Talaan ng mga mabilisang daanan sa Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Subic–Clark–Tarlac Expressway o SCTEX, ang pinakamahabang mabilisang daanan sa Pilipinas.
Manila–Cavite Expressway o CAVITEX, ang kauna-unahang mabilisang daanan sa bansa na nasa dalampasigan.

Ito ay isang talaan ng mga mabilisang daanan sa Pilipinas.[1]

Ang mga mabilisang daanan sa Pilipinas ay binubuo ng sampung (10) mabilisang daanan na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan sa Hilaga at Katimugang Luzon. Sa ngayon hindi mag-kakaugnay ang lahat ng mga mabilisang daanan, ngunit may pangkinabukasang panukala na mag-uugnay ng lahat ng mga ito upang makabuo ng isang ugnayan (network).

Mula 2014, inilunsad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang panibagong sistema ng pagtatakda ng mga nakabilang na ruta para sa mga mabilisang daanan sa bansa, kahalintulad ng sistemang lansangambayan ng bansa na inilunsad din ng DPWH sa parehong taon.

Sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, isasakatuparan ang isang ugnayan na tinatawag na "Luzon Spine Expressway Network".

Talaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Gumagana[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangalan Retrato Kalagayan Haba Paglalarawan  Tagapamahala Mayhawak Pagsisimula ng paghawak Pagtatapos ng paghawak
Manila–Cavite ExpresswayE3 (Philippines).svg
(Coastal Road/CAVITEx)
Manila–Cavite Expressway1.jpg Gumagana 14 km Nag-uugnay ng Parañaque, Las Piñas, at lalawigan ng Kabite. Cavite Infrastructure Corporation ° Cavite Infrastructure Corporation °  1996  2023
Metro Manila SkywayE2 (Philippines).svg
(MMSWS/Skyway)
Manila Skyway NAIA Interchange.jpg
  • Gumagana
    (Stage 1 & 2)
  • Itinatayo
    (Stage 3, inaasahang matatapos 2020)
31.2 km Nakaangat na mabilisang daanan sa ibabaw ng South Luzon Expressway at (sa hinaharap) mag-uugnay ng nasabing mabilisang daanan sa North Luzon Expressway. Skyway Operations and Maintenance Corporation (SOMCo.) Citra Metro Manila Tollways Corporation ♯ Agosto 24, 1995 2010
Muntinlupa–Cavite ExpresswayE2 (Philippines).svg
(MCX)
Muntinlupa–Cavite Expressway.jpg Gumagana 4.0 km Nag-uugnay ng Bacoor at Muntinlupa. Ayala Corporation Ayala Corporation 2015 2045
NAIA ExpresswayE6 (Philippines).svg
(NAIAEx)
NAIA Expressway Newport City.jpg Gumagana 11.6 km Nakaangat na mabilisang daanan sa ibabaw ng Abenida Andrews. Vertex Tollways Development, Inc. ♯ Vertex Tollways Development, Inc. ♯ 2013 2043
North Luzon ExpresswayE1 (Philippines).svg
(NLEx)
NLEX Santa Rita northbound (Guiguinto, Bulacan)(2017-03-14).jpg Gumagana 84 km Nag-uugnay ng Balintawak, Lungsod Quezon sa mga lungsod ng Caloocan, Valenzuela, at mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga. Tollways Management Corporation ° Manila North Tollways Corporation ° Pebrero 2005 Disyembre 31, 2037
NLEX-Mindanao Avenue Link E5 (Philippines).svg
(NLEX Segment 8.1)
NLEX Segment 8.1jwilz.jpg Gumagana 2.7 km Maiksing mabilisang daanan na naguugnay ng NLEX sa C-5 (sa pamamagitan ng Abenida Mindanao sa Lungsod Quezon) Tollways Management Corporation ° Manila North Tollways Corporation °
NLEX-Karuhatan Link E5 (Philippines).svg
(NLEX Segment 9)
Gumagana 2.42 km Maiksing mabilisang daanan na naguugnay ng NLEX sa Lansangang MacArthur sa Valenzuela. Tollways Management Corporation ° Manila North Tollways Corporation °
South Luzon ExpresswayE2 (Philippines).svg
(SLEx)
Pic geo photos - ph=mm=muntinlupa=slex - view from bilibid overpass -philippines--2015-0428--ls-.jpg Gumagana 51 km Nag-uugnay ng lungsod ng Maynila sa Makati, Pasay, Taguig, Muntinlupa, at mga lalawigan ng Laguna, Kabite, at Batangas Manila Toll Expressway Systems (Alabang-Santo Tomas) ♯ South Luzon Tollway Corporation (Alabang-Santo Tomas) Agosto 2006 Marso 2038
Southern Tagalog Arterial RoadE2 (Philippines).svg
(STAR Tollway)
2014-11-23 STAR Tollway at Tanauan, Batangas 001.jpg Gumagana 42 km Karugtong ng SLEx sa lalawigan ng Batangas STAR Tollway Corporation ♯ STAR Infrastructure Development Corporation ♯ 2002 2029
Subic–Clark–Tarlac ExpresswayE1 (Philippines).svgE4 (Philippines).svg
(SCTEx)
SCTEX in Floridablanca.jpg Gumagana 93.8 km Nag-uugnay ng Hermosa, Bataan sa Lungsod ng Tarlac Tollways Management Corporation ° Manila North Tollways Corporation °  Q3 2008  Oktubre 31, 2043
Subic–Tipo ExpresswayE4 (Philippines).svg
(NLEx Segment 7/STE)
Subic–Tipo Expwy.jpg Gumagana 8.8 km Nag-uugnay ng SCTEx sa Olongapo at Subic Bay Freeport Zone Tollways Management Corporation ° Manila North Tollways Corporation °  1996  2037
Tarlac–Pangasinan–La Union ExpresswayE1 (Philippines).svg
(TPLEx)
09617jfTarlac Pangasinan La Union Expressway Urdanetafvf 04.JPG  
  • Gumagana
    (Tarlac-Binalonan)
  • Itinatayo
    (Binalonan-Rosario; inaasahang matatapos ang huling bahagi Hunyo 2019)
88.85 km Nag-uugnay ng Lungsod ng Tarlac sa Rosario, La Union Private Infra Dev Corporation ♯ Private Infra Dev Corporation ♯ Oktubre 2013  Pebrero 2044

