Pumunta sa nilalaman

Basilika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Basilica)
Digital na muling pagtatayo ng ika-2 siglo BC Basilica Sempronia, sa Forum Romanum .
Muling ika-19 na siglong pagtatayo ng ika-2 siglo AD naBasilica Ulpia, bahagi ng Foro ni Trajano, Roma.
Mga guho ng huling bahagi ng ika-5 siglo AD na basilika sa Mushabbak, Syria
Ang muling pagtatayo ng basilica sa Fano mula sa isang paglalarawan ng arkitekto nitong si Vitruvio

Sa arkitekturang Sinaunang Roman, ang isang basilica o basilika ay isang malaking pampublikong gusali na maraming puwedeng paglaanan, karaniwang itinatayo sa tabi ng foro ng bayan. Ang basilica ay nasa Latin na Kanlurang katumbas ng isang stoa sa Griyegong Silangan. Ang gusali ay nagbigay ng pangalan nito sa arkitekturang anyo ng basilika.

Orihinal, ang isang basilica ay isang sinaunang Romanong pampublikong gusali, kung saan isinasagawa ang mga korte, pati na rin ang pagsasagawa ng iba pang opisyal at pampublikong gawain. Ang mga basilika ay karaniwang mga hugis-parihaba na mga gusali na may gitnang nabe na tinatabihan ng dalawa o higit pang naaayong pasilyo, na may bubong sa dalawang antas, na mas mataas sa gitna ng nabe upang magkaroon ng claristorio at mas mababa sa mga gilid-pasilyo. Isang abside ay sa isang dulo, o mas madalas sa magkabilang dulo o sa gilid, karaniwang naglalaman ng nakataas na tribuno na inuupuan ng mga mahistradong Romano. Ang basilika ay matatagpuan sa gitna ng bawat bayanng Romano, karaniwang katabi ng foro at madalas na katapat ng isang templo sa mga foro ng panahong imperyal.[1] Ang mga Basilicas ay itinayo din sa mga pribadong tirahan at mga palasyong imperyal at kilala bilang "basilika pampalasyo".

Sa huli na pahnahon, ang mga gusali ng simbahan ay karaniwang itinatayo bilang martyria, o may plano sa arkitektura ng basilica. Ilang dakilang Kristiyanong basilika ang itinayo noong huling bahagi ng paghahari ni Constantino ang Dakila. Matapos ng Konsilyong Niceno, ang mga basilika ay naging isang karaniwang modelo para sa mga puwang pang-Kristiyano para sa kongregasyonal na pagsamba sa buong Mediteraneo at Europa. Mula sa unang bahagi ng ika-4 na siglo, ang mga basilikang Kristiyano, kasama ang kanilang mga nauugnay na catacumba, ay ginamit para ilibing ang mga patay.

Sa pamamagitan ng pagpapalawig, ang pangalan ay inilapat sa mga simbahang Kristiyano na gumamit ng parehong pangunahing plano at ginagamit bilang isang termino sa arkitektura upang ilarawan ang mga naturang gusali. Patuloy itong ginagamit sa isang kahulugan ng arkitektura upang ilarawan ang mga hugis-parihaba na gusali na may gitnang pusod at mga pasilyo, at karaniwang isang nakataas na plataporma sa kabaligtaranng dulo mula sa pintuan. Sa Europa at sa Amerika ang basilica ay nanatiling pinakakaraniwang estilo ng arkitektura para sa mga simbahan ng lahat ng denominasyong Kristiyano, kahit na ang plano sa pagtatayong ito ay naging mas hindi nangingibabaw sa mga bagong gusali mula pa noong huling bahagi ng ika-20 siglo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Henig, Martin (ed.), A Handbook of Roman Art, Phaidon, p. 55, 1983, ISBN 0714822140; Sear, F. B., "Architecture, 1, a) Religious", section in Diane Favro, et al. "Rome, ancient." Grove Art Online. Oxford Art Online. Oxford University Press. Retrieved 26 March 2016, subscription required