Cebu (lalawigan)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lalawigan ng Cebu
Lalawigan sa Sugbo
Province of Cebu
—  Lalawigan  —
Lalawigan ng Cebu

Watawat

Sagisag
Mapa ng Pilipinas kung saan makikita ang lalawigan ng Cebu
Coordinates: 10°19′N 123°45′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga coordinate: 10°19′N 123°45′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Watawat ng Pilipinas Pilipinas
Rehiyon Gitnang Kabisayaan (Rehiyon VII)
Naitatag 27 Abril 1565
Kabisera Lungsod ng Cebu
Pamahalaan
 • Uri Lalawigan ng Pilipinas
 • Gobernador Hilario Davide III (Partido Liberal)
 • Bise Gobernador Agnes Magpale (Partido Liberal)
Laki[1]
 • Kabuuan 4,943.72 km2 (1,908.78 sq mi)
Area rank Ika-21 ng 80
  Hindi kabilang ang mga independent cities
Populasyon (2010)[2]
 • Kabuuan 2,619,362
 • Ranggo Ika-4 ng 80
 • Density rank Ika-7 ng 80
  Hindi kabilang ang mga independent cities
Pagkakahati
 • Independent cities 3
 • Component cities 6
 • Municipalities 44
 • Mga Barangay 1,066
including independent cities: 1,203
 • Districts 1st to 6th districts of Cebu (shared with Mandaue and Lapu-Lapu cities)
including independent cities: 1st and 2nd districts of Cebu City
Sona ng oras PHT (UTC+8)
ZIP codes 6000 - 6053
Dialing code 32
Katutubong Wika Cebuano, Filipino, Ingles
Websayt v.ph

Ang Cebu ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Cebu. Isang mahabang mapayat na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometro (140 milya) mula sa hilaga hanggang timog, at napapalibutan ng 167 na kalapit na maliliit na mga pulo, na kinabibilangan ng Pulo ng Mactan, Pulo ng Bantayan, Pulo ng Malapascua, Pulo ng Olango, at ang mga Pulo ng Camotes. Sa daan-daang mga pulo nito, ang iba dito ay hindi tinitirhan na naging dahilan upang maging tanyag ang mga ito sa mga turista.

Kilala ang Cebu dahil sa mga pook nito na may katangian ng isang pulong tropikal gaya ng mga talampas, mga malalawak na dalampasigan. Karamihan din sa Cebu ay maburol, at mabundok hanggang patungo sa hilaga, at patimog ng pulo. Ang pinakamataas na pook sa Cebu ay umaabot sa 1,000 metro. Matatagpuan ang mga kapatagan sa lungsod Bogo at sa mga bayan San Remigio, Medellin, at Daanbantayan, at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.

Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan.

Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersiyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga otel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.

Pangalan[baguhin]

Ang katutubong pangalan para sa lugar ay Sugbo. Ang pangalang Cebú ay isang pagka-Kastila ng orihinal na katutubong pangalan, na sinimulang gamitin noong pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas. Ang unang ipinangalan ni Legazpi sa Cebu ay San Miguel ngunit ito ay muli niyang binago nang nakita niya ang Santo Niño na ibinigay ni Fernando de Magallanes sa mga Sebwano kaya ginawa niya itong La Ciudad del Santísimo Nombre de Jesús.

Heograpiya[baguhin]

Matatagpuan ang Cebu sa silangan ng Negros, sa kanluran ng mga pulo ng Leyte at Bohol. Isang mahabang makitid na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometre (140 mi) mula hilaga hanggang timog, na napalilibutan ng 167 maliliit na mga kapuluan, kasama na ang Mactan, Bantayan, Malapascua, Olango at ang Kapuluan ng Camotes. May makitid na dalampasigan, talampas na apog at mga patag na baybayin ang Cebu. Mayroon din mga bulubundukin mula hilaga hanggang timog sa kahabaan ng pulo.

Nasa 1,000 metre (3,300 ft) ang pinakamataas na bundok ng Cebu. Ang kapatagan ay matatagpuan sa lungsod ng Bogo at sa mga bayan ng San Remigio, Medellin at Daanbantayan at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.

Klima[baguhin]

Tropikal ang klima ng lalawigan ng Cebu. May dalawang panahon sa Cebu, ang tag-araw at ang tag-ulan.[3] Kadalasang tuyo at maaraw sa kabuuan ng taon na may kalat kalat na pag-ulan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Disyembre. Ang lalawigan ng Cebu ay kadalasang dinadaan ng isang bagyo lamang o minsan naman ay wala.