Mga tala:

Mga itinatayo pa[baguhin | baguhin ang batayan]

Hindi kasama sa bahaging ito ang mga nabanggit na sa talaan sa itaas.

Pangalan Imahe Estado Petsa ng
pagbubukas
Komento Unang dulo Huling dulo
C-6 Expressway C-6 Road at Night 2.JPG
  • Gumagana (Taguig lamang)
  • Itinatayo
    • (Bulacan
    • Cavite
    • Rizal)
Agosto 2020 Mabilisang daanan sa hinaharap na mag-uugnay ng Bulacan sa Rizal, mga lungsod ng Pasig at Taguig, at Kabite Marilao
(Bulacan)
Noveleta
(Cavite)
CAVITEX–C-5 Link Expressway Itinatayo 2020 Ang mabilisang daanang magpupuno sa puwang ng Daang C-5 mula SLEX hanggang CAVITEx. Las Piñas Taguig
Cavite–Laguna Expressway E3 (Philippines).svg
(CALAx)
CaLaX Cavite Area Under Construction.jpg Itinatayo Disyembre 2020 Mabilisang daanan na mag-uugnay ng mga lalawigan ng Kabite at Laguna at gayundin ng CAVITEX sa SLEX. Manila-Cavite Expressway
(Kawit, Cavite)
South Luzon Expressway
(Biñan, Laguna)
Cebu–Cordova Link Expressway
(CCLEx)
Itinatayo 2022 Unang mabilisang daanan sa Pilipinas na matatagpuan sa labas ng Luzon; mabilisang daanan sa hinaharap na mag-uugnay ng Lungsod ng Cebu at Cordova; ikatlong tulay na mag-uugnay ng Pulo ng Cebu sa Pulo ng Mactan. Cebu South Coastal Road (Lungsod ng Cebu) Cordova, Cebu
Central Luzon Link Expressway
(CLLEx)
Central Luzon Link Expressway.jpg Itinatayo Enero 2020 Mabilisang daanan sa hinaharap na mag-uugnay ng Nueva Ecija sa Tarlac TPLEx
(Lungsod ng Tarlac)
NLEE
(Cabanatuan)
North Luzon East Expressway
(NLEE)
NLEX East-La Mesa Parkway.jpg Itinatayo 2022 Mabilisang daanan sa hinaharap na mag-uugnay ng Lungsod Quezon sa Bulacan at Nueva Ecija La Mesa Parkway
(Lungsod Quezon)
Cabanatuan
(Nueva Ecija)
North Luzon Expressway Segment 10.1E5 (Philippines).svg
(Harbor Link Expressway)
 NLEX Segment 10 project (Sangandaan, Caloocan)(2018-03-19).jpg Itinatayo Oktubre 2018 Ugnayan ng NLEx-Karuhatan Link (NLEx Segment 9) sa Daang C-3 at karugtong sa Daang Radyal Blg. 10 Lansangang MacArthur
(Valenzuela)
Daang C-3
(Caloocan)
R-10
(Navotas)
North Luzon Expressway Segment 10.2E5 (Philippines).svg
(NLEX-SLEX Connector Road)
Itinatayo Pebrero 2022 Segment 10.2 ng North Luzon Expressway Phase 2 na mag-uugnay ng NLEX sa SLEX North Luzon Expressway
(Valenzuela)
Abenida Gil Puyat
(Makati)
Southeast Metro Manila Expressway
(SEMME)
Southeast Metro Manila Interchange.png Itinatayo 2020 Metro Manila Skyway
(Taguig)
Hugnayan ng Batasang Pambansa
(Lungsod Quezon)

