Kalakhang Maynila

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Metropolitan Manila Area
Kamaynilaan
"Kalakhang Maynila"
Kalakhang Pook
Transkripsyong 
Metropolitan Manila Montage.png
Palayaw: Maynila
Mapa ng Pilipinas na inilalarawan ang lokasyon ng Kalakhang Maynila
Mapa ng Pilipinas na inilalarawan ang lokasyon ng Kalakhang Maynila
Mga koordinato: 14°35′N 121°0′E / 14.583°N 121.000°E / 14.583; 121.000Mga koordinato: 14°35′N 121°0′E / 14.583°N 121.000°E / 14.583; 121.000
Bansa Pilipinas
Rehiyon Pambansang Punong Rehiyon
Pulo Luzon
Pamahalaan
 • MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino
Lawak[1]
 • Kabuuan 638.55 km2 (246.55 sq mi)
Populasyon (2015)[2]
 • Kabuuan 12,877,253
 • Kapal 18,093/km2 (46,860/sq mi)
Sona ng oras POP (UTC+8)
Website www.mmda.gov.ph

Ang Kalakhang Maynila (Ingles: Metro Manila), tinatawag din bilang Pambansang Punong Rehiyon (Ingles: National Capital Region), ay isang kalakhang rehiyon na binubuo ng Maynila kasama ang mga karatig lungsod ng Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay, Lungsod ng Quezon, San Juan, Taguig, at Valenzuela kasama ang bayan ng Pateros.

Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.

Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.

Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Matatagpuan sa 14°40' H 121°3 S, ang Kalakhang Maynila ay nasa isang isthmus na naghahanggan sa Lawa ng Laguna sa timog silangan at sa Look ng Maynila sa kanluran. Ang pook metropolitan ay nasa malawak na kapatagan. Naghahanggan ang sakop nito sa Bulacan sa hilaga, sa lalawigan ng Rizal sa silangan, sa Laguna sa timog at sa Kabite sa timog kanluran. Hinahati ng Ilog Pasig ang Kalakhang Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan kinahahanggan nito sa kanluran at silangan.

Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit pinakamatao at pinakamakapal ang populasyon nito. 636 kilometrong parisukat ang lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, at Laguna at Cavite sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ng Kalakhang Maynila ang Look ng Maynila at sa timog-silangan naman ang Laguna de Bay. Dumadaloy sa gitna ng Kalakhang Maynila ang Ilog Pasig na siyang nagdudugtong Laguna de Bay sa Look ng Maynila.

Hindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mga lalawigan, nahahati ang Metro Manila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay sa heograpiya nito na ang Ilog Pasig ang reperensiya. Nabuo ang mga distritong ito noong 1976 ngunit walang lokal na pamahalaan o may kinatawan sa kongreso, salungat sa mga lalawigan. Ginagamit ang mga distritong ito para sa layuning piskal at estadistikal.

Nahahati ang mga lungsod at munisipyo sa Kalakhang Maynila sa apat na distrito, ang mga ito ang sumusunod:

Unang Distrito (Lungsod Maynila)

Ikalawang Distrito (Hilaga-silangang Kalakhang Maynila)

Ikatlong Distrito (Hilaga-kanlurang Kalakhang Maynila)

Ikaapat na Distrito (Katimugang Kalakahang Maynila)

Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kalakhang Maynila ay itinuturing swampy isthmus na may karaniwang elebasyon na 10 metro. Ang pangunahing anyong tubig ng Kalakhang Maynila ay ang Ilog Pasig; ito ang humahati sa isthmus ng Kalakhang Maynila.


