South Luzon Expressway

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Sariwain

Asian Highway 26 PH sign.svg
E2 (Philippines).svg

South Luzon Expressway
Dating tinawag na South Superhighway
Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway[1]
Dr. Jose P. Rizal Highway[2]
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon (nakapula ang South Luzon Expressway)
South Luzon Expressway pahilaga mula Susana Heights, Muntinlupa.
Impormasyon sa ruta
Part of AH26
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan at Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (Osmeña Highway/South Superhighway), Skyway Operations and Maintenance Corporation (Metro Manila Skyway), at Manila Toll Expressway Systems, Inc. (South Luzon Tollway/ACTEX)
Haba: 51 km (32 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga: C-2 Abenida Quirino (sa Paco, Maynila)
 
Dulo sa Timog Southern Tagalog Arterial Road (sa Santo Tomas, Batangas)
Lokasyon
(Mga) Pangunahing lungsod:
(Mga) Bayan:
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang South Luzon Expressway (SLE o SLEx), na kilala dati sa mga pangalang South Superhighway (SSH), Manila South Diversion Road (MSDR), at Manila South Expressway (MSEX), ay isang pinag-ugnay na dalawang mabilisang daanan (expressway) na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON sa Pilipinas. Ang unang mabilisang daanan ay ang Metro Manila Skyway System, na magkasamang pinamamahalaan ng Skyway Operation and Management Corporation (SomCo) at Citra Metro Manila Tollways Corporation (CMMTC). Ang ikalawang mabilisang daanan, ang South Luzon Tollway o Alabang-Calamba-Sto.Tomas Expressway (ACTEx), ay magkasamang pinamamahalaan ng South Luzon Tollway Corporation, isang negosyo na magkasamang hinahawakan ng PNCC, at Citra group ng Indonesya na sinusuportahan ng SMC sa pamamagitan ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. (MATES).

Ang mabilisang daanan ay isang bahagi ng Expressway 2 (E2) ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas at Daang Radyal Blg. 3 (R-3) ng sistemang arteryal ng mga lansangan ng Maynila. Nagsisimula ito sa distrito ng Paco sa Maynila sa Abenida Quirino, at pagkatapos ay dadaan ito sa mga sumusunod na lungsod at bayan: Makati, Pasay, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa sa Kalakhang Maynila; San Pedro at Biñan sa Laguna; Carmona sa Kabite; at dadaan muli sa Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, at Calamba sa Laguna. Nagtatapos ito sa Santo Tomas, Batangas. Ang malaking bahagi ng mabilisang daanan ay bahagi ng N1 (AH26) mula Palitan ng Magallanes hanggang Labasan ng Calamba (Exit 50).

Noong 2006, isinailaim ang bahaging South Luzon Tollway sa isang pagsasaayos sa ilalim ng SLEX Upgrading and Rehabilitation Project, na nagsasaayos at nagpapalawak ng Biyadukto ng Alabang gayundin ang daan mula Alabang hanggang Calamba, at kalaunan inuugnay ang mabilisang daanan sa Southern Tagalog Arterial Road sa Santo Tomas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

SLEX sa Bicutan, Parañaque, noong 1976.

Unang itinayo ang South Luzon Expressway noong panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos bilang South Diversion Road o South Superhighway bilang mga bagong daan na papuntang Timog Katagalugan (at mula riyan papuntang Maynila).[3] Tumutukoy ang South Superhighway sa bahaging Maynila - Alabang na itinayo noong 1967 at natapos noong Disyembre 16, 1969.

Noong 1976, pinahaba nang 29 kilometro ang mabilisang daanan mula Alabang hanggang Calamba. Kasama sa proyekto ang Biyadukto ng Alabang (Alabang Viaduct), na may habang 850 metro at dumadaan sa ibabaw ng Alabang.[4]

Pagsasaayos at pagbubukas ng koneksyon sa STAR Tollway[baguhin | baguhin ang batayan]

Bago ang pagsasaayos noong 2006, ang malaking bahagi ng South Luzon Expressway ay isang mabilisang daanan na hinahatian ng panggitnang harangan na damuhan (grass median), at may dalawang linya kada direksyon mula Alabang hanggang Calamba. Sinimulan ang tinaguriang SLEX Upgrading and Rehabilitation Project noong Mayo 2006, at kalakip nito ang mabigat na daloy ng trapiko sa mabilisang daanan. Alinsunod sa proyekto, isinailalim sa isang pangunahing pagsasaayos ang buong mabilisang daanan kahalintulad ng ginawang pagsasaayos sa North Luzon Expressway. Pinalawak sa apat na mga linya ang Biyadukto ng Alabang, at ang pagtatayo ng Skyway Stage 2 ay nagdulot ng trapiko sa bahaging Nichols-Alabang. Natapos ang pagsasaayos noong 2009, at ang bahaging Alabang-Calamba ay pinalawak sa 3 hanggang 4 na mga linya. Noong 2010, isang karugtong ng mabilisang daanan, na pinangalanang Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway or ACTEx, ay binuksan, na nag-uugnay ng South Luzon Expressway sa STAR Tollway sa Santo Tomas, Batangas. Dahil dito, naging dalawang oras na lamang mula sa dating apat na oras ang oras ng paglalakbay mula Maynila hanggang Lungsod ng Batangas.

NAIA Expressway at Skyway Stage 3[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula Disyembre 2016, nakompleto na nang tuluyan ang NAIA Expressway na nag-uugnay sa Skyway, South Luzon Expressway, mga terminal ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, Entertainment City, at Manila–Cavite Expressway (o CAVITEx).

Kasalukuyang itinatayo ang Stage 3 na mag-uugnay nito sa North Luzon Expressway mula Buendia hanggang Balintawak, at inaasahan na matatapos ito sa taong 2019.

