Pumunta sa nilalaman

Negros

Mga koordinado: 10°00′N 123°00′E / 10.000°N 123.000°E / 10.000; 123.000
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pulo ng Negros)
Negros
Heograpiya
LokasyonTimog Silangang Asya
Mga koordinado10°00′N 123°00′E / 10.000°N 123.000°E / 10.000; 123.000
ArkipelagoKabisayaan
Sukat13,328.4 km2 (5,146.12 mi kuw)
Ranggo ng sukat62nd
Pinakamataas na elebasyon2,435 m (7,989 tal)
Pamamahala
Pilipinas
Demograpiya
Populasyon4,194,525[1]
Densidad ng pop.315 /km2 (816 /mi kuw)

Ang Negros ay isang pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Kabisayaan. Ikatlong pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Negros na may sukat na 13,328 square kilometre (5,146 mi kuw). Tinatawag na mga Negrenses ang mga naninirahan dito.

Nahahati ang pulo ng Negros sa dalawang lalawigan: ang Negros Oriental sa rehiyon ng Gitnang Kabisayaan at Negros Occidental, na bahagi ng rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Sinusundan ng pagkakahating ito ang bulubundukin sa gitna ng pulo, na humahati rin sa dalawang pangkat etno-lingwistiko. Ang kanlurang bahagi (Occidental) ay Mga Ilonggo o mga Negrenseng nagsasalita ng Hiligaynon, at ang silangang bahagi (Oriental) ay tirahan ng mga Negrenseng nagsasalita ng Cebuano.

Kilala ang pulo ng Negros bilang pangunahing prodyuser ng asukal. Maraming mga pagawaan ng tubo sa mga pook agrikultural ng pulo. Nakakagawa rin ang pulo ng mga bulak.

Ang Bulkang Kanlaon sa hilagang bahagi ng pulo ay isa sa pinaaktibong bulkan sa Pilipinas. Ito rin ang pinakamataas na bahagi ng lupa sa pulo at sa Kabisayaan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities" (PDF). National Statistics Office of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 26 Disyembre 2018. Nakuha noong 11 Mayo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]