Higit na inuulan ang hilagang Cebu (mula Pulo ng Bantayan hanggang Lungsod ng Mandaue).[3]

Umaaabot sa 36 °C (97 °F) mula Marso hanggang Mayo ang temperatura sa Cebu, hanggang sa pinakamababang 18 °C (64 °F) sa mga bulubundukin tuwing tag-ulan. Pangkaraniwang Padron:Convert/Dual/LoffAoffDbSoffT ang temperatura sa Cebu, at hindi gaanong nagbabago maliban na lamang sa buwan ng Mayo, kung saan naitatala ang pinakamainit na temperatura. Pangkaraniwang 70–80 bahagdan ang kahalumigmigan ng Cebu.[4]

Demograpiya[baguhin]

Panitikang Cebuano[baguhin]


Mga Wika[baguhin]

Katutubong wika sa Cebu ang Wikang Cebuano. Sinasalita ito sa halos lahat ng bahagi ng mga kapuluan sa Gitnang Bisayas, kasama ang mga lalawigan ng Bohol, kanlurang Leyte, Negros; sa ilang bahagi ng sa katimugang Pilipinas kasama ang Bukidnon, Agusan, Surigao, Davao, Cotabato, at Zamboanga del Sur. May mga pagkakaibang makikita sa mga salita sa maraming bahagi subalit ang pagkakakaiba ay bahagya lamang.[5] May tinatayang 20 milyong tagapagsalita ng Cebuano.[6] Mahusay din manalita ang mga Cebuano ng ibang katutubong wika sa Pilipinas gaya ng Tagalog at iba pang mga wikang Bisaya gaya ng Hiligaynon, at Waray-Waray.

Sa mga Pulo ng Camotes, isang katutubong wikang kaugnay ng Waray-Waray ang tinatawag na Porohon ang sinasalita doon.

sa Santa Rosa, Ang Bisayang Bantayan ang sinasalita.

Ang Wikang Kastila ang kadalasang sinasalita ng mga mestizo, at sa mga pamayanang Kastila. Ang lalawigan ng Cebu ang kauna-unahang lalawigan naimpluwensiyahan ng mga Kastila bago inilipat ang kabisera sa Maynila. Ang Wikang Ingles ang salitang ginagamit sa larangan ng edukasyon, media, komersiyo, kalakalan at pamahalaan; at ang Wikang Intsik ay sinasalita naman sa mga pamayanang Tsino.

Relihiyon[baguhin]

Ang Nuestra Señora de Guadalupe ang patron ng Cebu. Subalit karamihan sa mga Cebuano ay nagsasabing ang Santo Niño de Cebu, Ang Banal na Batang Jesus ang kanilang santong patron Ang Estatwa nito ay matatagpuan sa Basilica Minore del Santo Niño. Ang San Nicholas de Tolentino ay ang pinakalumang simbahan ngunit bahagyang nasira noong panahon ng digmaan. Ito ang orihinal na pook kung saan unang dumaong at itinayo ng mga Kastila ang Krus bago ito inilipat sa kasalukuyang pook nito sa Basilika.

Ekonomiya[baguhin]

Ang "Ceboom", pinaghalong salitang "Cebu" at "Boom", ay ginagamit upang tukuyin ang pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan. Kasama ng maraming magagandang kapuluan, mga dalampasigang may puting buhangin, mga magagarang hotel at mga resorts, mga pook bakasyunan at mga pook pangkasaysayan, ang mataas na pagdagsa ng mga lokal at banyagang turista ang nagpalago sa industriya ng turismo sa Cebu. Nanatiling may malaking bahagi ang Cebu sa mataas na bilang ng turista sa Pilipinas, at nagiging daan pangturismo para sa iba pang mga pook pangturista sa Gitna at Katimugang bahagi ng Pilipinas, dahil sa lokasyon nito.

Tinatayang 80% ng mga tagapamahala ng mga panglokal at pambayagang mga barko at tagapaggawa ng barko sa Pilipinas ay matatagpuan sa Cebu. Ang industriya ng paggawa ng barko sa Cebu ang naglagay sa Pilipinas sa ika-apat na pinakamalaking bansang gumagawa ng barko sa buong daigdig.[7]

Politika[baguhin]

Mga Lungsod[baguhin]

Mapang pampolitika ng Cebu

Mga Bayan[baguhin]

Tingnan din[baguhin]

Mga Sanggunian[baguhin]