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kasalukuyan, dumadaan ang South Luzon Expressway mula Maynila hanggang Laguna, Kabite, at Batangas. Sa hinaharap, tutungo ito sa mga lalawigan ng Quezon, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon bilang bahagi ng mga panukalang pagpapalawak nito. Binubuo ito ng Metro Manila Skyway System at South Luzon Tollway/Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway, na binubuo naman ng Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway at Dr. Jose P. Rizal Highway.

Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang bahaging Lansangang Osmeña ng SLEx sa Magallanes, Makati, malapit sa Palitan ng Magallanes.

Ang bahaging Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway ay nagsisimula sa sangandaan nito sa Abenida Quirino sa Paco, Maynila, at tutungo ito sa Alabang sa Muntinlupa. Ang bahagi ng Lansangang Osmeña na dumadaan sa Maynila, Makati, Pasay, at Taguig ay isang lansangang toll-free bago makarating sa Tarangkahang Pambayad ng Nichols kung saan nagsisimula ang may-bayaring mabilisang daanan (tolled expressway). Patimog, ang mabilisang daanan ay may mga labasan sa C-5 Road sa Taguig; Subdibisyong Merville at Bicutan sa Parañaque; at Sucat, Alabang, at Filinvest sa Muntinlupa. Ang bahaging ito ay dating kilala sa pangalang South Superhighway bago ipinasa ang Batas Republika Blg. 6760, na nagbibigay ito ng pangalan mula kay dating Pangulo Sergio Osmeña.[1] Ang lansangang ito ay maaring tawagin na "mga lokal na linya" ("local lanes") ng SLEx sa Kalakhang Maynila. Malaking bahagi nito ay kalinya ng PNR Metro South Commuter Line.

Nagsisimula ang Lansangang Osmeña sa may ilaw-trapiko sa panulukan ng Abenida Quirino. Kalinya ng lansangan ang 230kV na linyang transmisyon ng Sucat-Araneta-Balintawak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) mula Abenida Quirino hanggang Lungos ng Maricaban sa Makati. Tatawirin ng lansangan ang Kalye San Andres, Kalye Ocampo (Vito Cruz), at Kalye Zobel Roxas. Aakyat ang lansangan at dadaan sa ibabaw ng Abenida Gil Puyat sa pamamagitan ng Buendia Flyover, na may mga daang serbisyo (service roads) upang maglingkod sa nasabing abenida at ilang mga kalapit na kalye. Nagsisimula ang Metro Manila Skyway sa mga rampa paglampas ng Buendia Flyover. Tatawid ang Lansangang Osmeña sa ibabaw ng Abenida Arnaiz, at kalauna'y tatawid sa ibabaw ng EDSA sa Palitan ng Magallanes. Ang pagkakatugma nito sa Pan-Philippine Highway ay magsisimula sa palitang ito. Pagkalampas ng Palitan ng Magallanes, ang lansangan ay may 5 linya, at nakatakda ang isang linya para sa mga motorsiklo hanggang sa may Palitan ng Sales, kung saan nagsisimula ang daang may-bayad (tolled road). Ang Lansangang Osmeña ay magiging daang may-bayad pagkalampas ng Sales. Sa puntong ito ipinagbabawal sa mabilisang daanan ang mga motorsiklo na mababa sa 400cc.

Paglampas ng Palitan ng Sales, ang Lansangang Osmeña ay magiging may-bayad na South Luzon Expressway. May dalawang daang serbisyo ang mabilisang daanan hanggang sa Labasan ng Alabang. Dumadaan ang PNR Metro South Commuter Line sa pagitan ng South Luzon Expressway at Skyway hanggang sa paglampas ng Labasan ng C-5. Dumadaan ang mabilisang daanan at mga daang serbisyo nito sa hangganan ng Pasay-Taguig hanggang sa umabot ang mga ito sa Labasan ng C-5. Pagkalampas ng C-5, dadaan ang Skyway sa ibabaw ng South Luzon Expressway patungong Alabang. Liliko nang bahagya ang South Luzon Expressway at dadaan sa Bicutan, at dadaan ito bilang isang deretsong ruta na may Skyway sa ibabaw nito hanggang sa abutin nito ang Labasan ng Alabang at Biyadukto ng Alabang. Sa pangkaramihan dumadaan ang mga mabilisang daanan sa hangganan ng Parañaque-Taguig hanggang sa dumating ito malapit sa Sucat, kung saan tatawid nito ang Abenida Dr. Arcadio Santos o Daang Sucat. Matatanaw rin mula sa labasang ito ang isang linyang subtransmisyon ng Meralco. Papasok ang South Luzon Expressway at Skyway sa Muntinlupa, at dadaanin ng mga ito ang mga Barangay ng Sucat, Buli, at Cupang, bago lumapit ito Alabang. Isa pang linyang transmisyon ng NGCP na nangangalang Muntinlupa-Biñan ay babagtas sa mabilisang daanan sa Ilog Buli. Aalis ang Skyway kalaunan, tapos ay liliko pakanluran, at bababa sa Daang Alabang–Zapote. Ang Labasan ng Alabang ang dulo ng SLEX mula 1969 hanggang 1976, bago itinayo ang Biyadukto ng Alabang at pinahaba ang mabilisang daanan patungong Calamba. Ito rin ang kinalalagyan ng dating Tarangkahang Pambayad ng Alabang. Aakyat ang South Luzon Expressway sa ibabaw ng Daang Maharlika (National Road o Manila South Road) sa pamamagitan ng biyadukto, bago bumaba ito at maging Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway (ACTEx) o South Luzon Tollway (SLT).

Metro Manila Skyway[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Metro Manila Skyway
South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway malapit sa Villamor Airbase sa hangganan ng Pasay-Taguig.

