Kapuluan ng Camotes
Ang Kapuluan ng Camotes ay mga kapuluan sa Dagat ng Camotes, Pilipinas. Ang kapuluan ay matatagpuan sa silangan ng Pulo ng Cebu, timog kanluran ng Pulo ng Leyte, at hilaga ng Pulo ng Bohol.
Binubuo ang Kapuluan ng Camotes ng tatlong pangunahing mga pulo at isang hindi pangunahing pulo, na hinati sa apat na bayan. Ang Pulo ng Poro ay nahahati sa mga bayan ng Poro at Tudela. Nag-iisang bayan ang San Francisco sa Pulo ng Pacijan. Matatagpuan naman sa Pulo ng Ponson ang bayan ng Pilar. Ang Pulo ng Tulang ay isang maliit na pulo sa bahagi ng bayan ng San Francisco. Ang pangunahing mga pulo ng Pacijan at Poro ay pinagdurugtong ng isang tulay. Ang Ponson ay pinaghiwalay ng Dagat ng Camotes, matatagpuan 4 na kilometro sa hilagang silangan ng Poro. Matatagpuan ang Tulang sa dulong hilaga ng Pacijan.