Pumunta sa nilalaman

Katedral ng Maynila

Mga koordinado: 14°35′29″N 120°58′25″E / 14.59147°N 120.97356°E / 14.59147; 120.97356
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katedral ng Maynila
Metropolitánong Katedral-Basílika ng Kalinís-linisang Paglilihî kay María
Catedral Basílica Metropolitana de la Inmaculada Concepción de María
Manila Metropolitan Cathedral-Basilica
Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception
Harapán ng Katedral ng Maynila
Katedral ng Maynila is located in Kalakhang Maynia
Katedral ng Maynila
Katedral ng Maynila
Lokasyon sa Kalakhang Maynila
14°35′29″N 120°58′25″E / 14.59147°N 120.97356°E / 14.59147; 120.97356
LokasyonMaynila
BansaPilipinas
WebsaytManila Cathedral Official Website
Kasaysayan
Dating pangalanSimbahan ng Maynila
Nag-awtorisang bula ng papalPebrero 6, 1579
Papa Gregorio XIII
Itinatag1571
NagtatagPadre Juan de Vivero
DedikasyonKalinis-linisang Paglilihi ng Pinagpalang Birhen Maria
Consecrated1581
Dating obispoRufino Santos (1953-1974)
Jaime Sin (1974-2003)
Gaudencio Rosales (2003-2011)
Associated peopleFilipino
Arkitektura
EstadoBasílika Menor
Katayuang gumaganaAktibo (pansamantalang isinara noong Pebrero 2012 para sa loobang pagsasaayos)
ArkitektoFernando H. Ocampo
Uri ng arkitekturaCathedral - Basilica
IstiloNeo-Romanesque
Pasinaya sa pagpapatayo1954
Natapos1958
IsinaraPebrero 7, 2012 (pansamantalâ)
Detalye
Number of domes1
Materyal na ginamitAdobe at semento
Pamamahala
ArkidiyosesisArkidiyosesis ng Maynila
Lalawigang eklesyastikalSede ng Manila
Klero
ArsobispoKardinal Luis Antonio Tagle
RektorReb. Padre Reginald R. Malicdem
Assistant priestReb. Padre Kali Pietre M. Llamado
Laity
Music group(s)Manila Cathedral Boys' Choir (Males: 9-16)
Manila Cathedral-Basilica Choir (Adult)

Ang Katedral-Basilika ng Maynila (opisyal na pangalan: Metropolitánong Katedral ng Maynilà–Basílika ng Kalinís-linisang Paglilihî; o Katedral ng Maynila), ay ang tanyág na Simbahang Katolika na matatagpuan sa Maynila, Pilipinas, bilang pagpaparangal sa Pinagpalang Birhen Maria bilang Kalinis-linisang Paglilihi, ang punong pintakasì ng Republika ng Pilipinas.

Itinatag noong 1578, sa kautusan ni Papa Gregorio VIII, na matatagpuan sa Kalye Andrés Soriano, Jr. (dating Kalye Aduana), Intramuros, Maynila.[1]

Ang Katedral ay mismong parehong naghatid bilang Punong Basilika ng Pilipinas at ang pinakamataas na luklukan ng arsobispo sa bansa. Ang Katedral ay ilang beses na napinsala at nawasak dahil ang orihinal na katedral ay itinayo sa 1581. Ang ikawalo at kasalukuyang pagkakatawang-tao ng katedral ay nakumpleto noong 1958.[2]

Bilang si Maria ang Punong Pintakasi ng Pilipinas, ang Katedral ng Maynila ang siyang sentro ng pananampalatayang katoliko, ito ay sa pamamagitan ng pagdedeklara ni Papa Juan Pablo II mula sa kanyang Papal Bull na Quod Ipsum, sa katedral bilang opisyal na Basilika Menor o tinatawag na Basilika Menor ng Kalinis-linisang Paglilihi, sa pamamagitan ng kanyang sariling Motu Proprio noong 27 Abril 1981, na ipinagdiriwang ang araw ng kapistahan tuwing Disyembre 8.[3]

