Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon (nakapula ang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway)
TPLEx sa Pura, Tarlac
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Private Infra Dev Inc.
Haba89.2 km (55.4 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga
 
Dulo sa timog E1 (Subic-Clark-Tarlac Expressway) / N58 (Daang Santa Rosa–Tarlac) malapit sa Lungsod ng Tarlac
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Mga bayan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx) ay isang 89.21 kilometro (o 55.43 milyang) mabilisang daanan (expressway) na kasalukuyang ginagawa sa hilaga ng Maynila. Pinaguugnay nito ang gitna at hilagang Luzon, kung saan ang pinakatimog na dulo nito ay sa Lungsod ng Tarlac at ang pinakahilagang dulo nito ay sa Rosario, La Union.[2]

Ang unang bahagi ng proyekto, mula Lungsod ng Tarlac hanggang Pura, ay pinapatakbo sa isang batayang "soft opening" mula Oktubre 31, 2013, at naging handa ito sa buong operasyon noong Nobyembre 2013.[3]

Bahagi ng ikalawang bahagi na aabot hanggang Ramos ay nagbukas noong Disyembre 23, 2013. Ang natitirang bahagi mula Anao hanggang Rosales ay binuksan noong Abril 2014, at ang nalalabing bahagi na nag-uugnay ng Rosario sa Urdaneta ay binuksan noong Disyembre 20 sa parehong taon.[4]

Bahagyang binuksan ang ikatlong bahagi papuntang Binalonan noong 2016,[5][6] at papuntang Pozorrubio noong 2017.[7][8] Binuksan ang huling bahagi ng kabuoang mabilisang daanan mula Pozorrubio hanggang Rosario noong Hulyo 15, 2020.[9][10]

May mga panukala na pahabain ang mabilisang daanan hanggang sa Laoag, Ilocos Norte.[11][12]

Ang TPLEx ay karugtong ng North Luzon Expressway at Subic–Clark–Tarlac Expressway mula Tarlac papuntang Rosario, La Union.

Tumatawid ang mabilisang daanan sa tatlong ilog sa loob ng lalawigan ng Pangasinan. Ang mga ilog na ito ay Ilog Agno, Ilog Binalonan, at Ilog Bued.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ideya at unang pagpapausbong[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagamat bumangon ang mga kahilingan para sa pagtatatag ng isang sistemang mabilisang daanan na umaabot sa Rosario, ang pinakatimog na pamayanan ng lalawigan ng La Union, mula sa pambansang kabisera ng Maynila bago ang pagtatapos ng ika-20 dantaon,[13] masasakatuparan lamang ang mga kahilingan na ito noong kalagitnaan ng dekada-2000..

Sinimulan noong 2005, ang pagtatayo ng Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx) na nakalikha ng nakarugtong na sistemang mabilisang daanan na umabot sa Lungsod ng Tarlac - isang pagbabago mula sa dating dulo ng North Luzon Expressway sa Mabalacat, Pampanga.

Noong 2006, ang mga kinatawan ng Kongreso mula sa Hilagang Luzon ay sinamantalahan ang huling pagbasa ng Panukalang Batas ng Kapulungan Blg. 5749[14] upang maglobi para sa isang proyekto na magpapatuloy ng sistemang mabilisang daanan patungong Rosario, bilang paraan para makatulong sa pangangalakal, turismo, at mapapabilis ang transportasyon sa mga lalawigan ng Tarlac, silangang Pangasinan, at La Union.[15] Bilang bunga sa paglolobi na ito, inihayag ng administrasyong Arroyo noong Oktubre 2006 ang sampung-taong panahon kung kailang ipapahaba ang North Luzon Expressway (NLEx) mula Mabalacat patungong Rosario, La Union, at ipapahaba ang South Luzon Expressway (SLEX) mula Calamba, Laguna patungong Lucena, Quezon, at sa huli sa Matnog, Sorsogon.[16]

Pormal nang binuksan ang SCTEx noong 2008 na naging mitsa ng pagpapausbong ng TPLEx na idudugtong sa kabilang ibayo ng dulo ng SCTEx sa Lungsod ng Tarlac.

