Pumunta sa nilalaman

Luis Antonio Tagle

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kanyang Kabunyian
 Luis Antonio Tagle
 Arsobispo ng Maynila
Kardinal ng Banal na Simbahang Romano
Arsobispo ng Maynila
LalawiganMaynila
DiyosesisSedeng Metropolitano ng Maynila
SedeMaynila
Hinalal13 Oktubre 2011
Naiupo12 Disyembre 2011
HinalinhanGaudencio Kardinal Rosales
Mga orden
Ordinasyon27 Pebrero 1982
Konsekrasyon12 Disyembre 2001
ni Jaime Kardinal Sin
Naging Kardinal24 Nobyembre 2012
RanggoParing-Kardinal ng San Felice da Cantalice a Centocelle
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanLuis Antonio Gokim Tagle
Kapanganakan (1957-06-21) 21 Hunyo 1957 (edad 67)
Maynila, Pilipinas
KabansaanPilipino
DenominasyonSimbahang Katoliko Romano
TirahanMaynila, Cavite
Mga magulangManuel Tagle
Milagros Gokim-Tagle
HanapbuhayParing Kardinal
Arsobispo ng Maynila
Dating puwestoObispo ng Imus (2001–2011)
Alma materPamantasang Ateneo de Manila
Motto"Dominus Est! (Ang Panginoong iyon!)" - Juan 21:7
Lagda{{{signature_alt}}}
Eskudo de armas

Si Luis Antonio Tagle (Latin: Aloysius Antonius Tagle; Italyano: Ludovico Antonio Tagle) (ipinanganak noong 21 Hunyo 1957, sa Maynila) ay isang paring kardinal ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas, titulado ng Simbahan ng San Felice da Cantalice sa Centocelle[1][2] at de facto Primado ng Pilipinas.[3][4] Sinundan niya si Gaudencio Kardinal Rosales upang makapaglingkod bilang Arsobispo ng Maynila.

Si Tagle ay naging kasangkot sa maraming mga isyung-panlipunan sa Pilipinas na may diin sa pagtulong sa mahihirap at sa maralita habang pinapanatili ang pagsalungat laban sa ateismo,[5][6] aborsyon,[7] kontrasepsiyon,[8] at ang Reproductive Health Bill.

Itinalaga si Tagle sa mismong Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe at kasalukuyang pinamamahalaan ang Arkidiyosesis ng Maynila kasama ang inang simbahan nito, ang Katedral-Basilika ng Kalinis-linisang Paglilihi bilang arsobispo.[9]

Noong 24 Nobyembre 2012, ginawaran ng Santo Papa Benedicto XVI si Tagle bilang Kardinal sa Basilika ni San Pedro sa Lungsod ng Vaticano.[10][11]

Ukol sa mga obispong magkakasunod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Guhit ng Lahing Episkopal
Nagsagawa ng konsekrasyon:  Jaime Sin

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Biography of The Most Reverend Luis Antonio G. Tagle (CEI 2008) Naka-arkibo 2011-12-09 sa Wayback Machine.. Cei2008.ca. Retrieved on 18 Pebrero 2012.
  2. Rinuncia Dell’Arcivescovo Metropolita Di Manila (Filippine) E Nomina Del Successore Naka-arkibo 2012-11-08 sa Wayback Machine.. Press.catholica.va (2011-10-13). Retrieved on 18 Pebrero 2012.
  3. Pope names Tagle as new Manila archbishop Naka-arkibo 2021-05-05 sa Wayback Machine.. CBCP News. 13 Oktubre 2011. Retrieved on 18 Pebrero 2012.
  4. Following the 300 years of Spanish occupation, the Archbishop of Manila has held the highest esteemed honor of any Catholic prelate in the country, ranking first before the proto-Christianized diocese in the Philippines (Province of Cebu). Because of this, the title "Primus de facto" is held by the Archbishop of Manila, as both its capital and mother church. La Civica y Historia de las Islas Filipinas como antes Castillenos. Zarzuela. pp. 340
  5. http://www.gmanetwork.com/news/story/280811/news/nation/cardinal-designate-tagle-laments-practical-atheism-among-some-pinoys
  6. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=866608&publicationSubCategoryId=63[patay na link]
  7. New Manila archbishop bares pro-life stance | Top Stories. Manilatimes.net (2011-12-15). Retrieved on 18 Pebrero 2012.
  8. Philippine church and military change guard | Reuters Naka-arkibo 2015-11-24 sa Wayback Machine.. In.reuters.com (2011-12-12). Retrieved on 18 Pebrero 2012.
  9. In the discipline of the Roman Catholic Church, the pallium bestowed to a priest is only unique to a metropolitan bishop. All Latin-Rite metropolitans are archbishops; but some archbishops are not necessarily metropolitans.
  10. "Annuncio di Concistoro per la Creazione di Sei Nuovi Cardinali" (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 24 Oktubre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2013. Nakuha noong 17 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-23. Nakuha noong 2013-01-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)