Dahil sa dumaraming bilang ng mga sasakyan na nagpapasikip ng trapiko sa SLEX sa loob ng Kamaynilaan, itinayo ang Metro Manila Skyway bilang isang deretso at walang-tigil na ruta mula Daang Alabang–Zapote sa Muntinlupa hanggang Abenida Gil Puyat sa Makati. Nilalagpasan nito ang karamihan sa mga palitan ng SLEx, tulad ng mga palitan na nasa C-5 Road malapit sa Fort Bonifacio at Abenida Epifanio de los Santos (EDSA). Ang Skyway at ang bahagi ng Lansangang Osmeña sa ibaba ay bumubuo sa Skyway System, na pinamamahalaan ng Skyway Operations and Maintenance Corporation (SOMCo.), na pumalit sa PNCC Skyway Corporation noong 2007.[5] Ang lansangang ito ay maaring tawagin na "mga mabilisang linya" ("express lanes") ng SLEx sa Kalakhang Maynila.

Dr. Jose P. Rizal Highway[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula sa Kilometro 28.387 sa San Pedro, Laguna at patimog,[2] dumadaan ang bahaging Dr. Jose P. Rizal Highway sa lalawigan ng Laguna, at gayundin sa bahagi ng Carmona sa Kabite bago tumuloy muli sa Laguna mula Biñan papuntang Calamba. Dati itong bahagi ng Lansangang Osmeña, subalit noong 1992 binago ang R.A. 6760, na nagbigay ng pangalan mula sa pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal ang bahaging ito.[2] Ang daan na mula sa Biyadukto ng Alabang sa Muntinlupa hanggang Santo Tomas, Batangas ay bumubuo sa South Luzon Tollway na hawak ng South Luzon Tollway Corporation, isang negosyo na magkasamang hinahawakan ng Philippine National Construction Corporation (PNCC) at ng Citra group ng Indonesya na sinusuportahan ng SMC.[6]

South Luzon Tollway/Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway[baguhin | baguhin ang batayan]

South Luzon Expressway patimog malapit sa Barangay Putatan, Muntinlupa.

Tinawag na SLT o ACTEx bilang bagong alternatibong pangalan para sa bahagi ng R-3 na hawak ng South Luzon Tollway Corporation. Ang pangalang ACTEx ay tumutukoy sa bahagi ng SLEx mula Labasan ng Alabang sa Muntinlupa hanggang Labasan ng Santo Tomas sa Santo Tomas, Batangas.

Nagsisimula ang South Luzon Tollway/ACTEx paglampas ng Labasan ng Filinvest (Exit 23), na may dalawa hanggang apat na mga linya kada direksyon at kalinya ng Manila South Road (o National Highway) sa malaking bahagi nito sa Muntinlupa at hilaga-kanlurang Laguna.[7] Liliko nang bahagya ang mabilisang daanan sa mga Barangay ng Bayanan at Putatan sa Muntinlupa. Matatagpuan sa bahaging ito ang unang pook panserbisyo (service area) ng ACTEx, ang Tollway Plaza na may Shell gas station at ilang restoran tulad ng Jollibee, KFC, Greenwich, Burger King, atbp.. Paglampas ng nasabing pook panserbisyo, susundin ng South Luzon Expressway ang deretsong ruta, at dadaan ito sa palitan na naglilingkod sa Muntinlupa–Cavite Expressway, sa Daang Maharlika, at mga Barangay ng Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa.

Karatulang pang-katiyakan ng SLEX para sa Pan-Philippine Highway/AH26 sa bahaging Santa Rosa.

Kalaunan, papasok ito sa Laguna sa Lungsod ng San Pedro. Tutuloy ito bilang isang deretsong daanan na nililinyahan ng mga billboard at dumadaan sa mga pook-industriyal at pantahanan ng lungsod bago lumiko at umakyat paglampas ng mga pook panserbisyo ng Petron at Caltex upang makatawid ng Abenida Pacita at ng hindi na ginagamit na sangay (spur) ng PNR South Main Line. Papasok naman ang South Luzon Expressway sa Biñan, at dadaan ito malapit sa Southwoods, Barangay San Francisco (Halang), at Splash Island, bago pumasok sa Carmona, Kabite. Babagtas sa mabilisang daanan ang isang bahagi ng linyang transmisyon ng Biñan-Dasmariñas, pagkaraan ng Labasan ng Southwoods. Dadaan naman ito sa Carmona sa loob ng isang kilometro (na may labasan na nagsisilbi sa bayan), bago pumasok muli sa Biñan sa Tulay ng Santo Tomas. Ang linyang transmisyon ng Bay-Biñan at linyang subtransmisyon ng Meralco na LIIP-People's Industrial Park ay papasok sa mabilisang daanan magmula sa labasang ito. Pagbalik ng Biñan, tatahakin nito ang deretsong daan papuntang Barangay Mamplasan, kung saan may isang labasan na maglilingkod sa Laguna International Industrial Park at ilang mga komunidad pantahanan tulad ng Brentville at Jubilation. Babagtas naman sa mabilisang daanan ang linya ng kuryente ng Calaca-Laguna Technopark-Biñan bago ang Labasan ng Greenfield City/Unilab. May isang pook panserbisyo ng Caltex sa daang patimog ng mabilisang daanan sa Mamplasan. Papasok naman ito sa Santa Rosa sa isang deretsong ruta na madalas nililinyahan ng mga puno. Babagtasin nito ang Daang Santa Rosa–Tagaytay sa pamamagitan ng isang palitang parclo. Sa puntong ito kikipot ang South Luzon Expressway sa tatlong linya kada direksyon, na may mga bantayang riles (guard rails) bilang panggitnang harangan. Dadaan naman ang mabilisang daanan malapit sa Enchanted Kingdom at ETON City. Matatagpuan sa tabi ng daang pahilaga ng bahaging ito ng SLEx ang isang pook panserbisyo ng Total.