Ayon sa unang panukala ng pagtatayo ng TPLEx, ito ay binubuo ng dalawang mga yugto: Ang unang yugto ay kinapapalooban ng pagtatayo ng dalawang mga landas habang ang ikalawang yugto ay kinapapalooban ng pagpapalawak nito sa apat na mga landas upang mapagkasya ang 25,000 mga sasakyan.

Itinayo ang pinanukalang superhighway kalinya ng Lansangang MacArthur, at dadaan ito sa Lungsod ng Tarlac at mga bayan ng La Paz, Gerona, Victoria, Pura, Anao, at Ramos sa lalawigan ng Tarlac; Nampicuan at Cuyapo sa lalawigan ng Nueva Ecija; at Rosales, Villasis, Urdaneta, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, at Sison sa lalawigan ng Pangasinan, at Rosario sa lalawigan ng La Union.[17]

Yugto ng pagpapaunlad Pagkakalinya ng mabilisang daanan
Unang Yugto Lungsod ng Tarlac papuntang Rosales, Pangasinan
Ikalawang Yugto Rosales, Pangasinan, papuntang Urdaneta, Pangasinan
Ikatlong Yugto Urdaneta, Pangasinan, papuntang Rosario, La Union
Karugtong Rosario, La Union, papuntang San Fernando, La Union

Paglaon, ginawaran ang pagtutustos, disenyo, pagtatayo, operasyon, at pagpapanatili ng unang yugto ng Tarlac–La Union Toll Expressway sa Private Infra Dev Corporation (PIDC)[18][19]

Pagtutustos ng proyekto[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ibinalikat ng tatlong mga lokal na bangko ang pagtutustos ng TPLEX: BDO Unibank, Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas, at Land Bank of the Philippines. Dahil dito nakilala ang TPLEX sa industriya ng impraestruktura at pananalaping pagpapaunlad bilang "unang proyektong Public-Private Partnership sa Pilipinas na tampok ang buong-domestikong hanay ng mga isponsor at tagapagpautang.” Ipinangalan ng Project Finance Magazine mula Londres ang TPLEX bilang "Asia Pacific Transport Deal of the Year" para sa taong 2011.[20]

Ipinatupad ang proyekto sa pamamagitan ng public-private partnership gamit ang paraang build–operate–transfer (BOT) kung saang nasa pananagutan ng tagapanukala ng proyekto ang disenyo, pagtutustos, at pagtatayo ng unang pandalawahang mabilisang-daanan.

Habang natatapos ang pagtatayo ng bawat bahagi ng mabilisang daanan, ipinapasa ito sa pamahalaan. Ang pamahalaan naman ang magpapahintulot sa nagpanukala ang prangkisa para patakbuhin at panatilihin ang mabilisang daanan. Dito ang nagpanukala ay siyang magpapatakbo ng mabilisang daanan sa ngalan ng pamahalaan sa ilalim ng pangmatagalang kasunduan sa konsesyon, pagkaraang inilabas ng Toll Regulatory Board ang sertipiko upang masimulan ang pagpapatakbo ng mabilisang daanan.

Mga pagtatalo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagtatalo sa pagkakalinya sa mga rutang San Fabian at Pozorrubio kapuwa sa Pangasinan

Pagkuha ng karapatan sa daanan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang nag-aambag sa mga antala unang pagpapausbong ng TPLEx ay ang pagbibili ng karapatan sa daraanan o right of way (ROW) ng proyekto. Sapagkat tinukoy ang TPLEX bilang may mataas na prayoridad na proyekto ng pamahalaan,[21] ibinigay sa Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) ang trabaho ng pagkukuha ng karapatan sa daraanan ng ipinanukalang pagkakalinya ng proyekto, at inilaan ang ₱793 milyon sa pag-asang mapabibilis ang proseso.[22] Ngunit maraming mga ligal na pagtatalo ukol sa matatamaanang mga ari-arian, lalo na sa bahaging Tarlac ng proyekto,[23] ay nagngangahulugang mga antala sa prosesong pag-uusap na ginagawa ng DPWH.[24][25]