Buwan Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre Taon
Katamtamang Mataas na Temperatura°C 30 31 32 33 33 32 31 30 31 30 30 30 31
Katamtaman Kababaan ng Temperatura°C (°F) 21 22 22 24 25 25 24 23 23 23 23 22 23
Ulan (cm) 2 1 1 3 12 26 40 36 34 19 13 6 197
Pinagkunan: Weatherbase

Pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Lugar ng Libangan at Palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pampublikong sakayan sa Kalakhang Maynila ay binubuo ng mga sumusunod: 46% ng mga tao ay lumilibot sa pamamagitan ng mga dyipni, 32% sa pamamagitan ng mga pampribadong kotse, 14% sa pamamagitan ng bus, at 8% ay gumagamit ng sistemang daambakal.[3] Nakaalinsunod ang pagpapausbong ng transportasyon ng Kamaynilaan sa Metro Manila Dream Plan, na binubuo ng pagpapatayo ng mga imprastraktura na tatagal hanggang 2030 at tumutugon sa mga usaping ukol sa trapiko, paggamit ng lupain, at kalikasan.[4][5]

Mga daan at lansangan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Mga lansangan sa Kalakhang Maynila
Isang flyover sa EDSA (ng C-4) sa sangandaan nito sa Abenida Quezon.
Bulebar Roxas ng R-1, ang pinakatanyag na daang radyal sa Kamaynilaan

Itinayo ang mga daan ng Kamaynilaan sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Ibinukod ang mga daan bilang mga lokal na daan, pambansang daan, o daang subdibisyon. Mayroong sampung daang radyal na lumalabas ng lungsod. Gayundin, mayroong limang daang palibot na bumubuo sa isang serye na mga bilugang hating-bilog na arko sa paligid ng Maynila. Ang mga daang palibot at daang radyal ay mga sistema ng nakakonektang daan at lansangan. Isang suliranin sa mga daang palibot ay mga nawawalang daan (missing road links). Ito ay mga daan na hindi pa itinatayo (sa ngayon) para magbigay-daan sa pagpapausbong dahil sa mabilisang urbanisasyon ng Kamaynilaan. Inilulutas na ng kalakhan ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nawawalang daan o sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga daang nag-uugnay (connector roads).

Isang mahalagang daang palibot ay ang Daang Palibot Blg. 4 (o C-4), na binubuo ng Daang C-4 sa Navotas at Malabon, Daang Samson sa Caloocan, at Abenida Epifanio de los Santos, o mas-kilala sa nakakarami bilang EDSA. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Caloocan. Sinusundan ng Linyang MRT-3 ang pagkakalinya ng EDSA mula Abenida Taft sa Pasay hanggang TriNoma malapit sa sangandaan nito sa Abenida North. Ang Daang Palibot Blg. 5, o mas-kilala bilang C-5, ay nagsisilbi sa mga nakatira malapit sa mga hangganang rehiyonal ng Kamaynilaan at nagsisibi ding alternatibong ruta para sa C-4.

Ang pinakatanyag na daang radyal ay ang Daang Radyal Blg. 1 (R-1), na binubuo ng Kalye Bonifacio (Bonifacio Drive), Bulebar Roxas, at Manila–Cavite Expressway (o Coastal Road). Inuugnay nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Kabite. Ang mga iba pang kilalang daang radyal sa Kamaynilaan ay ang Daang Radyal Blg. 3 (R-3), o ang South Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa Laguna; Daang Radyal Blg. 6, na binubuo ng Bulebar Ramon Magsaysay, Bulebar Aurora, at Lansangang Marikina–Infanta na dumadaan patungong Rizal; Daang Radyal Blg. 7 (R-7), na nag-uugnay ng Maynila sa Lungsod Quezon at San Jose del Monte, Bulacan; at Daang Radyal Blg. 8 (R-8), o ang mga daan ng Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa mga lalawigan sa hilaga tulad ng Bulacan at Pampanga.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagtatayo ng Metro Manila Skyway Stage 3 at ang NAIA Expressway Phase 2 na bahagi ng Metro Manila Dream Plan. Kabilang sa mga iba pang proyekto itinatayo ay ang pagpapaganda ng EDSA, pagtatao ng Taft Avenue Flyover, at ang pagtatayo ng mga nawawalang daan para sa mga daang palibot circumferential roads (hal. Metro Manila Interchange Project Phase IV).

