Pumunta sa nilalaman

Bulkang Kanlaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bulkang Kanlaon
Bundok Kanlaon
Ang Bulkang Kanlaon habang tinatanaw mula sa silangan.
Pinakamataas na punto
Kataasan2,435 m (7,989 ft)
Prominensya2,435 m (7,989 ft)
PagkalistaUltra
Mga koordinado10°24′42″N 123°07′54″E / 10.41167°N 123.13167°E / 10.41167; 123.13167
Heograpiya
Bulkang Kanlaon is located in Pilipinas
Bulkang Kanlaon
Bulkang Kanlaon
Mapa ng Pilipinas
LokasyonPulo ng Negros, Pilipinas
RehiyonPH
Heolohiya
Uri ng bundokIstratobulkan
Arko/sinturon ng bulkanSinturong Mabulkan ng Negros
Huling pagsabog2006
Bundok Kanlaon sa Binitin, Murcia, Negros Occidental

Ang Bulkang Kanlaon (Hiligaynon: Bulkan sang Kanlaon; Cebuano: Bulkan sa Kanlaon; Ingles: Kanlaon Volcano; Espanyol: Volcán de Canlaon, Malaspina), na binabaybay din bilang Kanla-on o Canlaon, ay isang bulkang masigla na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Nakasaklang ang istratobulkang ito sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental, na tinatayang 30 km (19 mi) sa timog-silangan ng Lungsod ng Bacolod, ang kabisera at pinakamataong lungsod sa Negros Occidental.

Ang bulkan ay isang paboritong pook ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Likas na Liwasan ng Bundok Kanlaon (Mt. Kanlaon Natural Park), isang pambansang liwasan na unang inilunsad noong 8 Agosto 1934.[1][2] Isa ito sa masisiglang mga bulkan ng Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng apoy sa Pasipiko.


Mitolohiya at alamat ng Bulkang Kanlaon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Laon (na ang ibig sabihin ay “ang sinauna”), kilala rin bilang Kanlaon o ang demonyong Lalahon, ay isang makapangyarihang diwata mula sa Bulkang Kanlaon sa isla ng Negros. Minsan siyang kinikilalang diyos ng apoy at ani, ngunit sa ibang kwento, isa siyang mapanirang demonyo. Maari siyang magbigay ng masaganang ani o magdulot ng kapinsalaan, gaya ng salot ng balang o pagputok ng bulkan. Sa mga alamat, si Laon ay minsang inilalarawan bilang lalaki, minsan naman bilang babae. [3] [4] [5][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "NIPAS's 202 Initial list of components" Naka-arkibo 2012-03-20 sa Wayback Machine.. Protected Areas and Wildlife Bureau. Nakuha noong 2011-08-13.
  2. "Protected Areas of Region 6" Naka-arkibo 2012-03-20 sa Wayback Machine.. Protected Areas and Wildlife Bureau. Nakuha noong 2011-08-13.
  3. Demetrio, Francisco R. (1991). The Soul Book: Introduction to Philippine Pagan Religion. GCF Books. pp. 12, 13, 15.
  4. Blair, Emma Helen; Robertson, James Alexander; Bourne, Edward Gaylord (1903). The Philippine Islands, 1493–1803. Bol. 5 (1582–1583). The Arthur H. Clark Company.
  5. Yuste, Eduardo Descalzo (2010). "La historia natural y moral de Filipinas en la obra de Pedro Chirino, S.I. (1557-1635)". Ciencia Y Cultura entre Dos Mundos: Segundo Simposio. Fundación Canaria Orotava. pp. 25–48. ISBN 9788461550449.
  6. Blumentritt, Fernando (1895). Diccionario Mitologico de Filipinas.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

HeograpiyaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.