Paghahanay ng Palitan ng Rosario[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng isang pangunahing antala sa inaasahang pagtatapos ng pagtatayo sa buong mabilisang daanan nang iniharap ang isang kusang panukala para baguhin ang kinaroroonan ng huling palitan sa Rosario.[26][27][28] Ipinanukala ni Rep. Mark Cojuangco, dating kinatawan ng Ikalimang Distrito ng Pangasinan, ang tatlong mga pagkakalinya: isa na dadaan sa Urdaneta at San Fabian, at lalabas sa Brgy. Cataguintingan ng Rosario, La Union. Mas-mahaba ito nang 1.48 kilometro sa unang dulo ng TPLEx sa Barangay Subusob, Rosario. Ang pangalawang pagkakalinya ay dadaan din sa San Fabian ngunit tatapos sa unang dulo sa Barangay Subusob. Ang unang dalawang mga panukala ay hindi daraan sa Pozorrubio. Ang pangatlong panukala ay daraan sa Pozorrubio, San Fabian, at magtatapos sa Barangay Subusub. Lalaktawin ng lahat mga panukala ang bayan ng Sison. Hindi ito tinanggap ng Cordillera Administrative Region Development Council.[29] Inilipat ang nilalayong petsa ng pagtatapos sa katapusan ng Abril 2018 mula sa dating katapusan ng Abril 2017.[30]

Pagtatayo ng unang yugto (Lungsod ng Tarlac papuntang Rosales)[baguhin | baguhin ang wikitext]

TPLEx malapit sa Victoria Exit sa Victoria, Tarlac. Bahagi ito ng unang yugto na binuksan sa mga motorista noong Nobyembre 2013

Nagsimula ang pagtatayo ng unang yugto ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway noong Enero 2010.[31][32]

Noong Abril 2013, inihayag ng San Miguel Corporation na itatayo nang may apat na mga landas ang bahaging Lungsod ng Tarlac–Urdaneta, sa halip ng naunang panukala na dalawang landas lamang. Subalit ini-urong din nito ang pagbubukas ng mabilisang daanan sa Nobyembre 2013 mula sa dating Hunyo 2013.[33]

Pagbubukas ng bahaging Lungsod ng Tarlac–Pura[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Oktubre 25, 2013, pinayagan ng Toll Regulatory Board ang pagpapalabas ng Toll Operation Permit para sa bahaging Lungsod ng Tarlac–Pura ng TPLEx pagkaraang natapos ng Private Infra Dev Corp. (PIDC) ang pagtatayo ng bahaging iyon. Ang PIDC ay ang konsorsyum na buong Pilipino at sinusuportahan ng mga kompanyang San Miguel Corporation (SMC) at DMCI Holdings, Inc.[3]

Itong unang yugto na tinawag na "Bahaging 1A" ay nagsisimula sa isang dugtong sa SCTEx, at bumabagtas nang 17 kilometro (11 milya) mula Lungsod ng Tarlac papuntang Victoria, at sa Pura. Inaasahang makatitipid ito ng oras ng paglalakbay papuntang Baguio nang higit sa 40 minuto.[3]

Pagbubukas ng bahaging Pura–Ramos[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Disyembre 23, 2013, binuksan ang bahaging Pura–Ramos. Umabot na sa 23 kilometro (14 milya) ang haba ng operasyon nito.

Pagbubukas ng bahaging Pura–Rosales[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Abril 16, 2014, natapos na ang unang yugto ng proyekto nang binuksan ang bahaging Barangay Carmen, Rosales nang sa panahon para sa Mahal na Araw at nangangalahati na ito patungong Baguio.

Pagtatayo ng ikalawang yugto (Rosales papuntang Urdaneta)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagbubukas ng bahaging Rosales–Urdaneta[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Disyembre 2014, binuksan sa trapiko ang ikalawang yugto ng proyekto na sumasaklaw aa habang 13.72 kilometro mula Barangay Carmen, Rosales papuntang Urdaneta, tulad ng pahayag ng pangulo ng PIDC na si Mark Dumol noong araw na inihayag ang pagtatapos ng unang yugto.

