Daang Radyal Blg. 1

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Daang Radyal Blg. 1
R-1
Roxas Boulevard by the Embassy of Japan in Manila.jpg
Roxas Boulevard.jpgManila Cavite Expwy Tollgate.jpg
Manila-Cavite Expressway (Coastal Road) extension (Zapote, Bacoor, Cavite; 2017-04-03) (cropped).jpg
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Bulebar Roxas malapit sa Embahada ng Hapon sa Pasay sa gabi; Bulebar Roxas sa sangandaan nito sa Abenida Quirino sa Malate, Maynila; Tarangkahang Pambayad ng Las Piñas ng Manila–Cavite Expressway (CAVITEx); Karugtong ng CAVITEx patungong Kawit, tanaw mula sa Labasan ng Bacoor.
Hilagang dulo: Tulay ng Roxas sa Maynila
Katimugang dulo: Daang Governor sa Naic, Kabite

Ang Daang Radyal Bilang Isa (English: Radial Road 1), na mas-kilala bilang R-1, ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa pinakaunang daang radyal ng Maynila sa Pilipinas.[1] May haba itong 41.5 kilometro (o 25.8 milya), at kinokonektahan nito ang lungsod ng Maynila sa mga lungsod ng Pasay, Parañaque, at Las Piñas sa Kalakhang Maynila, at Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, General Trias, Tanza, at Naic lalawigan ng Cavite.

Ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Binubuo ng mga sumusunod na bahagi ang Daang Radyal Blg. 1, mula hilaga patimog:

Daang Bonifacio (Bonifacio Drive)[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Daang Bonifacio

Mula sa hilagang dulo ng R-1 (sa may Tulay ng Roxas na dating Tulay ng Del Pan) hanggang sa sangandaan nito sa Abenida Padre Burgos sa Maynila, kilala bilang Daang Bonifacio ang R-1. Sineserbisyo nito ang mga distrito ng Intramuros at Port Area at tinutumbukan nito ang Bulebar Roxas sa Liwasang Rizal.

Bulebar Roxas (Roxas Boulevard)[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Bulebar Roxas
Bulebar Roxas mula sa himpapawid.

Nagiging Bulebar Roxas ang R-1 paglampas ng Abenida Padre Burgos. Ang bahaging ito ng R-1 sa Liwasang Rizal ay minarkahang Kilometro Sero (Km 0). Isa itong promenada sa harap ng Look ng Maynila na bumabagtas patungong Ermita, Malate sa lungsod ng Maynila, at sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque. Tatapos ang Bulebar Roxas sa sangandaan nito sa Daang NAIA.

Manila–Cavite Expressway[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Manila–Cavite Expressway

Sa pagitan ng Daang NAIA at Lansangang Antero Soriano sa Kawit, Cavite, kilala ang R-1 bilang Manila–Cavite Expressway (kilala din bilang Coastal Road o CAVITEx). Ang nabanggit na mabilisang daanan ay nag-uugnay ng Parañaque sa Las Piñas at lumalabas ng Kalakhang Maynila patungong Bacoor at Kawit sa Cavite.

Lansangang Antero Soriano (Antero Soriano Highway)[baguhin | baguhin ang batayan]

Lansangang Antero Soriano sa Noveleta.
Pangunahing lathalain: Lansangang Antero Soriano

Kilala ang R-1 bilang Lansangang Antero Soriano mula sa dulo ng CAVITEx sa Kawit hanggang sa sangandaan nito sa Governor's Drive sa Naic. Kinokonektahan nito ang mga lungsod at bayan ng Imus, Noveleta, at General Trias ng lalawigan ng Cavite.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]