Papasok ang South Luzon Expressway sa Cabuyao, at dadaan ito malapit sa Malayan Colleges Laguna (na dating lokasyon ng mga warehouse na pag-aari ng dating Uniwide Sales Inc.) at Santa Elena Golf and Country Club. Tatawid ito sa Ilog San Cristobal at papasok sa Calamba habang nasa deretsong ruta patungong Labasan ng Batangas/Calamba. Lalapit ito sa Tarangkahang Pambayad ng Calamba, kung saan lalawak nang bahagya ang mabilisang daanan sa 18 linya; babalik muli sa anim ang mga linya (tatlo kada direksyon) paglampas. Pagdating nito sa Labasan ng Batangas/Calamba sa Barangay Turbina, aalis ang AH26 at tutuloy sa Manila South Road/Daang Maharlika. Ang Labasan ng Batangas/Calamba (o Labasan ng Calamba) ay dating dulo ng SLEx sa timog mula 1976 hanggang 2010, kung kailan pinahaba ang mabilisang daanan upang maiugnay ito sa STAR Tollway. Magmula rin sa labasang ito, ang linyang transmisyon ng Bay-Biñan ay lalayo mula sa mabilisang daanan subalit magkakalinya pa rin ito sa SLEX hanggang sa Labasan ng Santo Tomas.

Bahaging Calamba–Santo Tomas ng SLEX patimog.

Paglampas ng Labasan ng Calamba, kikipot sa apat na mga linya (dalawa kada direksyon) ang SLEx. Walang labasan sa bahaging ito. Susundin nito ang palikong ruta kalinya ng Pan-Philippine Highway (Manila South Road/Daang Maharlika) mula Calamba hanggang Santo Tomas, Batangas. Lalapit ito sa Tarangkahang Pambayad ng Ayala Greenfield, tutuloy ito sa Barangay Saimsim, at papasok ito sa Batangas pagkaraan ng Tulay ng Siam-siam. Liliko ang mabilisang daanan bago matapos ito sa Kilometro 57.2, at tutuloy ito patungong Lungsod ng Batangas bilang Southern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway). Subalit ang pagbilang ng kilometro ng susunod na mabilisang daanan pagkatapos ng Labasan ng Santo Tomas ay nagsisimula sa Kilometro 60 sa halip ng Kilometro 57.2.

Sa hinaharap[baguhin | baguhin ang batayan]

Toll Road 4[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapa ng ipinapanukalang Toll Road 4 alinsunod sa DPWH. Pindutin para sa mas-malaking bersyon.

Winika ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ipapahaba ang South Luzon Expressway patungong Lucena mula Laguna bilang bahagi ng super rehiyon na Metro Luzon Urban Beltway. Ang Toll Road 4 o TR4 ay isang ipinapanukalang 55.87 kilometrong ekstensyon ng SLEX mula Santo Tomas patungong Lucena, Quezon. Itatayo ito sa pamamagitan ng ₱10 bilyong kasunduang build-operate-transfer sa Manila Toll Expressway Systems Inc., ang kompanyang 40 porsyentong pag-aari ng Philippine National Construction Corporation (PNCC). Ang natitira naman ay nahahati sa kapwa Alloy Manila Expressway Inc., isang lokal na kompanya, at Citra Group ng Indonesya, na sinusuportahan ng SMC at nakabili ng mga bahagi na dating pag-aari ng MTD Capital Berhad ng Malaysia. Noong 2015, ang pagtatayo ng ekstensyon ay nakaplano sa unang ikaapat na bahagi ng taong 2017 at inaasahan na matatapos ang buong ekstensyon pagsapit ng taong 2019.[8][9]

Toll Road 5[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Toll Road 5 o TR5 (o Quezon–Bicol Expressway) ay ang ipinapanukalang 418.3 kilometrong ekstensyon ng SLEX mula Lucena patungong Matnog, Sorsogon. Ang nasabing ekstensyon ay magpapagaan ng daloy ng trapiko sa Lansangang Andaya at Pan-Philippine Highway, magpapabawas ng oras ng paglalakbay mula Manila papuntang Naga nang 2–3 oras, at papuntang Matnog nang 6 na oras. Itatayo ito ng Manila Toll Expressway Systems Inc., ang kompanyang 40 porsyentong pag-aari ng Philippine National Construction Corporation (PNCC). Ang natitira naman ay nahahati sa kapwa Alloy Manila Expressway Inc., isang lokal na kompanya, at Citra Group ng Indonesya, na sinusuportahan ng SMC at nakabili ng mga bahagi na dating pag-aari ng MTD Capital Berhad ng Malaysia. Noong 2015, ang ekstensyong ito ay itinatalakay nina Gob. Joey Salceda ng Albay, Tagapangulo ng Toll Regulatory Board na si Edmund Reyes, San Miguel Corporation, at Ramon Ang.[10]

Skyway Stage 3 / NLEx-SLEx Connector Road (Segment 11)[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula 2010, ikinukunsidera ng pamahalaan ang mga dalawang panukala na mag-uugnay ng SLEx sa North Luzon Expressway (NLEx).[11] Ayon kay Kalihim Rogelio Singson ng DPWH, kapwang matutuloy ang mga panukala; maaaring umiral ang mga nasabing panukala sapagkat ang mga proyektong ito ay maglilingkod sa dalawang mag-kabilang koridor ng Kamaynilaan.[12] Noong Mayo 23, 2012, kapwa iprinisinta ng mga kompanya ang kanilang mga panukala kay Pangulo Benigno S. Aquino III. Ipinahayag naman ng administrasyon sa pamamagitan ni Kalihim Ricky Carandang ng Komunikasyon na inaasahan nilang mabibigyan ng pormal na awarding at pahintulot ang mga kompanya pagsapit ng huling bahagi ng taon, upang masimulan nila "pagsapit ng huling bahagi ng taong ito o unang bahagi ng susunod na taon."[11]

