Wikang Sebwano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikang Cebuano)
Sebwano
Bisaya, Sinugbuanon
Katutubo saPilipinas
RehiyonGitnang Kabisayaan at Mindanao
Pangkat-etnikoMga Bisaya (mga Sebwano, Boholano, Eskaya, atbp.)
Mga natibong tagapagsalita
21 milyon (2007)[1]
Ikalawang pinakasinasalitang wika sa Pilipinas
Mga diyalekto
  • Pamantayang Sebwano (Probinsya ng Cebu)
  • Urbanong Sebwano (Metro Cebu)
  • Negros Sebwano
  • Bohol Sebwano
  • Leyte Sebwano (Kana)
  • Mindanao Sebwano
  • Davao Sebwano
Latin (Alpabetong Sebwano)
Sa kasaysayan, nasusulat sa Baybayin
Opisyal na katayuan
Wikang rehiyonal sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngVisayan Academy of Arts and Letters
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2ceb
ISO 639-3ceb
Mga pook sa Pilipinas na sinasalita ang wikang Sebwano bilang katutubong wika

Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 21 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.

Balarila[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga panghalip[baguhin | baguhin ang wikitext]

  Palagyo Paari1 Paari2 Palayon
Pang-isahang ika-1 tao ako, ko (Tagalog: ako) nako, ko (ko) ako, akoa (aking) kanako, nako (sa akin)
Pang-isahang ika-2 tao ikaw, ka (ikaw) nimo, mo (mo) imo, imoha (iyong) kanimo, nimo (sa iyo)
Pang-isahang ika-3 tao siya niya iya, iyaha (kaniyang) kaniya, niya (sa kaniya)
Pangmaramihang kabilang ang ika-1 tao kita, ta (tayo) nato (natin) ato, atoa (ating) kanato, nato (sa atin)
Pangmaramihang di-kabilang ang ika-2 tao kami, mi (kami) namo (namin) amo, amoa (aming) kanamo, namo (sa amin)
Pangmaramihang ika-2 tao kamo, mo (kayo) ninyo inyo, inyoha kaninyo, ninyo (sa inyo)
Pangmaramihang ika-3 tao sila nila ila, ilaha (kanilang) kanila, nila (sa kanila)

Talasalitaan at hiniram na salita[baguhin | baguhin ang wikitext]

Wikang Austronesiyo ang Sinugbuanon, at marami itong katumbas na salita sa ibang mga wika ng Filipinas at iba pa.

Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles. Mayroon din na galing sa salitang Arabo.

Pamamahaging heograpikal[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Sebwano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay sinasalita rin sa iilang bayan sa pulo ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng Sebwano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.

Mga salita at parirala[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bilang[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kardinal Ordinal
1 usà isa
2 duhà dalawa
3 tulò tatlo
4 upàt apat
5 limà lima
6 unòm anim
7 pitò pito
8 walò walò
9 siyàm siyàm
10 napú'ô sampu

Mga pagbati[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tagalog Cebuano
Kumusta? Komosta?
Magandang umaga. Maayong buntag.
Magandang tanghali. Maayong udto.
Magandang hapon. Maayong hapon.
Magandang gabi. Maayong gabii.
Paalam. Adios. (Bihira)

Babay. (Di-pormal, galing sa Ingles na “Goodbye” o “Bye-Bye”)

Ingat. Ayo-ayo. (Pormal)

Amping.

Hanggang sa muli Hangtod sa sunod nga higayon.
Salamat. Salamat.
Maraming salamat. Daghang salamat.

Daghan kaayong salamat.

Walang anuman. Walang sapayan.
Huwag (pautos) Ayaw
Ewan. Ambot.
Oo. O.
Baka Tingali

Basin

Hindi. Dili.
Wala. Wala.
Sino? Kinsa?
Ano? Unsa?
Saan? Diin? (Pangnakaraan)

Ása? (Pangkasalukuyan)

Alin? Hain?
Kailan? Kanus-a?
Paano? Giunsa?

Mga Sebwano na salita sa bawat lugar[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabisayaan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Purong Sebwano (Northern Cebuano)

(Salitang purong Sebwano (Bisaya) na mayroong salita-ng Boholano at Waray).

Mindanaw[baguhin | baguhin ang wikitext]

Chavacano, Bisaya (Western Cebuano)

(Salitang mayroong halong "Chavacano Zamboanga", na mayroong salitang (Bisaya) "Sebwanong Wika" at kasama ang ka-Musliman).

Bisaya, Bisdak (Central Cebuano)

(Salitang Purong Bisaya-"Malalim na Bisaya" (Sebwano), na mayroong halong "Mababaw na Bisaya" (Bisdak)).

Bisdak, Dabawenyo, Bl'aan (Southeastern Cebuano)

(Salitang mayroong halong "Davaoeño", na mayroong kasamang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak) at isinama ang Bl'aan, (Sarangani)).

Bisdak, Bl'aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano)

(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong kasamang Manobo (Cotabato) at isinama ang Ka-musliman).

Bisdak, Kamayo, Surigaonon (Eastern Cebuano)

(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong Kamayo (Surigao), at isinama ang Surigaonon).

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Philippine Census, 2000. Table 11. Household Population by Ethnicity, Sex and Region: 2000
  2. Ulrich Ammon, Norbert Dittmar, & Klaus J. Mattheier (2006). Sociolinguistics: an international handbook of the science of language and society. Bol. Volume 3. Walter de Gruyter. p. 2018. ISBN 978-3-11-018418-1. {{cite book}}: |volume= has extra text (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kurso sa web[baguhin | baguhin ang wikitext]

Balarila[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga talahulugan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga tekstong pangmag-aaral[baguhin | baguhin ang wikitext]