Pagtatayo ng ikatlong yugto (Urdaneta papuntang Rosario)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kaniyang pahayag noong Disyembre 2014 ukol sa pagbubukas ng ikalawang yugto, inilagay ni Dumol na matatapos sa 2015 ang huling bahagi na sumasaklaw sa habang 25.83 kilometro mula Urdaneta papuntang Rosario, kasama ang isang labasan sa Pozorrubio.[34] Ngunit may mga antala sa pagpapatupad ng proyekto, na kinabibilangan ng pinagtatalunang panukala na ilihis ang labasan nang pitong kilometro (4.3 milya) patungong San Fabian.

Inihayag ng kapuwa DPWH at PIDC noong Hulyo 2015 na patuloy nilang susundan ang naunang panukala para sa huling bahagi na tatapos sa Rosario. Dagdag nila na matatapos ito sa susunod na taon, sa 2016.[35]

Ang yugto ng pagpapaunlad na ito ay inihati nang husto sa yugtong 3A, mula Urdaneta hanggang Pozorrubio, at yugtong 3B, mula Pozorrubio hanggang Rosario. Kasama sa "Bahaging 3A" ang hugis-trumpeta na mga palitan sa Binalonan at Pozorrubio, habang kasama sa Bahaging 3B ang isang palitan sa Sison at estilong-rotonda na dulong palitan sa Rosario, La Union.[36]

Kasunod ng pagbubukas ng palitan sa Binalonan noong Disyembre 2017, winika ng DPWH na inaasahang matatapos ang bahaging 3B mula Pozorrubio papuntang Rosario sa Hunyo 2019.[37]

Pagbubukas ng bahaging Urdaneta–Binalonan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagsapit ng kalagitnaan ng Agosto 2016, binuksan na sa publiko ang unang labasan ng Bahaging 3A sa Binalonan. Nakalikha ito ng mabilis na daang papasok ng Basílica Menor de Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Manaoag na matatagpuan 10 minuto lamang mula sa bagong labasan ng Binalonan.[6]

Pagbubukas ng bahaging Binalonan–Pozorrubio[baguhin | baguhin ang wikitext]

Labasan ng Pozorrubio noong itinatayo pa ito, Nobyembre 2017.

Pagsapit ng Disyembre 6, 2017, binuksan na sa publiko ang huling labasan ng Bahaging 3A sa Pozorrubio. Noong Setyembre 2016, winika ng DPWH na ang labasang ito ng Bahaging 3A, na sumasaklaw sa habang 7.53 kilometro mula Binalonan hanggang Pozorrubio, ay dapat sanang bubuksan noong Disyembre 2016. Inasahang bubuksan ang bahaging Binalonan hanggang Pozorrubio noong Oktubre 27, 2017, ngunit hindi ito nangyari dahil sa maliit na usaping karapatan sa daan ukol sa nawawalang 1-kilometrong bakod. [8]

Pagbubukas ng bahaging Pozorrubio–Rosario[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tanawing panghimpapawid ng bahaging Pozorrubio–Rosario ng mabilisang daanan

Noong Hulyo 15, 2020, binuksan sa mga motorista ang bahaging Pozorrubio hanggang Rosario ng mabilisang daanan, maliban sa labasang Sison, na itinatayo pa rin noong binuksan ang pangunahing daanan nito.[10][38]

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinusunod ang TPLEX sa isang ruta na naglilinya sa Lansangang MacArthur mula Lungsod ng Tarlac sa lalawigan ng Tarlac hanggang Binalonan sa lalawigan ng Pangasinan. Ang buong mabilisang daanan ay may apat na mga linya, na may dalawang linya sa bawat direksiyon, at hinihiwalay ng isang kongkretong harangan. Ang mga bahagi sa mga labasan at mga kalapit nito ay ini-ilawan ng mga ilawan sa daan sa gabi. Mga mahalagang bahagi ng mabilisang daanan ay nakatayo sa pilapil na tanaw ang mga palayan. Ang buong mabilisang daanan ay itinakda bilang bahagi ng E1 ng makabagong Sistemang Pamilang ng Ruta ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan.[39]

