Kalye Padre Faura

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kalye Padre Faura
Padre Faura Street
Kalye Padre Faura pasilangan sa Abenida Taft.
Impormasyon sa ruta
Haba:1 km (0.6 mi)
Bahagi ng:
Pangunahing daanan
Dulo sa Silangan:N181 (Philippines).svg N181 (Kalye San Marcelino) sa Paco
 
Dulo sa KanluranN120 (Philippines).svgAsian Highway 26 PH sign.svg N120 (Bulebar Roxas) / AH26 sa Ermita
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Kalye Padre Faura (Ingles: Padre Faura Street) ay isang kalye na dumadaan mula silangan pakanluran sa pusod ng Maynila, Pilipinas. Dinadala nito ang walang salubong na trapiko pakanluran mula Kalye San Marcelino hanggang Bulebar Roxas. Nagsisimula ito sa Kalye San Marcelino sa may Liwasang Paco sa distrito ng Paco. Dadaan ito pakanluran, at babagtasin nito ang Abenida Taft. Paglampas, dadaan ito sa distrito ng Ermita. Tatapos ito sa Bulebar Roxas, sa tapat ng Embahada ng Estados Unidos. Ang haba nito ay 1 kilometro (0.6 milya).

Ipinangalan ang kalye mula kay Federico Faura, paring Kastila at Heswita at tagapamahala ng Obserbatoryo ng Maynila (Observatorio Meteorológico de Manila) na matatagpuan noon sa kalye. Dati itong tinawag na Calle Observatorio.[1][2] Ang Obserbatoryo ng Maynila ay matatagpuan noon sa dating campus ng Ateneo Municipal sa may Padre Faura; pinalitan na ito ngayon ng pook-pamilihan ng Robinsons Place Manila.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°34′43″N 120°59′1″E / 14.57861°N 120.98361°E / 14.57861; 120.98361