Rehiyon ng Pulo ng Negros

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rehiyon ng Pulo ng Negros
Rehiyon sang Isla sang Negros (Hiligaynon)
Rehiyon sa Isla sa Negros (Cebuano)
Dating rehiyon ng Pilipinas

 

2015–2017
 

Location of Negros
Kinaroroonan sa Pilipinas
Kabisera Bacolod at Dumaguete (mga magkasabay na panandaliang sentro ng rehiyon para sa isang tatlong taong panahon ng transisyon; Kabankalan at ang kalapit nitong Mabinay ay balak na gawing permanenteng sentro ng rehiyon)
History
 -  Itinatag Mayo 29 2015
 -  Binuwag Agosto 9 2017
Population
 -  2015[1] 4,414,131 
Political subdivisions
Ngayon bahagi ng

Ang Rehiyon ng Pulo ng Negros (Ingles: Negros Island Region, dinaglat bilang NIR) ay isang dating pampangasiwaang rehiyon sa Pilipinas na kinapapalooban ng mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental at ng lubos na urbanisadong lungsod ng Bacolod. Umiral ito mula Mayo 29, 2015 hanggang Agosto 9, 2017.

Noong ika-29 ng Marso 2015, nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 183 si dating Pangulong Benigno Aquino III na pormal na nagtatatag sa rehiyon.[2]

Noong Agosto 9, 2017, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 38, na nagpapabuwag sa Rehiyon ng Pulo ng Negros.

Sangay Pampulitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Lalawigan/Lungsod Kabisera Populasyon
(2010)
Lawak
(km²)
Kapal ng Populasyon
(bawat km²)
Negros Occidental Bacolod¹ 2,396,039 7,965.21 300
Negros Oriental Dumaguete 1,286,666 5,385.53 240
Bacolod¹ 511,820 162.67 3,100

¹ Ang Bacolod ay isang lubos na urbanisadong lungsod, kaya ang bilang ng tao ay hindi isinasama sa Negros Occidental

Ang Negros Occidental ay nahahatì sa 19 bayan at 13 lungsod. Ito ay ang may pinakamaraming lungsod sa lahat ng mga lalawigan sa Pilipinas. Bagama't ang Bacolod ay ang ulunlungsod, ito ay pinamamahalaan na hiwalay sa lalawigan bílang lubos na urbanisadong lungsod.

Samantalang ang Negros Oriental ay nahahati sa 19 bayan at 6 na lungsod, na nahahatì rin sa 557 barangay.

Mga nakapaloob na lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Negros Occidental
Negros Oriental
Wikang Sinasalita, 2000[3][4][5]
Wika Nagsasalita '000
Hiligaynon
  
2,107
Cebuano
  
1,513

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga unang kurukuro[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pagtutulak na magkaroon ng iisang islang rehiyon ay sinimulan sa usapan ng dáting Gobernador Bitay Lacson at ang yumaong dáting Gobernador Emilio Macias pagkatapos ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan o Rebolusyong EDSA. Naganap ang usapan sa pagitan nang mga taóng 1986 at hulihan ng kanilang mga panunungkulan ng 1992. Ang sumunod sa kanilang sina dáting Gobernador Rafael Coscoluella at dáting Gobernador ngayo'y Kinatawang George Arnaiz ay nagtulak ng hakbang at tinukoy na ang Lungsod Kabankalan sa Negros Occidental at ang kalapit nitong bayan ng Mabinay sa Negros Orriental ang ang maging kambal-lunsuran ng rehiyon.

Pagkatatag[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong ika-29 ng Marso 2015, ang Pangulong Benigno Aquino III ang naglagda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 183, na pagsamahin ang dalawang lalawigan ng Negros sa iisang rehiyon. Hinihiwalay nito ang Negros Occidental sa Rehiyon VI at ang Negros Oriental sa Rehiyon VII. Kayâ naging 18 na ang bílang ng mga rehiyon sa Pilipinas.

Pagbuwag[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Agosto 9, 2017, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 38, na nagpapawalang-bisa sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 183 ni dating Pangulong Benigno Aquino III, dahil sa kadahilanan ng kakulangan ng mga pondong magpapatatag nang husto ng NIR ayon kay Benjamin Diokno, Kalihim ng Pagbabadyet at Pamamahala. Ikinabahala ng mga opisyal ng rehiyon ang pagbuwag ng NIR at nagpukaw ng mga negatibong reaksiyon mula sa mga Negrense.[6]

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakasalalay sa produksiyon ng asukal ang ekonomiya ng rehiyon.

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Paliparan ng Bacolod-Silay

Ang Paliparang Pandaigdig ng Bacolod–Silay at Paliparan ng Sibulan sa Dumaguete ang dalawang paliparan ng rehiyon. Konektado ang mga ito ng mga regular na komersiyal na lipad mula Maynila at Cebu, habang ang Bacolod–Silay ay may regular na koneksiyon sa Davao.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]