Tarlac[baguhin | baguhin ang wikitext]

TPLEx malapit sa Tarangkahang Pambayad ng Tarlac sa Lungsod ng Tarlac

Nagsisimula ang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway sa Lungsod ng Tarlac bilang pisikal na karugtong ng Subic–Clark–Tarlac Expressway. Dumadaan ang mabilisang daanan sa mga bayan ng Victoria, Pura, Ramos, at Anao. Nakatayo ang mga mahalagang bahagi ng mabilisang daanan sa mga nakaangat na lupa o pilapil, at ang mga umiiral na mga daan ay tumatawid sa ilalim ng mga daang pang-ilalim na itinayo sa mga hati ng pilapil. Papasok ang daan sa Cuyapo sa lalawigan ng Nueva Ecija nang walang tinutumbok na mga pangunahing sangandaan, bago pumasok sa Pangasinan sa bayan ng Rosales.

Pangasinan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang biyadukto sa ibabaw ng Ilog Agno sa hangganan ng Rosales–Villasis.

Nagsisimula ang bahaging Pangasinan ng TPLEx sa bayan ng Rosales na may dalawang labasan, Rosales at Carmen. Nanatiling hindi bukas ang Labasan ng Rosales. Tatawid ang mabilisang daanan sa isang biyadukto sa ibabaw ng Ilog Agno. Papasok naman ang mabilisang daanan sa Urdaneta na pinagsisilbihan ng isang palitang dumudugtong sa Lansangang MacArthur. Ang labasang Urdaneta ay nagsilbing hilagang dulo ng mabilisang daanan bago binuksan ang karugtong sa Binalonan. Paglampas nito, tatawid ang TPLEx sa ibabaw ng Lansangang MacArthur at daraan sa ibabaw ng Binalonan at Pozorrubio. Ang huling labasan sa lalawigan ay sa Sison, na itinatayo pa rin at hindi nakabilang sa pagbubukas ng pangunahing daanan.

La Union[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paglampas ng labasang Sison, tatawirin ng mabilisang daanan ang Ilog Bued sa pamamagitan ng isang biyadukto. Papasok naman ito sa bayan ng Rosario, kung saang matatagpuan ang pangunahin at hilagang tarangkahang pambayad. Paglampas nito, may isang daang sangay na mag-uugnay nito sa rotondang Rosario. Ito rin ang hilagang dulo ng mabilisang daanan.

Sa hinaharap[baguhin | baguhin ang wikitext]

Huling bahagi mula Pozorrubio papuntang Dulo sa Rosario[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalakip ng pagbubukas ng labasan sa Pozorrubio noong Disyembre 6, 2017 at ang pasiya ng DPWH na pairalin ang naunang paghahanay, inihayag ng PIDC ang pagtatayo ng isa pang labasan sa Sison na hindi kasama sa unang panukala. Ipapangalan ito mula sa bayan ng Sison.[40] Inasahan na matatapos ang bahaging Pozorrubio–Sison sa Marso o Abril 2018, ngunit dahil sa di-pagkakasundo dulot ng kusang panukala ng pagkakalinya patungong San Fabian, nailipat ang pinuntiryang pagtatapos ng proyekto sa Hunyo 2019.

Karugtong sa La Union[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang bahagi ng proyekto ng pagpapadagdag ng 200 kilometrong radyos ng mga Mataas na Pamantayan na Lansangan (High Standard Highway) ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa loob ng 300 kilometrong radyos mula Kalakhang Maynila, ipapahaba ang mabilisang daanan patungo sa lungsod ng San Fernando, La Union.[41] Mayroon ding mga panukala na ilipat sa San Juan ang dulo karugtong, at mahahati ito sa tatlong mga bahagi.[42][43]

Bahagi Sakop Haba (sa kilometro)
Bahaging 1 Rosario papuntang Tubao 18
Bahaging 2 Tubao papuntang Naguilian 23
Bahaging 3 Naguilian papuntang San Juan 18.4