Panukalang CMMTC[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinaguriang "Skyway Stage 3", nakatanggap ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ng isang kusang panukala mula sa Citra Metro Manila Tollways Corp. (CMMTC) para sa pagtatayo ng karugtong ng Skyway na tatakbo mula Bicutan, Taguig hanggang Balintawak, Lungsod Quezon, ayon sa panukala.[12]

Ipinapanukala ng DPWH na isasama ang proyekto sa pangunahing tema at mga planong PPP (o Pagtutulungan ng Pampubliko at Pribadong Sektor) nito upang i-subject ang panukala sa isang Swiss Challenge, ayon kay Mababang-Kalihim ng Pagawaing Bayan Romeo S. Momo sa isang panayam sa telepono noong Biyernes. Kinakailangan ng Swiss challenge ang ahensiya ng pamahalaan na nakatanggap ng isang kusang halaga (unsolicited bid) para sa isang proyekto na ilathala ang halaga at mag-anyaya ng mga ikatlong partido para i-tumbas o i-higitan ang halagang ito.[12]

Noong Nobyembre 29, 2013, isinailalim ng IC sa isang pagsusuri ng detalyadong disenyong inhinyeriya (engineering design) ang ₱26.6 bilyong "Skyway Stage 3 Project".[13]

Sinimulan ang pagtatayo sa unang ikaapat na bahagi ng taong 2015.

Panukalang MPTDC[baguhin | baguhin ang batayan]

Samantala, isang taon bago inanunsiyo nang publiko ang panukala ng CMMTC, isinumite ng NLEX concessionaire subsidiary Metro Pacific Tollway Development Corporation (MPTDC) sa pamamagitan ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) ang kanilang panukala na tinaguriang "NLEx-SLEx Connector Road" (o "Segment 11") ng proyektong NLEx Phase 2 project. Nakasaad dito na itatayo ang isang 13.24 kilometrong nakaangat na mabilisang daanan mula Buendia (Skyway Stage 1) hanggang Daang C-3 na mag-uugnay sa NLEx sa pamamagitan ng Segment 10 ng proyektong NLEx Phase 2. Dadaan ang malaking bahagi ng nakaangat na daanan sa ibabaw ng mga riles ng Philippine National Railways Right-Of-Way.[12]

Noong Nobyembre 29, 2013, ang proyektong "NLEx-SLEx Connector Road" na may tinatayang halaga na ₱21.2 bilyon ay pinayagan bilang Joint Venture Project sa ilalim ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 1894 ayon sa PPP Center[14] ng Pilipinas.

Mga teknikal na detalye[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Pangalan: South Luzon Expressway (Skyway hanggang Sto. Tomas)
  • Mayhawak: Citra Metro Manila Tollways Corporation (Manila-Alabang), South Luzon Tollway Corporation (Alabang-Sto. Tomas)
  • Tagapamahala: Skyway Operations and Maintenance Corporation (Manila-Alabang), Manila Toll Expressway Systems (Alabang-Sto. Tomas)
  • Haba: 60 km (kasama ang karugtong)
  • Pagsisimula ng paghawak: PNCC: Marso 1977, SLTC: Agosto 2006
  • Pagtatapos ng paghawak: PNCC: Marso 2007, SLTC: Marso 2038
  • Mga labasan: 23
  • Mga linya: 6 linya (3 linya sa bawat direksyon) mula Paco, Maynila hanggang Buendia, Makati. 12 linya (3 sa kapwa nakaangat at at-grade sa bawat direksyon) Buendia, Makati hanggang Sucat, Muntinlupa. 10 linya (2 sa nakaangat and 3 sa at-grade sa bawat direksyon) mula Sucat, Muntinlupa hanggang Hillsborough, Muntinlupa. 8 linya (4 linya sa bawat direksyon) mula Hillsborough, Muntinlupa hanggang Santa Rosa. 6 linya (3 linya sa bawat direksyon) mula Santa Rosa hanggang Calamba. 4 linya (2 linya sa bawat direksyon) mula Calamba hanggang Santo Tomas.
  • Mga tarangkahang pambayad (toll plazas): 2
  • Mga pook pahingahan at serbisyo: 8
  • Pinakamababang pahintulot na taas sa mga daang pang-ilalim: 4.27 metro (14 talampakan) sa bahaging Nichols - Filinvest, 4.8 metro (15 talampakan at 9 pulgada) sa bahaging Filinvest - Calamba, 5.1 metro (16 talampakan at 9 pulgada) sa bahaging Calamba - Santo Tomas)

Mga bayarin[baguhin | baguhin ang batayan]

Tarangkahang Pambayad ng Calamba.
Uri ng Sasakyan Bayad
Class 1
(Mga kotse, motorsiklo, SUV, at dyipni)
₱3.37/km
Class 2
(Mga bus, magaan na trak)
₱6.74/km
Class 3
(Mga mabigat na trak)
₱10.11/km

Mga labasan at sangandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kasalukuyang labasan at sangandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sinusukat ng mga palatandaan (kilometer stones/markers) ang distansya (na nasa kilometro) mula Km 0 sa Liwasang Rizal. Kadalasang nakapangalan at nakanumero ang mga labasan, subalit makikita lamang ang mga bilang ng labasan pagkaraan ng Labasan ng Alabang. May pagkakaiba sa pagmimilya: ang Km 24 ay Km 23 sa mga bahagi ng SLEX na pinangangasiwaan ng Manila Toll Expressway Systems (MATES), subalit mayroon nang Km 23 malapit sa Cupang, Muntinlupa. Mula Abenida Quirino hanggang Palitan ng Sales, ang SLEX ay isang pambansang lansangan na pinangalangang Lansangang Osmeña, na bahagi ng N145. Walang sinisingil na bayarin sa mga Labasan ng Canlubang, Batino, at Batangas/Calamba (Labasan Blg. 47, 49, at 50).

