Pumunta sa nilalaman

Krayon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga krayon o krayola ay mga kasangkapang panulat na yari sa kinulayang mga pagkit, tubig, at asidong sitriko o kaya yeso. Ginagamit sila kadalasan ng mga bata sa pagguhit ng mga larawan, bagaman may ilang mga artista ng sining na ginagamit ang mga ito upang makapaglagay ng panghuling mga hagod sa kanilang akdang pansining. Isa sa pinaka kilalang tatak ng mga krayon ay ang Crayola, isang kompanya ng Binney and Smith, na pinagmulan ng katawagang "krayola" sa Tagalog.

Bukod sa pagiging isang patpat na gawa sa pagkit na may kulay, ang krayon ay maaari ring maging yari sa uling, yeso, o iba pang mga materyal na ginagamit sa pagsusulat, pagkukulay, pagguhit at iba pang mga paraan ng pagdodrowing. Ang isang krayon na yari sa yesong nilangisan ay tinatawag na pastel na nilangisan; kapag gawa sa pigmento na may tuyong pampatibay, payak itong tinatawag bilang pastel lamang; ang mga ito ay kapwa tanyag na midya para sa akdang pansining na may kulay. Ang lapis na ginarasahan o china marker ("pangmarkang Tsino") o chinagraph pencil ay gawa sa kinulayang pinatigas na grasa at ginagamit sa pagmamarka sa matigas at makintab na mga kaibabawan na katulad ng porselana at salamin. Ilang mga kompanya na pampinong sining na katulad ng Suwisong Caran d'Ache ay nagmamanupaktura ng mga krayon na nalulusaw sa tubig, na ang mga kulay ay madaling paghaluin kapag nilapat sa midya.

Ang mga krayon ay maginhawang gamitin, hindi marumi (hindi makalat na katulad ng mga pintura at ng mga pangmarka), pudpod (na nagtatanggal ng panganib ng pagkakaroon ng tulis kapag ginagamit ang isang lapis o pluma), hindi nakakalason, hindi mahal ang halaga, at makukuha na nasa isang malawak na kasamu't sarian ng mga kulay.


Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.