Mga ipinapanukalang mabilisang daanan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapa ng ipinapanukalang Davao City Expressway

Mga Pangunahing Palitan[baguhin | baguhin ang batayan]

Palitan ng Sales
  • Palitan ng Balintawak (Balintawak Interchange): ay isang dalawang lebel na palitang trebol (cloverleaf interchange) sa Lungsod Quezon na nagsisilbing sangandaan ng North Luzon Expressway (NLEx) sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA), Abenida Bonifacio, at Lansangang Quirino.
  • Palitan ng Magallanes (Magallanes Interchange): ay isang apat na lebel na partial turbine interchange sa Makati, na nagsisilbing sangandaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA).
  • Palitan ng Sales (Sales Interchange): na kilala rin bilang Palitan ng Nichols o Nichols Interchange, ay isang palitang hybrid sa hangganan ng Pasay at Taguig sa Kalakhang Maynila. Binubuo ito ng isang mababang kalahating palitang trebol na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng South Luzon Expressway at Abenida Andrews, at isang upper T-bone na palitan na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng Metro Manila Skyway at NAIA Expressway.
  • Palitan ng Smart Connect (Smart Connect Interchange): na kilala rin bilang Palitan ng Abenida Mindanao (Mindanao Avenue Interchange) at Palitan ng North Luzon Expressway–Daang Palibot Blg. 5 (North Luzon Expressway–Circumferential Road 5 Interchange), ay isang dalawang lebel na palitang trebol sa Valenzuela, na nagsisilbing sangandaan ng North Luzon Expressway (NLEx) sa Daang Palibot Blg. 5 (C-5). Itinayo ito bilang bahagi ng 2.7 kilometro (1.7 milya) na bahaging NLEx–Mindanao Avenue Link na dumudugtong patungong Abenida Mindanao, at naging bahagi ng sistemang C-5 kalaunan. Ito ang pinakamalaking palitang trebol ng Pilipinas kung ibabatay sa lawak.

Sistema ng Pagbabayad[baguhin | baguhin ang batayan]

Tarangkahang Pambayad ng Santo Tomas sa SLEx.

Karamihan sa mga mabilisang daanan ay nagpapatupad ng mga bayarin, na kadalasang mga sistemang tarangkahang bayarin (barrier toll) at nakasarang daanan (closed road). Sa mga mabilisang daanang gumagamit ng nakasarang daanan sa pagsisingil ng bayarin, unang kukuha ang mga motorista ng isang kard o tiket sa pasukan at ibabalik nila ang mga ito paglabas. Sa mga mabilisang daanang nagpapatupad ng bayaring tarangkahan, isinasagawa ang pangongolekta ng bayarin sa mga tarangkahang pambayad sa tapat na halaga. Ilan sa mga mabilisang daanan ay gumagamit ng isang magkahalong sistema na kinabibilangan ng kapuwa, tulad ng North Luzon Expressway, na gumagamit ng kapuwang sistemang tarangkahang bayarin (sa NLEx ay tinaguriang "sistemang bukas") at nakasarang daanan.

Unang ininlunsad ang sistemang de-kuryente sa pangongolekta ng mga bayarin (electronic toll collection o ETC) noong 2001 sa South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway, gamit ang teknolohiyang transponder na tinatakang E-Pass. Ang mga sistemang ETC ay ipinapatupad ng ilang mayhawak ng mabilisang daanan, kasama ang inter-running support sa ibang mga magkarugtong na mabilisang daanan. Ang mga tarangkahang pambayad ay may mga linyang ETC sa pinakakaliwang mga linya o sa mga "pinaghalong" linya na pumapahintulot ng pangongolekta ng mga bayarin o kapuwa. Ang mga bagong sistemang ETC ay gumagamit ng teknolohiyang radio frequency identification (RFID) para sa pangongolekta. Dahil sa mga magkaibang sistema ng ETC na hindi suportado sa ibang mga daan, ipinahihikayat ang isang panukala para sa isang pinagsamang sistemang ETC para sa kaginhawaan ng mga motorista.

