Abenida South

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Abenida South
South Avenue
Abenida South noong 2013.
Impormasyon sa ruta
Haba: 0.9 km (0.6 mi)
Bahagi ng:
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga: Kalye Hipodromo, Barangay Olympia
  Abenida J.P. Rizal
Abenida Kalayaan
Karugtong ng Kalye Pablo Ocampo
Dulo sa Timog Abenida Metropolitan, Barangay San Antonio
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Abenida South (Ingles: South Avenue) ay isang maiksing karugtong ng Abenida Ayala sa hilaga ng Abenida Metropolitan sa Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang haba nito ay 0.9 kilometro (0.6 milya). Nagsisilbi itong hangganan sa pagitan ng Manila South Cemetery sa silangan at Barangay Santa Cruz sa kanluran. Ang katimugang dulo nito ay sa Barangay San Antonio at ang hilagang dulo nito ay sa Barangay Olympia sa sangandaan nito sa Kalye Hipodromo kaharap ng dating kinalalagyan ng Santa Ana Race Track (na muling inuusbong ngayon ng Ayala Land bilang Circuit Makati).[1][2] Hindi pa tiyak sa ngayon kung saan hinango ang pangalan ng abenida, ngunit maari na mula ito sa semeteryong dinadaan nito.

Isang bahagi ng Daang Palibot Blg. 3 ng Sistema ng mga Daang Arteryal ng Kamaynilaan ang Abenida South.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°34′3″N 121°1′3″E / 14.56750°N 121.01750°E / 14.56750; 121.01750