Kalayaan Flyover
Kalayaan Flyover | |
---|---|
EDSA–Kalayaan Flyover | |
Lokasyon | |
Makati at Taguig, Kalakhang Maynila, Pilipinas | |
Mga koordinado | 14°33′27.4″N 121°02′18.7″E / 14.557611°N 121.038528°E |
Mga lansangan sa daanan |
|
Konstruksiyon | |
Uri | Dalawang-nibel na flyover |
Itinayo | 1997–1999 ng F.F. Cruz and Co. at Uy-Pajara Construction Company |
Nabuksan | 25 Enero 2000 |
Pinangangasiwaan ng | Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan |
Ang Kalayaan Flyover (kilala rin bilang EDSA–Kalayaan Flyover) ay isang pang-apatang flyover na nag-uugnay ng Abenida Gil Puyat, Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) at Abenida Kalayaan sa Kalakhang Maynila. Malaking bahagi nito ay matatagpuan sa Makati at may kasamang maikling bahagi sa Taguig. Pinadadali nito ang pagpasok mula Makati Central Business District papuntang Bonifacio Global City at kalaunan, sa Daang Palibot Blg. 5 (C-5).
Nagsimula ang gawaing paghahanda para sa flyover noong 1997, nang inihayag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang pagtatayo ng dalawang pasimulang mga lugar papasok sa Bonifacio Global City, kalakip ng isang flyover na maglilingkod sa pangunahing punto ng pagpasok sa lugar mula sa kanluran. Dinisenyo ito ng Katahira & Engineers Asia,[1] at nagsimula ang pagpapatayo noong kahulihan ng 1997 kalakip ng pagtatayo ng bahaging Abenida Gil Puyat Avenue-EDSA na ikinontrata sa Uy-Pajara Construction Company.[2] Nagsimula naman ang pagtatayo sa bahaging Abenida Kalayaan-Bonifacio Global City noong Abril 1999, ang gawaing ito ay ikinontrata sa F.F. Cruz and Co.[3] na isa sa pinakamalaking mga kompanya sa konstruksiyon sa Pilipinas. May kakayahan itong magkarga ng aabot sa 4,000 sasakyan sa isang oras,[4] at mababawasan nito ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Makati at Bonifacio Global City sa limang minuto sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuwirang pag-uugnay sa pagitan ng dalawang mga distritong pangnegosyo sa halip na dumaan pa sa EDSA.[5]
Ang 5 kilometro (0.93 milyang) flyover ay ipinasinaya ni dating Pangulo Joseph Estrada at ibang mga opisyal ng pamahalaan noong Enero 25, 2000.[6] Bagamat isinulong ito bilang pampublikong proyekto, may bulung-bulungan na ang halagang ₱950 milyon na ginastusan para sa pagpapatayo nito ay hindi nagmula sa pampublikong pondo, kung hindi ay pina-underwrite ng pangkat na First Pacific sa pamamagitan ng kanilang pampook na sangay, Metro Pacific.[7]
Bagamat isa itong flyover, ang kabuoan nito ay itinalaga ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) bilang Pambansang Ruta Blg. 191 (N191) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Fort Bonifacio - Kalayaan/EDSA Buendia Flyover". KE Asia, Inc. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 4, 2016. Nakuha noong Hulyo 15, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2 new roads to Fort Boni in the works". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corporation. Marso 28, 1998. Nakuha noong Hulyo 15, 2016 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fort Bonifacio - Kalayaan Edsa Buendia FlyOver Project". F.F. Cruz and Co. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Agosto 19, 2016. Nakuha noong Hulyo 15, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fort Bonifacio City Takes Shape as First Building Nears Completion". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Pebrero 7, 2000. Nakuha noong Hulyo 15, 2016 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bonifacio Skyline Takes Shape as Landmark Building is Completed". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Oktubre 2, 2000. Nakuha noong Hulyo 15, 2016 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Villanueva, Marichu A. (January 26, 2000). "Flyover opening promises better traffic flow". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Septiyembre 17, 2016. Nakuha noong July 15, 2016.
{{cite news}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Agustin, Victor C. (Enero 28, 2000). "Pardonable lapses". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong Hulyo 15, 2016 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)