Jayadewa
Jayadeva | |
---|---|
Hwan Nāyaka tuhan Pailah | |
Paghahari | c. 900 |
Buong pangalan | Hwan Nāyaka tuhan Pailah ᜑᜓᜏ ᜈᜌᜃ ᜇᜒᜌᜇᜒᜏ ह्वन् न्यक जयदेव |
Konsorte kay | Dayang Bukah |
Bahay Maharlika | Bayan ng Tondo |
Si Jayadewa o Jayadeva (Sanskrito: जयदेव, Baybayin: ᜇᜒᜌ᜔ᜇᜒᜏ; buong pamagat: Hwan Nāyaka tuhan Pailah Jayadewa)[1] ay ang Punong Kagawad ng Pailah (Pila, Laguna ngayon) sa panahong isinulat ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna noong taong 900. Ayon sa kasulatan, nanilbihan siya bilang kinatawan ng "Punong Kumander" (pamegat senāpati di Tundun) sa pagtawad sa mga kamag-anak ng isang taong nagngangalang Namwaran sa kaniyang mga pagkakautang. Bagama't walang iba pang mga tala ang tumutukoy sa kaniyang buhay at mga ginagawa, si Jayadewa ay isang mahalagang tao sa kasaysayan ng Pilipinas dahil isa siya sa mga taong malinaw na natukoy sa kasulatan.[2]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinakasalan niya si Dayang Bukah, bilang kapalit upang mabayaran ang utang na 1 kati at 8 suwarna ng mga magulang ni Buka na sina Namwaran at Dayang Angkatan.[1]
Sa pagkakátaóng itó, si Dayang Angkatán sampû ng kaniyáng kapatíd na nagngangalang Buká (bulaklák), na mga anák ng Kagalang-galang na si Namwarán, ay ginawaran ng isáng kasulatán ng lubós na kapatawarán mulâ sa Punong Pángkalahatán sa Tundún (Tondo) sa pagkatawán ng Punong Kagawad ng Pailáh na si Jayadewa.
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna - ang pinakalumang kasulatan sa Pilipinas
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-22. Nakuha noong 2017-10-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morrow, Paul (2006-07-14). "The Laguna Copperplate Inscription". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-05. Nakuha noong 2008-02-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)