Pumunta sa nilalaman

Kalye Nicanor Garcia

Mga koordinado: 14°33′54″N 121°01′22″E / 14.56491°N 121.02290°E / 14.56491; 121.02290
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kalye Nicanor Garcia

Ang Kalye Nicanor Garcia (Ingles: Nicanor Garcia Street), na karaniwan ding kilala sa dati nitong pangalan, Kalye Reposo (Reposo Street), ay isang kalye sa Bel-Air Village, Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang hilagang dulo nito ay Abenida J.P. Rizal sa kabayanan ng Makati at ang katimugang dulo nito ay Abenida Gil Puyat. Babagtasin nito ang Abenida Kalayaan at Kalye Jupiter pagdaan nito. Nagsisilbi itong hangganan sa pagitan ng Bel-Air Village at Manila South Cemetery.

Kilala ang kalye sa mga galeria ng sining, showroom ng panloob na dibuho, at magagandang kainan pang-hapunan nito.[1] Isang samahan ng mga artista na tinatawag na "Grupo Reposo" at binubuo ng mga may-ari ng mga galeria at tindahan ay nagsasagawa ng taunang pagdiriwang ng sining at kultura sa Kalye Nicanor Garcia. Nilalayon ng grupo na gawing sentro ng sining at pusod ng kultura ng lungsod ang nasabing kalye.[2] [3]

Ang kalye ay dating tinawag na Calle Reposo (salitang Kastila na nangangahulugang pahinga o mamahinga). Tinawag rin itong Calle Plesantero (kaiga-igaya, o kalugud-lugod, na lugar) ng mga unang residente nito.[4] Noong dekada-1990, binigyan ito ng bagong pangalan na Nicanor Garcia Street, mula kay Nicanor F. Garcia, ang pinakaunang naihalal na alkalde municipal ng Makati noong 1922–1934 (sa mga panahong iyon, isa pang munisipalidad ang Makati).[5][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Neighborhoods: Reposo, Makati". Spot.ph. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Tuklas Sining with Grupo Reposo". The Philippine Star. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Reposo mural adds color to thriving art colony". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. "Reposo: From dirt road to art and resto row". Philippine Daily Inquirer. 15 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  5. "Hit the Streets". Cebu Pacific Smile Inflight Magazine. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-09-23. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "NCR-MK-A-45". Haligui.net. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Septiyembre 2015. Nakuha noong 15 Oktubre 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)

14°33′54″N 121°01′22″E / 14.56491°N 121.02290°E / 14.56491; 121.02290