Ang kasalukuyang-halal para sa Nuncio Apostoliko ng Pilipinas ay si Arsobispo Giuseppe Pinto. Ang katedral ay naghahatid bilang pinakamataas na luklukan ng Simbahang Katolika ng Pilipinas, habang ang kasalukuyang 'archpriest' ng katedral-basilika na si Arsobispo Luis Antonio Kardinal Tagle, ang de facto na Primadong Obispo ng Pilipinas.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Ang katedral ay ang orihinal na "simbahan ng Maynila" na ganap na itinatag noong 1571 ng isang paring sekular, si Padre Juan de Vivero, na siyang dumaong sa Look ng Maynila noong 1566.[4] Si De Vivero, na siyang kapelyan ng galyon na San Geronimo, ay pinadala ng Arsobispo ng Mehiko na si Alonso de Montufar upang magtatag ng Kristyanismo bilang espiritwal at pangrelihiyong administrasyon sa bagong kolonyang Pilipinas. Noong lumaon ay naging bikar-heneral si De Vivero at naging unang hukom eklesyastiko ng lungsod ng Maynila.

Pinili ng Kastilang konkistador na si Miguel Lopez de Legaspi ang lokasyon ng simbahan at inialay ito kay Santa Potenciana. Ang unang kura paroko ng simbahan ay si Padre Juan de Villanueva.[5]

Itinaas ang simbahan sa pagiging katedral noong 1579, at isang bagong gusali na yari sa nipa, kahoy at kawayan ang itinayo noong 1581 ni Obispo Domingo de Salazar, ang unang obispo ng Maynila. Binasbasan ang bagong gusali noong 21 Disyembre, 1581 at naging ganap na itong katedral. Nawasak ang istrakturang ito sa isang malaking sunog noong 1583, na nagsimula sa misang paglilibing para kay Gobernador-Heneral Gonzalo Ronquillo de Peñalosa sa Simbahan ng San Agustin at siyang tumupok din sa malaking bahagi ng lungsod.[1]

Itinayo ang pangalawang katedral na yari sa bato noong 1592. Nawasak ito sa isang lindol noong 1600. Itinayo ang pangatlong katedral noong 1614 at binasbasan ito sa taon ding iyon. Ngunit maging ito ay nawasak ng isa pang lindol na yumanig sa Maynila nong 1645. Ipinatayo ang ikaapat na katedral mula 1654 hanggang 1671. Noong 1750, isang simboryong media naranja ang idinagdag sa gitna ng prayleng Florentinong si Juan de Uguccioni.[6]

Nagtamo ng malaking pinsala ang katedral noong 1863 dahil sa isang napakalakas na lindol na siya ding nagpinsala sa Palasyo ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Noong 1880, pinabagsak ng isa pang lindol ang kampanaryo. Simula noon hanggang 1958, nanatiling walang kampanaryo ang katedral. Ang pang-pitong katedral ay itinayo noong 1870 hanggang 1879, at binasbasan noong Disyembre 1879. Ang krus sa tuktok ng simboryo ang nagsisilbing puntong sanggunian sa astronomikal na longgitud ng kapuluan.

Noong 1937, ang Pandaigdigang Kongresong Eukaristiya ay ginanap sa Pilipinas kung saan gumanap ng malaking papel ang katedral sa pagpapalaganap ng paniniwala ng simbahan. Ang selyo at medalya ng katedral ay ginawa upang gunitain ang nasabing kaganapan at ito'y ginawa ng opisyal na tagagawa ng medalya ng Kongreso ng Pilipinas sa mga panahong iyon, ang eskultor na si Crispulo Zamora.[7]


Katedral ng Maynila bago ang pagbobomba sa Maynila noong 1945
Katedral ng Maynila bago ang pagbobomba sa Maynila noong 1945
Guho ng Katedral ng Maynila matapos ang pagbobomba
Guho ng Katedral ng Maynila matapos ang pagbobomba

Dumating ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong nakarating ang mga Amerikano upang palayain ang Maynila sa kamay ng mga Hapon noong 1945, nagkaroon ng matinding labanan. Maraming mga gusali sa Maynila lalu na sa loob ng Intramuros ang nawasak sa mga matinding pagbobomba, kabilang dito ang Katedral ng Maynila.

