Pilak

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Pilak (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Silver (paglilinaw).
Ang posisyon ng Silver sa talaang peryodiko ng mga elemento.

Ang pilak o plata (Kastila: plata, Ingles: silver) ay isang metalikong elementong kimikal na may simbolong Ag (mula sa argentum ng Latin) at atomikong bilang na 47. Malambot ito, maputi, makinang o makisap, nababatak, at napupukpok na metal. Kabilang sa pag-aaring katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong timbang na 107.870, punto ng pagkatunaw na 960.8 °C, punto ng pagkulong 2,212 °C, at espesipikong grabidad na 10.50. Ito ang may pinakamataas na konduktibidad ng kuryente at init mula sa lahat ng mga elemento na kasalukuyang nadiskubre na. Dahil sa mga katangian nito, ginagamit ang pilak sa paggawa ng mga alahas, kubyertos, pampasta ng ngipin, mga barya, at mga piyesang para sa mga aparatong elektroniko.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Silver, pilak, plata". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.



Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.