Mga sistemang daambakal[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila at Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila

Himpapawid[baguhin | baguhin ang batayan]

Ferry[baguhin | baguhin ang batayan]

Demograpiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Populasyon ng
Pambansang Punong Rehiyon
Senso Populasyon +/-
1980 5,925,884
1990 7,948,392 3.0%
1995 9,454,040 3.5%
2000 9,932,560 1.07%
2007 11,553,427 2.11%
2010 11,855,975 0.36%
2015 12,877,253 1.15%
Sanggunian: Philippine Statistics Authority[6][7][8][2]

Ang Pambansang Punong Rehiyon ay may populasyon na &0000000012877253.00000012,877,253, ayon sa pambansang senso 2015. Ang kabuuang pook-urban (urban area), na binubuo ng pinagsamang pook-urban na tumutukoy sa tuluy-tuloy na paglawak ng urbanisasyon ng Kamaynilaan patungong Bulacan, Kabite, Laguna, Rizal, at Batangas ay may populasyon na &0000000024123000.00000024,123,000.[9] Ito ang pinakamataong rehiyon sa Pilipinas, ang ikapitong pinakamataong kalakhan sa Asya, at ang ikatlong pinakamataong pook-urban sa buong mundo.

Ang mga pinakamataong lungsod sa Kamaynilaan ay Lungsod Quezon (2,936,116), Maynila (1,780,148), Caloocan (1,583,978), Taguig (804,915), Pasig (755,300), Parañaque (665,822), Valenzuela (620,422), Las Piñas (588,894), Makati (582,602), at Muntinlupa (504,509).

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalusugan[baguhin | baguhin ang batayan]

Seguridad at Pulisya[baguhin | baguhin ang batayan]

Palingkurang-bayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kuryente[baguhin | baguhin ang batayan]

Tubig[baguhin | baguhin ang batayan]

Komunikasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pamamahala ng mga Basura[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga imahe[baguhin | baguhin ang batayan]

Tignan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Table 1.0: Metropolitan Manila Land Area and Year of Cityhood By Local Government Units". Metro Manila Development Authority. http://www.mmda.gov.ph/metromla.html. Hinango noong 29-03-10. 
  2. 2.0 2.1 Census of Population (2015): Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population (Report). PSA. https://www.psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/hsd/pressrelease/2015%20population%20counts%20Summary_0.xlsx. Hinango noong 20 Hunyo 2016.  Maling banggit (Invalid <ref> tag; name "NSO15-.5B.5BCategory:Errors_reported_by_Module_String.5D.5D.3Cstrong_class.3D.22error.22.3EString_Module_Error:_String_subset_index_out_of_range.3C.2Fstrong.3E" defined multiple times with different content); $2
  3. Katerina Francisco (Marso 5, 2015). "Fixing traffic: Jeeps eyed as feeders to bus routes". Rappler. http://www.rappler.com/nation/85871-jeepney-feeder-vehicle-transport-plan. Hinango noong Marso 5, 2015. 
  4. "JICA transport study lists strategies for congestion-free MM by 2030". Japan International Cooperation Agency. Setyembre 2, 2014. http://www.jica.go.jp/philippine/english/office/topics/news/140902.html. Hinango noong Marso 27, 2015. 
  5. Jerry E. Esplanada (Abril 20, 2014). "Japan presents $57-B ‘dream plan’ to solve Metro congestion". INQUIRER.net. http://globalnation.inquirer.net/102377/japan-presents-57-b-dream-plan-to-solve-metro-congestion/. Hinango noong Marso 27, 2015. 
  6. "Final Results - 2007 Census of Population". Census Bureau of the Philippines. http://www.census.gov.ph/data/census2007/index.html. Hinango noong 29-03-10. 
  7. "2010 Census of Population and Housing: National Capital Region". National Statistics Office of the Republic of the Philippines. http://www.census.gov.ph/data/sectordata/2010/2010CPH_ncr.pdf. Hinango noong 6 April 2012. 
  8. "National Capital Region. Total Population by Province, City, Municipality and Barangay: as of May 1, 2010". National Statistics Office of the Philippines. http://www.census.gov.ph/sites/default/files/attachments/hsd/pressrelease/National%20Capital%20Region.pdf. Hinango noong 22 December 2012. 
  9. Demographia (January 2015). Demographia World Urban Areas (11th ed.). http://www.demographia.com/db-worldua.pdf. Hinango noong 2 March 2015.