Muling itinayo ang Katedral mula 1954 hanggang 1958 sa ilalim ni Kardinal Rufino Jiao Santos at sa pangangasiwa ng isang arkitektong Pilipinong si Fernando H. Ocampo.

Dumalaw si Papa Pablo VI sa katedral at nagdaos ng misa noong 1970. Naglabas ng papal bull si Papa Juan Pablo II na pinamagatang Quo Ipsum noong 27 Abril, 1981, na siyang nagtataas sa dambana sa pagiging minor basilica sa ilalim ng kaniyang sariling Motu Propio[3] Sa ilalim din ng parehong papal bull, giniit niya na ang kautusan ni Papa Pablo VI noong 6 Hunyo, 1968 ay habambuhay na panatilihin at ipatupad sa merito at titulo ng katedral bilang sariling basilika nito.[8][9]

Idinaos noong 2008 ang ika-50 anibersaryo ng pagpapatayong-muli ng katedral, kung saan itinampok dito ang pangalawang Pipe Organ Festival (Pista ng Organong Tubo) na pinangasiwaan ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas.[10]

Noong Pebrero 2011, inilipat ng Arkdiyoses ng Maynila sa unang palapag ang mga kampana ng katedral upang makaiwas sa posibleng pagbagsak ng kampanaryo tulad ng nangyari sa mga nakaraang lindol. Noong Enero 2012, pinalitan ng katedral ang mga kampana na personal na minolde ng panday na si Friedrich Wilhelm Schilling ng Heidelberg, Alemanya noong 1958. Ayon sa nakaukit sa tanda na inilagay ni Kardinal Gaudencio Rosales, ang mga bagong-kabit na mga kampana ang pinakamalaking kampanang kasalukuyang ginagamit sa Pilipinas. Sa kabuuan, pitong kampanang Carillon ang permanenteng nakakabit sa unang palapag ng kampanaryo na nagtitimbang ng 17 metrikong tonelada.[11]

Pagkukumpuni noong 2012 at pagbubukas muli noong 2014

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Looban ng Katedral ng Maynila pagkaraan ng pagkukumpuni.

Isinara sa publiko ang katedral upang kumpunihin at patatagin ang nasabing gusali noong 2012 upang maprotektahan ito laban sa lindol at posibleng paglubog sa lupa. [12][13][14] Sa mga panahong ito, ang Simbahan ng San Fernando de Dilao ang itinalagang pansamantalang opisyal na simbahan (Pro-Cathedral) ng Arkdiyosesis ng Maynila. [15] Sa pagkukumpuni ng katedral, maraming mga kagamitan ang dinagdag, tulad ng mga CCTV camera, malaking flat screen television screen (tulad sa Simbahan ng Baclaran), pinagandang sistemang audio-video at pinahusay na mga pailaw.[16] Matapos ang dalawang taon ay muling binuksan sa publiko ang katedral noong 9 Abril, 2014. Ang Arsobispo ng Maynila na si Luis Antonio Tagle ang namahala sa misang ginanap sa muling pagbubukas ng katedral, na dinaluhan ng Pangulong Benigno Aquino III.[17][18]

Pagbisita ng Papa, 2015

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 16 Enero 2015, pinamahalaan ni Papa Francisco ang kaniyang unang Papal na Misa sa Katedral bilang bahagi ng kaniyang pagbisita sa Pilipinas. Ang misang ito ay eksklusibo sa mga obispo, mga pari at mga klero.


Mga Punong Pintakasi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang tansong imahe ng Immaculada Concepcion ng Italyanong si Enzo Assenza, na matatagpuan sa mataas na altar. Binendisyunan ni Papa Pio XII sa pamamagitan ng Papal Bull na Impositi Nobis noong 1942, kung saan hinirang ang Birheng Mariang ito bilang Pangunahing Patron ng bansa.

