Taglish
Iminumungkahi na ang artikulo ay hatiin sa mga artikulo na pinamagatang Taglishat Englog, na matutunghayan sa pahina ng paglilinaw. (Pag-usapan) |
Maaaring naglalaman ang artikulo o seksiyong ito ng orihinal na pagsasaliksik o kaya hindi pa natitiyak na mga pag-aangkin. Pagbutihin ang artikulo sa paglalagay ng mga sanggunian. Silipin ang usapang pahina para sa mga detalye. |
Taglish | |
---|---|
Englog | |
Katutubo sa | Philippines |
Rehiyon | Manila |
Mga natibong tagapagsalita | Luzon (Simplified) |
Creole
| |
Latin | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | cpe |
ISO 639-3 | – |
Ang Taglish, pinagsamang salita na "Tagalog" at "English", ay ang impormal na diyalekto ng Tagalog, sa Pilipinas, na hinaluan ng katagang Ingles na Amerikano. Sikat ang Taglish sa Kalakhang Maynila at naging malaki ang impluwensiya sa maraming bahagi ng bansa. Ito rin ang karaniwang ginagamit sa Internet, lalo na ng bagong henerasyon. Kapareho ng Taglish ang "Englog" ay Ginagamit ang wikang ito sa Australia, Nueva Zelanda, Estados Unidos, Irlanda, Gran Britanya at Canada. Ginagamit din ito sa mga text.
Kaurian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Taglish (o Englog)[1] ay isang wika sa Maynila na nabubuo sa pamamagitan ng paghalo ng Ingles at Tagalog na magkasama.[2][3][4] Ginagamit ang salita kais may mga salitang Tagalog na mahahaba kaysa salitang Ingles. Halimbawa:
Ingles | Tagalog | Taglish / Englog |
---|---|---|
Can you explain it to me? | Maaaring ipaunawa mo sa akin? | Maaaring i-explain mo sa akin? |
Can you shed light on it for me? | Pakipaliwanag mo sa akin? | Paki-explain mo sa akin? |
Have you finished your homework? | Natapos mo na ba yung takdang-aralin mo? | Finish na ba yung homework mo? |
Please call the driver. | Pakitawag ang tsuper. | Paki-call ang driver. |
Ang mga pandiwang Ingles, at kahit ang ilang mga salitang pangngalan ay maaring maging pandiwang Tagalog. Nagagawa ito sa pagdaragdag ng mga isa o higit pang panlapi at sa pagdodoble ng unang tunog ng panimulang anyo ng salitang pandiwa o pangngalan.
Ang salitang pandiwa na Ingles na drive ay maaaring maging magda-drive sa Tagalog na nangangahulugang "magmamaneho". Ang pangngalang Internet ay maaaring magbago sa Tagalog at maging isang pandiwa, nag-Internet na nangangahulugang gumamitin ang Internet.
Ginagamit din sa mga pangungusap na Englog magkahalong Ingles at Tagalog na mga salita at parirala. Ang mga pangatnig na ginagamit upang ipagdugtong sila ay maaring magmula kahit ano sa dalawa. Ilan sa mga halimbawa ang sumusunod:
Ingles | Tagalog | Taglish / Englog |
---|---|---|
I will shop at the mall later. | Bibili ako ako sa pamilihan mamayà. | Magsya-shopping ako sa mall mamayà. |
Have you printed the report? | Naimprenta mo na ba ang ulat? | Na-print mo na ba ang report? |
Please turn on the aircon. | Pakibuksan yung erkon. | Pakibuksan yung aircon. |
Take the train to school. | Mag-tren ka papuntáng paaralan. | Mag-train ka papuntáng school. |
I am not going to relate to the topic of the lecture. | Hindi ako makaintindi sa paksa ng talumpati niya. | Hindi ako maka-relate sa topic ng lecture niya. |
Could you fax your estimate tomorrow. | Pakipadala na lang ng pagtaya mo sa akin bukas. | Paki-fax na lang ng estimate mo sa akin bukas. |
Eat now or else you will not get fat. | Kumain ka na ngayon kung hindi ay hindi ka tataba. | Eat now or else hindi ka tataba.[5] |
Dahil sa impormal na anyo, hindi hinihimok ng mga dalubhasa sa Ingles at Tagalog ang paggamit nito.[6][7][8][9]
Salitang Taglish
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasasakupang Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gitnang Luzon (maliban, Pampanga at Tarlac)
- Kalakhang Maynila (NCR) (kabuuan)
- Calabarzon
- (kasama, Mimaropa)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ A handbook of Philippine folklore. p. 114. The University of the Philippines press. 2006. Quezon City.
- ↑ "The Globalization of English". www.webpronews.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-30. Nakuha noong 2008-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wikang Taglish, Kamulatang Taglish, article by Virgilio S. Almario.
- ↑ PAGASA VOWS : No more jargon, just plain ‘Taglish,’ in weather reports Naka-arkibo 2017-11-07 sa Wayback Machine.. The Philippine Daily Inquirer. Posted date: March 23, 2011.
- ↑ Experts discourage use of ‘Taglish’ Naka-arkibo 2015-02-11 sa Wayback Machine.. The Philippine Daily Inquirer. 20:58:00 11/04/2009
- ↑ Tagalog, English,or Taglish?. Manila Bulletin. March 20, 2005, 8:00am
- ↑ Filipino English, not Taglish. Manila Bulletin. September 7, 2004, 8:00am.
- ↑ Stop using ‘Taglish,’ teachers, students told. Manila Bulletin. June 1, 2006, 8:00am.
- ↑ Manila Journal; Land of 100 Tongues, but Not a Single Language. The New York Times. Published: December 02, 1987.
- Huwag itong ikalito sa wikang Tanglish ng bansang India, at wikang Tagish ng bansang Canada.