Pumunta sa nilalaman

Kalye Betty Go-Belmonte

Mga koordinado: 14°37′9″N 121°2′28″E / 14.61917°N 121.04111°E / 14.61917; 121.04111
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kalye Betty Go-Belmonte
Betty Go-Belmonte Street
Kalye Betty Go-Belmonte sa hangganan ng mga barangay ng Mariana at Immaculate Conception sa New Manila.
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaAbenida Eulogio Rodriguez Sr. sa New Manila
Dulo sa timogKalye Nicanor Domingo sa New Manila
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Kalye Betty Go-Belmonte (Ingles: Betty Go-Belmonte Street) ay isang kalye na matatagpuan sa distrito ng New Manila sa Lungsod QuezonPilipinas. Isa itong kilalang lansangang panresidensiyal na dumadaan sa oryentasyong hilagang-kanluran-patimog-silangan sa pagitan ng Abenida Eulogio Rodriguez Sr. at ng Kalye Nicanor Domingo. Dadaan ito sa Bulebar Aurora bago nito matumbok ang Kalye Nicanor Domingo. Kalinya nito ang Kalye Balete sa kanluran.

Ipinangalan ang kalye mula kay Betty Go-Belmonte, isang mamamahayag na nakilala sa kanyang mga ambag sa pamamahayag noong panahon ng batas militar, gayundin bilang isa sa mga tagapagtatag ng dalawa sa mga pangunahing pahayagan sa Pilipinas: Philippine Daily Inquirer at The Philippine Star. Siya rin ang asawa ng dating alkalde ng Lungsod Quezon at dati ring naging Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na si Feliciano Belmonte, Jr.[1]

Hanggang sa taong 1997, ang kalye na matatagpuan sa Mariana at Immaculate Conception ay tinawag na Valley Road. Noong 2016, ipinagtibay ng Konseho ng Lungsod Quezon ang isang resolusyon upang ipangalan ang kabuuan ng kalye hanggang sa Kalye Nicanor Domingo bilang Kalye Betty Go-Belmonte.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Betty Go-Belmonte Street". Historiles.com. Nakuha noong 2014-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ordinance No. SP-2515, s. 2016" (PDF). Quezon City Council. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2 Pebrero 2017. Nakuha noong 24 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°37′9″N 121°2′28″E / 14.61917°N 121.04111°E / 14.61917; 121.04111