Rehiyon Lalawigan Lungsod/Bayan Kilometro Labasan Pangalan Mga destinasyon Mga komento
NCR Metro Manila Manila 4.09 Quirino Avenue T-junction
4.65 San Andres Street Traffic light intersection
5.43 Ocampo Street Traffic light intersection
5.49 Zobel Roxas Street Traffic light intersection
Makati Gil Puyat Avenue, Metro Manila Skyway Traffic light intersection with flyover.
6.75 Buendia Exit Metro Manila Skyway, NAIA, Alabang Southbound on-ramp for Skyway. No swerving allowed, but prohibition temporarily lifted because of traffic conditions due to Skyway Stage 3 construction.
7.32 Antonio Arnaiz Avenue Traffic light intersection
7.80 Don Bosco Street Northbound access only
8.71 Magallanes Interchange EDSA, Makati, Makati CBD, Ortigas Center, Cubao, Quezon City, Caloocan, Pasay, SM Mall Of Asia Simula ng pagkakatugma sa Pan-Philippine Highway.
9.11 Magallanes Exit (Skyway) Metro Manila Skyway On-ramp for Metro Manila Skyway
Hangganan ng Pasay-Taguig 9.71 Sales Interchange Andrews Avenue, Lawton Avenue, NAIA, Fort Bonifacio Partial cloverleaf interchange. Motorcycles, excluding 400cc and above, are prohibited past this interchange.
Pagtatapos ng pamamahala ng DPWH/MMDA. Simula ng pamamahala ng Skyway Operations and Maintenance Corporation (SOMCo)
Nichols Toll Plaza
NCR ? Hangganan ng Parañaque-Taguig 10.92 Merville Exit Merville Village Southbound exit only.
11.35 C-5 Exit C-5, Pasig, Taguig, Pateros, Marikina Half-Y interchange. Northbound entrance and southbound exit.
14.4 Bicutan Exit Doña Soledad Avenue, Bicutan Diamond interchange
16.30 Skyway Northbound exit and southbound entrance. Demolished on 2011 after Skyway is extended towards Alabang.
Hangganan ng Parañaque-Muntinlupa 18.09 Sucat Exit Sucat, Dr. A. Santos Avenue, BF Homes, Baclaran Diamond interchange
Muntinlupa 19.32 Skyway Entry Skyway Northbound exit and southbound entrance.
22.4 Alabang Exit Alabang, Las Piñas, Muntinlupa Southbound exit and northbound entrance.
23.5 Alabang Viaduct
23.92 23 Filinvest Exit Filinvest City Trumpet interchange.
23.97 Alabang Exit Alabang, Las Piñas, Muntinlupa Northbound exit and southbound entrance .
Pagtatapos ng pamamahala ng Skyway Operations and Maintenance Corporation (SOMCo). Simula ng pamamahala ng Manila Toll Expressway Systems (MATES).
Shell - Tollway Plaza
NCR ? Muntinlupa 26.39 26 Susana Heights/MCX Exit Susana Heights, Muntinlupa, MCX, Daang Hari T and trumpet interchange.
CALABARZON Laguna San Pedro 27.71 27 San Pedro Exit San Pedro, La Marea Southbound entrance and exit only.
Petron - SLEX SB
Caltex - SLEX NB
CALABARZON Laguna Biñan 31.92 31 Southwoods Exit Southwoods, Biñan Folded diamond interchange
Kabite Carmona 33.46 33 Carmona Exit Carmona, Biñan, Dasmariñas, General Mariano Alvarez, Lalawigan ng Kabite Trumpet interchange
Shell - SLEX NB
CALABARZON Laguna Biñan 36.1 36 Greenfield City/Unilab/LIIP Exit (Mamplasan Exit) Greenfield City, Unilab, LIIP Folded diamond interchange
Caltex - South Hub
CALABARZON Laguna Santa Rosa 38.45 38 Santa Rosa Exit Santa Rosa, Silang, Tagaytay, NUVALI Folded diamond interchange
Total - SLEX NB
CALABARZON Laguna Santa Rosa 42.4 41 ETON City/Asia Brewery Exit (Malitlit Exit) ETON City, Greenfield City, Asia Brewery, Tagaytay Double right-in/right-out interchange
Cabuyao 43.93 43 Cabuyao Exit (Santa Elena Exit) Cabuyao Folded diamond interchange
Petron - SLEX SB and NB
CALABARZON Laguna Calamba 45.4 45 Silangan Exit Silangan, Carmeltown Folded diamond interchange
Equus City Unopened access to Equus City. Entrance still fenced.
Calamba Toll Plaza
CALABARZON Laguna Calamba 47.72 47 Canlubang Exit (Mayapa Exit) Canlubang Folded diamond interchange
49.09 49 Batino Exit CPIP, Ciudad de Calamba, Tagaytay Highlands Right-in/right-out interchange.
50.12 50 Batangas/Calamba Exit Calamba, Batangas, Lucena Six-ramp partial cloverleaf interchange. Pagtatapos ng pagkakatugma sa AH26
Ayala Greenfield Toll Plaza
Tutuloy ang SLEX sa Lungsod ng Batangas bilang STAR Tollway.

