Pulo ng Negros

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Negros)
Jump to navigation Jump to search
Negros
Bulkan Kanlaon
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng Negros (nakapula)
Heograpiya
LokasyonTimog Silangang Asya
Mga koordinato10°00′N 123°00′E / 10.000°N 123.000°E / 10.000; 123.000Coordinates: 10°00′N 123°00′E / 10.000°N 123.000°E / 10.000; 123.000
KapuluanKabisayaan
Lawak13,328.4 km2 (5,146.12 sq mi)
Area rank62nd
Pinakamataas na elebasyon2,435 m (7,989 ft)
Pinakamataas na bahagiKanlaon
Bansa
Pilipinas
LalawiganNegros Occidental, Negros Oriental
Kabiserang lungsodBacolod (pop. 511,820[1])
Demograpiko
Populasyon4,194,525[1] (noong 2010)
Kapal315 /km2 (816 /sq mi)
Mga pangkat etnikoMga Bisaya (Hiligaynon, Cebuano)

Ang Negros ay isang pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Kabisayaan. Ikatlong pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Negros na may sukat na 13,328 square kilometre (5,146 mi kuw). Tinatawag na mga Negrenses ang mga naninirahan dito.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Nahahati ang pulo ng Negros sa dalawang lalawigan: ang Negros Oriental sa rehiyon ng Gitnang Kabisayaan at Negros Occidental, na bahagi ng rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Sinusundan ng pagkakahating ito ang bulubundukin sa gitna ng pulo, na humahati rin sa dalawang pangkat etno-lingwistiko. Ang kanlurang bahagi (Occidental) ay mga Ilonggo o mga Negrenseng nagsasalita ng Hiligaynon, at ang silangang bahagi (Oriental) ay tirahan ng mga Negrenseng nagsasalita ng Cebuano.

Kilala ang pulo ng Negros bilang pangunahing prodyuser ng asukal. Maraming mga pagawaan ng tubo sa mga pook agrikultural ng pulo. Nakakagawa rin ang pulo ng mga bulak.

Ang Bulkang Kanlaon sa hilagang bahagi ng pulo ay isa sa pinaaktibong bulkan sa Pilipinas. Ito rin ang pinakamataas na bahagi ng lupa sa pulo at sa Kabisayaan.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]