Pumunta sa nilalaman

Abenida West

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Abenida West
West Avenue
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Haba2 km (1 mi)
Bahagi ng N171
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N1 / AH26 (EDSA) sa Bungad at Phil-Am
 Kalye Times
Abenida Del Monte
Kalye Examiner
Kalye Baler
Dulo sa timog N170 (Abenida Quezon) / N172 (Abenida Timog) sa Santa Cruz at West Triangle
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida West (Ingles: West Avenue) ay isang kilalang lansangan sa Diliman, Lungsod Quezon hilaga-silangang Kalakhang Maynila. Dumadaan ito mula hilaga-patimog sa kanlurang gilid ng Barangay West Triangle. Matatagpuan ang abenida sa pook-komersiyal at pantahanan ng Lungsod Quezon na kilala sa mga restoran, tindahan ng mga kotse, paaralan, at nayon.[1] Dito rin matatagpuan ang lumang Teatrong Delta na matatagpuan sa sangandaan nito sa Abenida Quezon. Itinakda ang abenida bilang Pambansang Ruta Blg. N171 ng sistemang lansangambayan sa Pilipinas.

Bumubuo ang abenida sa kanlurang hangganan ng dating ipinapanukalang Diliman Quadrangle na may lawak na 400 ektarya (990-acre) at nakapaloob sa dating Diliman Estate (o Hacienda de Tuason) na binili ng pamahalaang komonwelt ng Pilipinas noong 1939 para maging bagong kabisera ng Pilipinas (bilang Lungsod Quezon) na papalit sa Maynila.[2] Dati itong ipinaplano na maging Central Park ng bagong lungsod na kung saan makikita ang mga bagong gusaling pampamahalaan (bagong palasyo ng pangulo, bagong gusali ng kapitolyo, at bagong gusali ng Kataas-taasang Hukuman) sa loob ng 25 ektaryang (62 acre) sityong patambilog na tinatawag ngayong Quezon Memorial Circle. Ang quadrangle ay hinahangganan ng Abenida North sa hilaga, Abenida East sa silangan, Abenida South (Timog) sa timog, at Abenida West sa kanluran. Ang sityo ay idinisenyo ng mga Amerikanong tagaplano ng lungsod na sina William E. Parsons at Harry Frost, sa pagtutulungan nina Inhinyero AD Williams at mga arkitekto na sina Juan Arellano at Louis Croft. Ang nabanggit na sityo ay magkakaroon din ng 15 ektaryang (37 acre) pambansang eksposisyon sa may sangandaan ng Abenida North at Avenida 19 de Junio (EDSA ngayon, sa kinalalagyan nito nakatayo ngayon ang pamilihang SM City North EDSA).[2] Sa mga nakalipas na dekada nanatiling nakatiwangwang ang Diliman Quadrangle dahil sa kakulangan ng pondo. Magkalipas ng ilang pagbabago, inilipat ang pusod ng Lungsod Quezon sa Novaliches dahil sa mas-mataas na kataasan nito.[3] Pagsapit ng taong 1976, ibinalik ang kabisera sa Maynila, at ang Quezon Memorial Circle ang tanging estruktura na naitayo sa dapat sana'y sityong pang-kabisera.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Abenida West ay isang pang-apatan na daang matatagpuan sa pusod ng distritong pantahanan at komersiyal ng Lungsod Quezon. Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa EDSA kanluran ng Abenida North sa may hangganan ng Barangay Bungad at Phil-Am. Tutungo ito patimog mula sa sangandaang ito upang makatawid sa Kalye Baler at Kalye Examiner patungo sa sangandaan nito sa Abenida Del Monte. Nagtatapos ang abenida sa sangandaan nito sa Abenida Quezon kanluran ng Abenida Timog sa may hangganan ng Barangay Santa Cruz at West Triangle.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Business brings more fun in Quezon City" (sa wikang Ingles). Quezon City Business. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-18. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "The 1946 Quezon City world's fair" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "25 things you didn't know about Quezon City" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)