Pumunta sa nilalaman

Daang McKinley

Mga koordinado: 14°32′50″N 121°2′17″E / 14.54722°N 121.03806°E / 14.54722; 121.03806
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Daang McKinley
McKinley Road
Daang McKinley malapit sa sangandaan nito sa Daang Harvard.
Impormasyon sa ruta
Haba1.9 km (1.2 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N1 / AH26 (EDSA) sa Forbes Park
Dulo sa silanganIka-5 Abenida sa Bonifacio Global City
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMakati, Taguig
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang McKinley (Ingles: McKinley Road) ay isang lansangang nililinyahan ng mga puno na nag-uugnay ng mga distritong sentral ng negosyo (central business districts) ng Makati at Bonifacio Global City, Taguig, sa katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Tagapagpatuloy ito ng Abenida Ayala sa timog ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA). Ang haba nito ay 1.9 kilometro (1.2 milya), at dumadaan ito sa mga pang-mayamang magkakapit-bahay ng Forbes Park and Dasmariñas Village. Nagsisimula ito sa EDSA sa kanluran at nagtatapos ito sa Ika-5 Abenida (Fifth Avenue) sa may Bonifacio Global City sa silangan.

Ang Daang McKinley ay may anyong panresidenyal na pinangingibabaw ng mga mansyon na may mga matataas na pader at madetalyeng tarangkahan. Sa gitna nito ay ang Kastilang Simbahan ng Santuario de San Antonio na nakaharap sa Plasa ng San Antonio, ang pangunahing pampublikong bukas na lugar ng Forbes Park. Sa katapat na gilid ng plasa nakatayo ang isang maliit na arcade na inookupado ng isang groceri ng Rustan's, isang delicatessen (o tindahan ng mga lunchmeat, keso, salad, at nakahaing pagkaing banyaga), iilang café, at tindahan ng mga aklat. Ang nalalabing bahagi ng Forbes Park ay sarado sa mga hindi residente ng nabanggit na distrito.

May mga iba pang kalye sa paligid ng abenida na may pangalang "McKinley": McKinley Parkway, isang tagapagpatuloy ng Daang McKinley sa loob ng Bonifacio Global City na patungong SM Aura Premier at Serendra, at Ilayang Daang McKinley (Upper McKinley Road), isang hindi magkaugnay na daan sa Burol ng McKinley sa timog sa may Abenida Lawton sa Fort Bonifacio.

Dati nagsilbi bilang rutang hilaga-kanluran pa-timog-silangan sa pagitan ng Kuta ng McKinley (Manila American Cemetery and Memorial ngayon) at Pasay ang Daang McKinley.[1] Dati, isa pa itong tagapagpatuloy ng Calzada de Pasay (Abenida Arnaiz ngayon) na nag-ugnay noon ng Palapagang Nielson sa San Pedro de Macati sa Kuta ng McKinley.[2] Ang dulo ng daan noon ay sa Carabao Gate sa pasukan ng kuta, sa kasalukuyang sangandaan ng Abenida McKinley sa Ika-5 Abenida. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isinara ang paliparan at ni-redevelop ng mga may-ari nito, ang Pamilyang Zobel de Ayala. Ang mas-maikling palapagan ay ginawang Abenida Ayala at pinahaba ito sa timog patungon sa bagong nayong arrabal ng Forbes Park. Binago naman ang pagkakalinya ng daan para maitumbok ang Ayala at di-kinalaunan ay pinangalanan sa Amerikanong kuta militar na tinutunguhan nito. Ang nasabing kuta naman ay pinangalanan sa ikadalawampung-limang pangulo ng Estados Unidos, William McKinley, na responsable sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1898.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Map of Ft. McKinley, Pre-1942". Philippine Scouts Heritage Society. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-11-06. Nakuha noong 13 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Map of Nielson Field". PacificWrecks.com. Nakuha noong 13 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°32′50″N 121°2′17″E / 14.54722°N 121.03806°E / 14.54722; 121.03806