Mga labasan sa hinaharap[baguhin | baguhin ang batayan]

Blg. ng kilometro Labasan Uri ng palitan Lokasyon Mga detalye
TBA NLEX–SLEX Connector: C-3 Exit Ramp Caloocan (South) This will be an Entry/Exit Ramp in C-3 Road, Grace Park, Caloocan
TBA NLEX–SLEX Connector: Rizal Avenue Exit Ramp Manila This will be an Entry/Exit Ramp in Rizal Avenue, Santa Cruz, Manila.
TBA NLEX–SLEX Connector: Manila Bay Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp in Radial Road 10, Tondo, Manila.
TBA NLEX–SLEX Connector: Legarda Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp in Legarda Street, Sampaloc, Manila.
TBA NLEX–SLEX Connector: España Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp in España Boulevard, Sampaloc, Manila.
TBA NLEX–SLEX Connector: Legarda Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp in Legarda, Sampaloc, Manila.
TBA NLEX–SLEX Connector: Zamora Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp in East and West Zamora Streets, Pandacan, Manila.
TBA NLEX–SLEX Connector: Pedro Gil Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp in Pedro Gil Street, Paco, Manila.
TBA Skyway Stage 3: Balintawak Exit Ramp Quezon City This will be an Entry/Exit Ramp at North Luzon Expressway in Balintawak, Quezon City.
TBA Skyway Stage 3: Sgt. Rivera Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp at Sgt. Rivera Avenue in Santa Mesa Heights, Quezon City.
TBA Skyway Stage 3: Quezon Ave Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp at Quezon Avenue in San Francisco Del Monte, Quezon City.
TBA Skyway Stage 3: E. Rodriguez Sr. Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp at E. Rodriguez Sr. Avenue in New Manila, Quezon City.
TBA Skyway Stage 3: Aurora Boulevard Exit Ramp Manila This will be an Entry/Exit Ramp at Aurora Boulevard in Santa Mesa, Manila.
TBA Skyway Stage 3: Nagtahan Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp at Nagtahan Boulevard in Paco, Manila.
TBA Skyway Stage 3: Plaza Dilao Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp at Plaza Dilao in Paco, Manila.
TBA Skyway Stage 3: Quirino Exit Ramp This will be an Entry/Exit Ramp at Quirino Avenue in Paco, Manila.
TBA SLEX-STAR Exit Santo Tomas, Batangas This exit will be built after the extension to Lucena is completed.
TBA MakBan Exit Bay, Laguna This exit takes you to the towns of Bay and Calauan, Laguna. This exit is located near MakBan Geothermal Plant.
TBA Alaminos Exit Alaminos, Laguna This exit takes you to the town of Alaminos, Laguna.
TBA San Pablo Exit San Pablo, Laguna This exit goes to San Pablo, Laguna. This exit heads directly to SM City San Pablo.
TBA Tiaong/San Antonio Exit Tiaong, Quezon This exit takes you to the town of Tiaong, Quezon and San Antonio, Quezon.
TBA Candelaria Toll Plaza Candelaria, Quezon This is located before the Candelaria Exit.
TBA Candelaria Exit This exit takes you to the town of Candelaria, Quezon.
TBA Sariaya Exit Sariaya, Quezon This exit takes you to the town of Sariaya, Quezon.
TBA Lucena City North Exit Lucena, Quezon This exit is located in Barangay Mayao which leads you to Barangay Ilayang Talim, Lucena going to Maharlika Highway, Pacific Mall Lucena then, with an access to Lucena City Proper. It will be the future Southern terminus of SLEX. It will replace the current Southern terminus in Santo Tomas. It will move to Matnog after Toll Road 5 opens to traffic.
TBA Lucena South Exit This exit leads you to Dalahican Road in Barangay Dalahican, Lucena, Quezon with an access to SM City Lucena.
TBA Pagbilao Exit Pagbilao, Quezon This exit takes you to the town of Pagbilao, Quezon.
TBA Atimonan Exit Atimonan, Quezon This exit takes you directly to the town of Atimonan, Quezon.
TBA Habingan Exit This exit heads you to Atimonan-Unisan Road in Atimonan, Quezon. Facing southbound, right goes to Unisan, Quezon and Agdangan, Quezon, Left goes to Atimonan Town Proper.
TBA Gumaca Exit Gumaca, Quezon This exit takes you to the town of Gumaca, Quezon.
TBA Lopez Exit Lopez, Quezon This exit takes you to the town of Lopez, Quezon.
TBA Calauag Exit Calauag, Quezon This exit takes you to the town of Calauag, Quezon. Useful for motorists from the north going to Camarines Norte.
TBA Tagkawayan Exit Tagkawayan, Quezon This exit takes you to the town of Tagkawayan, Quezon.
TBA Del Gallego Exit Del Gallego, Camarines Sur This exit takes you to the town of Del Gallego, Camarines Sur.
TBA Liboro Exit Ragay, Camarines Sur This exit takes you to the Western part of town to the district of Liboro.
TBA Ragay Exit This exit takes you to the town proper of Ragay via the Andaya Highway.
TBA Lupi Exit This exit takes you to the Eastern part of town and the nearby municipality of Lupi, Camarines Sur.
TBA Sipocot Exit Sipocot, Camarines Sur This exit takes you to the town of Sipocot, Camarines Sur. Useful for motorists from Southern Bicol provinces going to Camarines Norte.
TBA Libmanan-Cabusao Exit Libmanan, Camarines Sur This exit takes you to the town of Libmanan, Camarines Sur. Facing southbound after the tollgate, Right leads you to the Town Proper, Left leads you to Cabusao, Camarines Sur.
TBA Magarao-Calabanga Exit Magarao, Camarines Sur This exit takes you to the town of Magarao, Canaman, and Calabanga, Camarines Sur.
TBA Peñafrancia-Carolina Exit Naga City This exit takes you to the Northern part of the city via Peñafrancia Avenue.
TBA Naga City Exit This exit takes you to the Southern part of the city via San Isidro-Carolina Road.
TBA Del Rosario-Palestina Exit This exit takes you to the Eastern part of Naga City and the Northern barangays of Pili, Camarines Sur via the Pan-Philippine Highway.
TBA Pili Exit Pili, Camarines Sur This exit takes you to the central part of the municipality via the Pan-Philippine Highway.
TBA Ocampo Exit Ocampo, Camarines Sur This exit takes you to the town of Ocampo, Camarines Sur via Governor Fuentebella Highway. Useful for motorists going to Partido area, Southern Pili and Caramoan, Camarines Sur.
TBA Corporal Exit Iriga City, Camarines Sur This exit is located in Brgy. Corporal that leads you to the city and the first exit in Iriga.
TBA Iriga City Exit This exit takes you to Iriga and the second exit in the city.
TBA Buhi Exit This exit is the third exit in the city. Facing southbound, right leads to Iriga, left goes to Buhi, Camarines Sur.
TBA Matacon Exit Polangui, Albay This exit is located in Brgy. Matacon that leads you to the town of Polangui, Albay.
TBA Oas Exit Oas, Albay This exit is takes you to the town of Oas, Albay.
TBA Guinobatan Exit Guinobatan, Albay This exit is takes you to the town of Guinobatan, Albay.
TBA Camalig Exit Camalig, Albay This exit is takes you to the town of Camalig, Albay.
TBA Legazpi Exit Legazpi, Albay This exit is takes you to the city of Legazpi, Albay via Alegre Street and the first exit of the city.
TBA Sorsogon City Exit Sorsogon City, Sorsogon This exit is takes you to Sorsogon City and the first exit of the city.
TBA Abuyog Exit This exit is located in Brgy. Abuyog that leads you to the southern parts of the City.
TBA Casiguran Exit Casiguran, Sorsogon This exit is takes you to the town of Casiguran, Sorsogon.
TBA Juban Exit Juban, Sorsogon This exit is takes you to the town of Juban, Sorsogon.
TBA Irosin Exit Irosin, Sorsogon This exit is takes you to the town of Irosin, Sorsogon.
TBA Matnog Toll Plaza Matnog, Sorsogon This toll plaza will serve for the motorists for Toll Road 5 and the reconfiguration of the Calamba-Matnog toll Segment. The Southbound plaza will require motorists to pay their toll fees whereas motorists get toll cards from Southbound Saimsim Toll Plaza. The Northbound plaza will require motorists to get their toll cards and pay at the Northbound Saimsim Toll Barrier
TBA Matnog Intersection Roundabout This is the future southern terminus for SLEX in Matnog. Going Northbound takes you to the Town proper, Eastbound leads you to the Bypass road to the coastal areas and Southbound takes you to the port to Allen, Northern Samar.

