Pumunta sa nilalaman

Lapulapu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lapulapu
Kapanganakan
Monumento
Ibang pangalan
  • Çilapulapu
  • Si Lapulapu
  • Salip Pulaka
Kilala saNamuno sa mga hukbong Bisaya na pumatay kay Fernando Magallanes
TituloDatu ng Mactan

Si Lapulapu (aktibo noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa mga taga-Europa. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu, Si Lapu-Lapu, Salip Pulaka, at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco), subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.

Si Lapulapu ay pinaniniwalaang isang Muslim na nagmula sa mga Tausug. Pinaniniwalaan din na si Lapulapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.

Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapulapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapulapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at angkan ni Lapulapu. Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapulapu sa kanyang alok.

Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Lapulapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, taong 1521, nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit sa isang libo ay naglayag upang lusubin ang Mactan. Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapulapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapulapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapulapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito na siya tuluyang pinatay ni Lapulapu.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga dagdag na babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Agoncillo, Teodoro A. "Magellan and Lapu-Lapu". Fookien Times Yearbook, 1965, p. 634.
  • Alcina, Francisco, Historia de las Islas e Indios de Bisaya, MS 1668.
  • Correa, Gaspar, Lendas de India, Vol. 2, p. 630.
  • Cruz, Gemma, "Making Little Hero of Maktan."
  • Estabaya, D. M., "445 Years of Lapu-lapu", Weekly nation 1: 26–27, 25 Abril 1966.
  • Pigafetta, Antonio, Primo Viaje en Torno al Globo Terraqueo, Corredato di Notte de Carlo Amoteti, Milano, 1800.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]