Noong 1581, naglabas si Papa Gregorio XIII ng Papal Bull na nagbebendisyon sa katedral kay La Purisima Inmaculada Concepcion de Maria,[1] habang binendisyunan ni Miguel Lopez de Legaspi ang buong lungsod ng Maynila kay Santa Potenciana.

Noong 12 Setyembre 1942, binasbasan Papa Pio XIII ang sambayanang Pilipino kay Immaculada Concepcion sa pamamagitan ng Papal Bull na pinamagatang Impositi Nobis, habang nananatiling pangalawang mga patron ng mga Pilipino si Santa Rosa ng Lima at Santa Potenciana.[19]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "The First Cathedral:1581 - 1583" Naka-arkibo 2013-05-24 sa Wayback Machine.. Manila Metropolitan Cathedral-Basilica. Retrieved on 2011-11-24.
  2. "The Eight Cathedral: 1958 - Present" Naka-arkibo 2013-06-05 sa Wayback Machine.. Manila Metropolitan Cathedral-Basilica. Retrieved on 2011-11-24.
  3. 3.0 3.1 (1981-04-27). "Quod Ipsum". Litterae Apostolicae. Ioannem Paulum Secundum, Papam. Manillensis Archidiocesis.
  4. "History of the City" Naka-arkibo 2011-10-08 sa Wayback Machine.. City of Manila Official Website. Retrieve on 2011-11-24.
  5. "The Church before it became a Cathedral : 1571" Naka-arkibo 2019-04-22 sa Wayback Machine.. Manila Metropolitan Cathedral-Basilica. Retrieved on 2011-11-24.
  6. "Dome". Manila Metropolitan Cathedral-Basilica. 22 Hulyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Pebrero 2015. Nakuha noong 4 Pebrero 2015. {{cite web}}: |first1= missing |last1= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. (2012-04-28)."The Resilient Cathedral of Manila" Naka-arkibo 2013-05-21 sa Wayback Machine.. The Philippines And Then Some.
  8. (1968). "Acta Apostolicae Sedis - Commentarium Oficiale", pp. 536-539. The Vatican Archives. Retrieved on 2012-02-03.
  9. (1990). "Acta Apostolicae Sedis - Commentarium Oficiale - Ioannem Paulum Secundum, Papam. Decretum de Titulo Basilicae Minoris". pp. 436-440. The Vatican Archives. Retrieved on 2012-02-03.
  10. (2008-04-29). "Activities lined up for Manila Cathedral's 50th restoration anniversary". GMA News Online.
  11. Opisyal na tandang bato ng Katedral ng Maynila. Ikinabit sa publiko ni Kardinal Gaudencio Rosales, dating Arsobispo ng Maynila (2011). Matatagpuan sa kaliwang bahagi ng harapang pintuan ng Basilika.
  12. "Manila Cathedral closes for a year". ABS-CBN News. Nakuha noong Pebrero 16, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Manila Cathedral to be closed for one year". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Pebrero 16, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Manila Cathedral not safe, to be shut for repairs". Business World Online. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 23, 2015. Nakuha noong February 16, 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  15. "Manila Cathedral still remains under repair". Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 17, 2013. Nakuha noong Disyembre 17, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-01-22. Nakuha noong 2015-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. http://www.abs-cbnnews.com/focus/03/24/14/facelift-over-manila-cathedral-gets-brighter -Manila Cathedral renovations completed
  18. Rie Takumi (Abril 9, 2014). "Manila Cathedral reopens after two years of reconstruction work". GMA News. Nakuha noong Abril 10, 2014. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Pius XII, Papam (1942-09-12). "Acta Apostolicae Sedis, Impositi Nobis: Insularum Philippinarum Beatissima Virgo Maria Titulo Immaculata Conceptio Primaria Universalisque Patrona et Sanctae Virgines Pudentiana ac Rosa Limana Patronae Secundarias Declarantur.". pp. 336-337. The Vatican Archives. Retrieved on 2012-02-03.