Mga dating labasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Blg. ng kilometro Labasan Uri ng palitan Lokasyon Mga detalye
10 Skyway: Nichols Toll Plaza A Pasay/Taguig The former Skyway Main Toll Plaza for cash and E-Pass Users, it is situated at both lanes.
10 Skyway: Nichols Toll Plaza B The former Skyway Main Toll Plaza for E-Pass Users only situated on the Northbound lane.
22 MSEX: Alabang Toll Plaza Muntinlupa This toll plaza is located on site what is now the Alabang Viaduct and entry and exit ramps towards Maharlika Highway. It was then demolished and reduced into toll barriers for entry and exit ramps during the construction of Alabang Viaduct while SLEx was being extended towards Calamba.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 REPUBLIC ACT NO. 6760. Chan Robles Virtual Law Library. Accessed March 2009.
  2. 2.0 2.1 2.2 REPUBLIC ACT NO. 7625. Chan Robles Virtual Law Library. Accessed March 2009.
  3. Abecilla, Victor (3 Nobyembre 2015). "Practical solutions to Metro Manila". The Standard. http://thestandard.com.ph/opinion/columns/hail-to-the-chair-by-victor-avecilla/190949/practical-solutions-to-metro-manila-s-woes.html. Hinango noong 17 Enero 2016. 
  4. https://pncc.ph/projects_slex.htm
  5. About Skyway O&M Corporation. www.skyway.com.ph. Accessed March 2009.
  6. Company Profile. www.mtdsltc.com. Accessed March 2009.
  7. "South Luzon Expressway and Maharlika Highway/Manila South Road". https://www.google.com.ph/maps/@14.3201674,121.05064,11z?hl=en. Hinango noong 28 Disyembre 2015. 
  8. Agcaoili, Lawrence (24 Marso 2015). "SMC to invest P168 B on toll roads | Business, News, The Philippine Star". philstar.com. http://www.philstar.com/business/2015/03/24/1436767/smc-invest-p168-b-toll-roads. Hinango noong 17 Disyembre 2015. 
  9. "Aquino attends toll road event in Quezon after collapse rumors | Inquirer News". Newsinfo.inquirer.net. 23 Marso 2015. http://newsinfo.inquirer.net/680671/aquino-attends-toll-road-event-in-quezon-after-collapse-rumors. Hinango noong 17 Disyembre 2015. 
  10. "I had long discussion with TRB Chairman... - Joey Constant Kindness Salceda". Facebook. 08 Mayo 2015. https://www.facebook.com/jose.salceda.92/posts/10153466989876756. Hinango noong 17 Disyembre 2015. 
  11. 11.0 11.1 "Long Delayed NLEX-SLEX Connector Road Construction to Begin 2013". Rappler. http://www.rappler.com/business/5838-long-delayed-nlex-slex-connector-road-construction-to-begin-2013. 
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 Skyway Stage 3/ "NLEx-SLEx Connector Road Projects being finalized". The Philippine Star. http://www.philstar.com/nation/article.aspx?publicationsubcategoryid=67&articleid=805708 Skyway Stage 3/. 
  13. Philippines' PPP Center
  14. "PPP Center". http://ppp.gov.ph/wp-content/uploads/2013/12/PPP-Projects_29Nov2013.pdf. 

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]