasinense bilang "luyag ed dapit-baybay" (lugar malapit sa baybay).[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sakop
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sakop ng Pangasinan ay umaabot sa kabuuang baybayin ng Golpo ng Lingayen kung saan ito'y umaabot mula sa hangganan ng Bolinao, hanggang Balaoan sa La Union. Dahil sa kalapitan ng Bolinao sa Panagsinan, ipinalagay ni Miguel de Loarca na ang mga taga-Bolinao at taga-Pangasinan ay gumagamit ng iisang wika.[3] Noong sinaunang panahon, may mga nahanap ring mga sinaunang palayok sa rehiyon ng Bolinao, kung saan iminumungkahi nito na aktibo ang kalakalan sa pagitan ng mga taga-Bolinao at ng mga Tsino sa rehiyon.[4] Ang Agoo, tinaguriang pinaka-maunlad na daungan ng Pangasinan, ay madalas na nakipagkalakalan sa mga Igorot kapalit ang kanilang ginto. Ang mga Igorot naman ay nakatanggap ng mga kalabaw at baboy na kanila namang dinala pabalik sa kabundukan. Ang kaunlarang ito ay nakapang-akit ng maraming mga mangangalakal mula Hapon, kung saan natanggap ng Agoo ang bansag na "Daungan ng Hapon".[3][5][6] Marami ring mga pinuno ang namuno sa Calasiao, Lingayen at Binmaley.
Kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga taga-Pangasinan ay nagkaroon ng mga kasuotan na magkatulad lamang sa ibang mga bansa o lugar sa mga tabing-dagat na bahagi ng Timog Silangang Asya, kasama na rin ang sutla mula sa mga Hapon at Tsino. Pati na rin ang mga pangkaraniwang mga tao ay nagsusuot rin ng mga kasuotang bulak na gawa ng mga Tsino at Hapon. Pinaitim rin nila ang kanilang mga ngipin ay nandiri sa mga puting ngipin ng mga banyaga, na hinantulad nila sa mga kahayupan. Gumamit rin sila ng mga porselanang mga palayok katulad rin sa mga Tsino at Hapones. Gumamit rin sila ng mga mala-Hapones na pulbura sa pakikipaglaban sa mga karagatan sa lugar.[7] Bilang kapalit sa mga produktong ito, ang mga mangangalakal sa mga iba't ibang lugar sa Asya ay dumadayo upang makipagkalakalan para sa ginto o mga alipin at pati na rin sa mga balat ng mga usa, algalya at iba pang mga lokal na produkto. Bukod sa madalas na pakikipagkalakalan sa mga Tsino at Hapon, ang kultura ng mga Pangasinense ay may malaking pagkakatulad sa iba pang mga pangkat-etniko sa Luzon, tulad ng mga Kapampangan at mga Ilokano.
Noong mga huling bahagi ng mga ika-16 at ika-17 dantaon, ang mga tala ng mga Kastila ay nagsasabi na ang mga taga-Pangasinan ay mahilig sa digmaan. Sila ay tinaguriang suwail, di masakop-sakop o "mahilig sa dugo" ng mga conquistador. Inilarawan sila ni Obispo Domingo de Salazar bilang "ang pinakamasamang uri ng mga tao–mga pinakamabangis at pinakamalupit sa lupain–ang malayang tribo kung saan ang kanilang kapiyestahan ay ang mamugot ng ulo ng isa't isa".[8]
Tala ng mga Tsino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga lugar sa kasalukuyang lalawigan ng Pangasinan tulad ng Golpo ng Lingayen ay binanggit noong 1225, nang ang Lingayen, na kilala noon bilang Li-ying-tung, ay nakalista sa Chu Fan Chih ni Chao Ju-kua (isang salaysay ng iba't ibang barbaro) bilang isa sa mga lugar ng kalakalan kasama ang Ma-i.[9] Nagpadala si Caboloan ng mga emisaryo sa Tsina noong 1406–1411.[1] Iniulat ng mga emisaryo ang tatlong sunud-sunod na pinuno ng Caboloan sa mga Tsino: sina Kamayin noong Setyembre 23, 1406, Taymey ("Talukap ng Pawikan"), at Liyli noong 1408 at 1409, at noong Disyembre 11, 1411, ipinagkaloob ng emperador ang mga Pangasinense ng isang piging pan-estado.[10]
Panahong kolonyal ng Espanya at mga pananakop ni Limahong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos ang pananakop sa Pangasinan ni Juan de Salcedo noong 1572, ang Pangasinan ay itinatag bilang isang encomienda.[11]
Si Limahong, isang korsaryo at hepeng militar na Tsino, ay panandaliang sumalakay sa polity matapos ang kanyang pagkabigo sa Labanan sa Maynila (1574). Pagkatapos ay nagtayo siya ng isang engklabe ng mga Wokou (mga piratang Hapon at Tsino) sa Pangasinan. Gayunpaman, ang ipinanganak sa Mehiko na si Juan de Salcedo at ang kanyang puwersa ng mga sundalong Tagalog, Bisaya, at Latino ay sinalakay at winasak ang kaharian ng pirata at pagkatapos ay isinama ang mga Pangasinan at ang kanilang politia sa Silangang Indiyas ng Espanya ng Imperio ng mga Kastila. Upang tumakas, ang piratang si Limahong ay naghukay sa Kanal sa wawa ng Ilog Agno upang makatakas noong Agosto 4, 1575.[12](p383)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Scott, William Henry (1989). "Filipinos in China in 1500" (PDF). China Studies Program (sa wikang Ingles). De la Salle University. p. 8.
- ↑ Flores, Marot Nelmida-. The cattle caravans of ancient Caboloan : interior plains of Pangasinan : connecting history, culture, and commerce by cartwheel. National Historical Institute. Ermita: c2007. http://www.kunstkamera.ru/files/lib/978-5-88431-174-9/978-5-88431-174-9_20.pdf
- ↑ 3.0 3.1 Scott, William Henry (1994). Barangay Sixteenth-Century Philippine Culture and Society (sa wikang Ingles). Ateneo de Manila University Press. pp. 248–249. ISBN 9789715501354.
- ↑ Scott, William Henry (1984). Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History. Quezon City: New Day Publishers. ISBN 9789711002275.
- ↑ de Loarca, Miguel (1582). Relacion de Las Yslas Filipinas.
- ↑ Sals, Florent Joseph (2005). The history of Agoo : 1578-2005 (sa wikang Ingles). La Union: Limbagan Printhouse. p. 80.
- ↑ Scott, William Henry (1994). Barangay. Manila Philippines: Ateneo de Manila University Press. p. 187.
- ↑ Scott, William Henry (1994). Barangay Sixteenth-Century Philippine Culture and Society (sa wikang Ingles). Ateneo de Manila University Press. pp. 248–249. ISBN 9789715501354.
- ↑ owards an Early History of Pangasinan: Preliminary Notes and Observations ni: Erwin S. Fernandez. Pahina 181 (sa Ingles)
- ↑ FILIPINOS IN CHINA BEFORE 1500 BY WILLIAM HENRY SCOTT p. 8 (sa Ingles)
- ↑ "History". The Official Website of the Province of Pangasinan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-21.
- ↑ Flores, Marot Nelmida-. The cattle caravans of ancient Caboloan : interior plains of Pangasinan : connecting history, culture, and commerce by cartwheel. National Historical Institute. Ermita: c2007. http://www.kunstkamera.ru/files/lib/978-5-88431-174-9/978-5-88431-174-9_20.pdf