Tulay ng Ayala
Tulay ng Ayala | |
---|---|
| |
Nagdadala ng | Trapikong pansasakyan at mga pedestriyan |
Tumatawid sa | Ilog Pasig |
Pook | Maynila |
Materyales | Bakal |
Kabuuang haba | 139 metro |
Lapad | 25 metro |
Simulang petsa ng pagtatayo | 1872 |
Mga koordinado | 14°35′28″N 120°59′56″E / 14.591°N 120.999°E |
Ang Tulay ng Ayala (Ingles: Ayala Bridge) ay isang bakal na sepong tulay (truss bridge) sa ibabaw ng Ilog Pasig sa Maynila, Pilipinas. Kinokonekta nito ang mga distrito ng Ermita at San Miguel, at dumaraan sa kanlurang dulo ng Isla de Convalecencia. Dinadala nito ang Daang Palibot Blg. 1 (C-1) at ang Pambansang Ruta Blg. 180 (N180) na iniuugnay ang Bulebar Ayala ng Ermita sa Kalye Pascual Casal ng San Miguel.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang itinayo ang Tulay ng Ayala bilang isang estrukturang yari sa kahoy noong 1872, ni Don Jacobo Zóbel y Zangroniz ng Casa Róxas (ang kasalukuyang Ayala Corporation). Noong 1908 pinalitan, ang materyal na ito ng bakal, at naging unang debakal na tulay ng Pilipinas ang Tulay ng Ayala. Ang kasalukuyang anyo nito ay iniukol sa isang muling pagtatayo noong dekada-1930.
Isinara sa publiko ang tulay noong unang bahagi ng 2015 para isailalim ito sa pagpapabuti at pagkukumpuni upang matiyak ang katatagan nito. Ini-angat ito nang 70 sentimetro upang makayanan nito ang lindol na may magnitud na 7.2. Binuksan muli ang tulay noong Nobyembre 2015.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Salazar, Cherry (26 Abril 2015). "New technology lifts Ayala Bridge". The Philippine Star. Nakuha noong 11 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)