Magmula noong Abril 2011, ang mga bayarin ayon sa mabilisang daanan ay ang sumusunod:

Pangalan Class 1
(Mga kotse, motorsiklo, SUV, dyipni)
Class 2
(Mga bus, magaan na trak)
Class 3
(Mga mabibigat na trak)
Manila–Cavite Expressway ₱8.00 (Kabihasnan)
₱24.00 (Las Piñas)
₱64.00 (Kawit)
₱48.00 (Las Piñas)
₱129.00 (Kawit)
₱72.00 (Las Piñas)
₱194.00 (Kawit)
Metro Manila Skyway ₱164.00 (papunta at mula Alabang/SLEx)
₱118.00 (papunta at mula Sucat/Dr. A. Santos Ave.)
₱72.00 (papunta at mula Bicutan/Doña Soledad)
₱20.00 (papunta at mula NAIA Terminal 3/NAIAx)
₱329.00 (papunta at mula Alabang/SLEx)
₱237.00 (papunta at mula Sucat/Dr. A. Santos Ave.)
₱145.00 (papunta at mula Bicutan/Doña Soledad)
₱40.00 (papunta at mula NAIA Terminal 3/NAIAx)
₱493.00 (papunta at mula Alabang/SLEx)
₱356.00 (papunta at mula Sucat/Dr. A. Santos Ave.)
₱218.00 (papunta at mula Bicutan/Doña Soledad)
Muntinlupa–Cavite Expressway ₱17.00 ₱34.00 ₱51.00
NAIA Expressway ₱35.00 (Maikling Bahagi)
₱45.00 (Buong Ruta)
₱69.00 (Maikling Bahagi)
₱90.00 (Buong Ruta)
₱104.00 (Maikling Bahagi)
₱134.00 (Buong Ruta)
North Luzon Expressway ₱45.00 (Sistemang Bukas [Balintawak-Marilao])
₱2.66/km (Sistemang Nakasara [Bocaue-Sta. Ines])
₱114.00 (Sistemang Bukas [Balintawak-Marilao])
₱6.66/km (Sistemang Nakasara [Bocaue-Sta. Ines])
₱136.00 (Sistemang Bukas [Balintawak-Marilao])
₱8.00/km (Sistemang Nakasara [Bocaue-Sta. Ines])
South Luzon Expressway ₱3.37/km ₱6.74/km ₱10.11/km
STAR Tollway ₱1.016/km ₱2.032/km ₱3.048/km
Subic–Clark–Tarlac Expressway ₱2.67/km ₱5.35/km ₱8.03/km
Subic–Tipo Expressway ₱22.00 ₱57.00 ₱68.00
Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway ₱3.50/km ₱8.70/km ₱10.50/km

Luzon Spine Expressway Network[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Luzon Spine Expressway Network (LSEN) ay binubuo ng mga maraming pag-uugnay ng mga mabilisang daanan sa loob ng pangunahing pulo na Luzon.

Ang mga umiiral na mga mabilisang daanan ng LSEN ay North Luzon Expressway (NLEx), South Luzon Expressway (SLEx), Manila–Cavite Expressway (CAVITEx), Metro Manila Skyway (Stage 1 at 2), NAIA Expressway (NAIAEx), Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX), Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx), Southern Tagalog Arterial Road (STAR Tollway), Subic–Tipo Expressway at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx). Bahagi rin ng ugnayang LSEN ang mga karugtong ng SLEx (Santo Tomas hanggang Matnog), TPLEx (Binalonan hanggang San Fernando, La Union), Skyway Stage 3 (Makati hanggang Balintawak), CAVITEX–C-5 Link Expressway), at ang mga ipinapanukalang mabilisang daanan tulad ng C-6 Expressway, North Luzon East Expressway (NLEE o NLEx East), Central Luzon Link Expressway (CLLEx), Harbor Link Expressway (NLEx Segment 10.1), Cavite–Laguna Expressway (CALAx) at Cavite–Tagaytay–Batangas Expressway (CTBEx).

Lahat ng mga proyekto ng LSEN ay nasa ilalim ng programang "Golden Age of Infrastructure" at gayundin bahagi ng adyendang "Dutertenomics" ni Pangulo Rodrigo Duterte.

Karagdagag Impormasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Muntinlupa–Cavite Expressway, ang pinakamaiksing mabilisang daanan sa Pilipinas.
Tarangkahang Pambayad ng Bocaue, NLEx, ang pinakamalaking tarangkahang pambayad sa Pilipinas.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]