Abenida Boni

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Abenida Boni
Boni Avenue
Abenida Boni sa silangan ng Maysilo Circle.
Impormasyon sa ruta
Haba3.1 km (1.9 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranKalye Aglipay sa Población
 
  • Kalye Primo Cruz
  • Abenida F. Martinez/Kalye San Francisco
  • Barangka Drive
Dulo sa silangan N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Barangka Ilaya
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Boni (Ingles: Boni Avenue) ay isang pangunahing lansangan sa Mandaluyong, silangang Kalakhang Maynila, Pilipinas, na dumadaan mula Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa Baranggay Barangka Ilaya sa silangan hanggang Kalye Aglipay sa Baranggay Poblacion (kabayanan ng Mandaluyong). Ang haba nito ay 3.1 (1.9 milya), at hinahati ito sa anim na linya (tatlo sa bawat direksyon) na may pangitnang harangan upang ihiwalay ang magkabilang daloy ng trapiko. Paglampas ng EDSA sa silangan (sa pamamagitan ng Tunel ng EDSA-Boni), tutuloy ang daan bilang Kalye Pioneer patungong Pasig.

Pinangalanan ang abenida sa palayaw ni Bonifacio Javier, isang pinuno ng gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na binigyan ng mga parangal at alkalde ng Mandaluyong noong itinayo ang daan.[1]

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Abenida Boni sa sangandaan nito sa Kalye Barangka (Barangka Drive).

Mula kanluran, nagsisimula ang abenida sa sangandaan nito sa Kalye Aglipay sa kabayanan ng Mandaluyong (poblacíon), kung saan matatagpuan ang Simbahan ng San Felipe Neri. Tutungo ito patimog-silangan sa mga baranggay ng Old Zañiga, New Zañiga, at San José, bago nito tumbukin ang isang malaking rotonda na tinatawag na Bilog ng Maysilo (o Maysilo Circle) sa Barangay Plainview. Sa roundabout na ito matatagpuan ang Munisipyo ng Lungsod ng Mandaluyong at ang Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy. Paglampas ng roundabout, liliko ito pahilagang-silangan habang lalapit ito sa distritong komersiyal sa Kalye Barangka (Barangka Drive). Paglampas ng nabanggit na kalye, magiging mas-komersiyal ang anyo ng abenida; dito matatagpuan ang Rizal Technological University. Tatapos ang abenida sa sangandaan nito sa EDSA kung saan matatagpuan ang Estasyon ng Boni ng Linyang Tren ng MRT-3.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Some Mandaluyong residents disown ex-mayor Abalos". Philippine Daily Inquirer. Hinango noong 31 Oktubre 2013.

Mga koordinato: 14°34′36″N 121°2′5″E / 14.57667°N 121.03472°E / 14.57667; 121.03472