Karugtong sa Laoag[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hunyo 11, 2013, sa Taunang Stockholders Meeting ng San Miguel Corporation, ibinunyag ni Eduardo Cojuangco Jr., tagapangulo ng SMC, ang mga panukalang pagpapahaba ng mabilisang daanan patungong Laoag, Ilocos Norte sa hilaga. Sinabi niya na ang pagpapahaba ng mabilisang daanan ay naungkat pa mula noong pamamahala ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.[44]

Mga bayarin[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gumagamit ang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway ng isang sistemang nakasara kung saan ang mga motorista ay kukuha ng isang kard pagkapasok at ibibigay ito paglabas. Ang bayarin ay batay sa kilometrong nilakbay, at nahahati ayon sa uri ng sasakyan. Noong Abril 8, 2019, ipinatupad sa TPLEx ang sistemang Autosweep electronic toll collection (ETC) na sistemang RFID ng magulang komapnya (parent company) nito sa lahat ng mga kontroladong mabilisang daanan nito sa bansa. Tinitiyak nito ang kakayahang mapagsabay sa ibang mga mabilisang daanan na pinapatakbo ng SMC pati na rin sa mga mabilisang daanan na pinapatakbo ng MPTC tulad ng NLEx at SCTEx.

Uri Bayad[45]
Class 1
(Mga kotse, motorsiklo, SUV, at dyipni)
3.50/km
Class 2
(Mga bus at magaan na trak)
₱8.70/km
Class 3
(Mga mabigat na trak)
₱10.50/km

Talaan ng mga Labasan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga labasan ay nakabilang sa pamamagitan ng kilometer post kung saan ito ay nagsisimula sa Rizal Park sa Maynila at nakatalaga bilang kilometer zero. Ang mga labasan ay nagsisimula sa 124 dahil ang SCTEX ay karugtong ng TPLEX kaya ang huling labasan ng SCTEX ay susundan ng labasan ng TPLEX.

Ang dating tarangkahang pambayad ng Carmen

Mga kasalukuyang labasan[baguhin | baguhin ang wikitext]

LalawiganLungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
TarlacLungsod ng Tarlac12477124Tarlac N58 (Daang Santa Rosa—Tarlac) – Lungsod ng Tarlac, La Paz, Cabanatuan, Maynila, Olongapo, Subic, ClarkPalitang nakatuklap na diyamante. Tumutuloy patimog bilang E1 (Subic–Clark–Tarlac Expressway). Ang mga rampa ay binabago upang maging bagong labasan para sa ginagawang CLLEX.
12678Tarangkahang Pambayad ng Tarlac (mga bayad gamit ang salapi)
Victoria13081VictoriaVictoria, TalaveraPalitang trumpeta.
13483Petron Km. 134 (pahilaga)
13483Petron Km. 134 (patimog)
GeronaWalang pangunahing bagtasan
Pura13886PuraGerona, Pura, GuimbaPalitang trumpeta.
Ramos14489RamosPaniqui, Ramos, GuimbaPalitang trumpeta.
Anao15093AnaoAnao, MoncadaPalitang trumpeta.
Nueva EcijaNampicuanWalang pangunahing bagtasan
CuyapoWalang pangunahing bagtasan
PangasinanRosales169105Carmen (Rosales) Carmen, Rosales, Santo Tomas, VillasisPalitang trumpeta. Daanan patungong N2 (Lansangang MacArthur) at balang araw sa N114 (Daang Pangasinan–Nueva Ecija).
169105Tarangkahang Pambayad ng Carmen (kabayarang pansalapi) (tinanggal)
171106Tomana (Rosales) N56 (Daang Carmen–Poblacion Rosales) – Rosales, Santo Tomas, VillasisPahilagang labasan at patimog na pasukan lamang. Ito ay pirmihang isinara nang magbukas ang labasang Carmen (Rosales).
Hangganan ng Rosales at VillasisTulay ng Agno sa taas ng Ilog Agno
VillasisWalang pangunahing bagtasan
Urdaneta184114Urdaneta N2 (Lansangang MacArthur) – Urdaneta, DagupanPalitang trumpeta.
BinalonanWalang pangunahing bagtasan
Laoac189117Binalonan N210 (Lansangang Binalonan—Dagupan) – Binalonan, Manaoag, MangaldanPalitang trumpeta. Daang papunta sa Dambana ng Our Lady of Manaoag.
Pozorrubio199124Pozorrubio N2 (Lansangang MacArthur) – PozorrubioPalitang trumpeta.
Sison204127Sison N2 (Lansangang MacArthur) – SisonKasalukuyang itinatayo ang mabilisang daanan. Bahagyang binuksan kasabay ng bahaging Sison—Rosario noong Disyembre 15, 2019
Mataas na Tulay ng Bued
La UnionRosario210130Tarangkahang Pambayad ng Rosario (mga bayad gamit ang salapi)
211131Rosario N2 (Lansangang MacArthur) / N209 (Daang Pugo–Rosario) – Baguio, Rosario, Pugo, San Fernando, Vigan, LaoagPalitang rotonda. Hilagang dulo ng mabilisang daanan.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Sarado/dati
  •       Hindi kumpletong access
  •       May toll
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Mga labasan sa hinaharap[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buong ruta matatagpuan sa La Union. Ito ay ipinapanukalang mga labasan sa ipinapanukalang karugtong ng TPLEX sa San Juan, La Union.[46] 

Lungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
RosarioRosario E1 (TPLEX) – Rosario, MaynilaUgnayan sa pangunahing linya ng TPLEX
TubaoTubao N208 (Lansangang Aspiras–Palispis) – Tubao, Agoo, Pugo, Baguio
BauangNaguilian N54 (Daang Naguilian) – Naguilian, Burgos, Baguio
BauangBauang, San Fernando
San JuanTarangakahang pambayad ng San Juan
San Juan N2 (Lansangang MacArthur) – San JuanHilagang dulo sa hinaharap
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "First phase of TPLEX to begin operations Wednesday". GMA News Online. GMA Network Inc. 2013-10-29.
  2. Rebuyas, Michael (2013-11-02). "17-km stretch of TPLEx now open to motorists". The Philippine Star. Mandaluyong City, Philippines. Nakuha noong 2013-11-02.
  3. 3.0 3.1 3.2 Camus, Miguel R. (2013-10-27). "First phase of TPLEx set to open on Oct. 30". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Makati: Inquirer.net. Nakuha noong 2013-10-27. {{cite news}}: Cite has empty unknown parameter: |coauthors= (tulong)
  4. Dumlao, Doris C. (2014-12-18). "SMC completes 2nd section of TPLEx". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 2020-06-16.
  5. "New TPLEx exit shortens travel to pilgrim site". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). 2016-09-19. Nakuha noong 2020-06-16.
  6. 6.0 6.1 TPLEX'S BINALONAN TOLL PLAZA NOW OPEN. The Philippine Star, August 16, 2016. http://www.pressreader.com/philippines/the-philippine-star/20160816/282187945419851 accessed September 1, 2016.
  7. Camus, Miguel R. (2017-12-07). "New TPLEx section opened". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 2020-06-16.
  8. 8.0 8.1 BUSINESS TPLEX now extended to Pozorrubio in Pangasinan. Rappler, December 7, 2017. https://www.rappler.com/business/190689-tplex-binalonan-pozorrubio-segment-pangasinan-opening-dpwh accessed December 8, 2017.
  9. Camus, Miguel R. (2020-06-22). "SMC, DPWH to open last TPLEx segment on July 15". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 2020-06-22.
  10. 10.0 10.1 "San Miguel opens final section of TPLEX until Rosario". Manila Standard (sa Ingles). Nakuha noong 2020-07-15.
  11. Lowe, Aya (June 12, 2013). "TPLEx may extend up to Laoag — Cojuangco". Rappler. Ortigas Center, Pasig City: Rappler, Inc. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hulyo 1, 2013. Nakuha noong October 30, 2013.
  12. "San Miguel eyeing TPLEX extension to San Juan in La Union by 2022". CNN Philippines. July 16, 2020. Nakuha noong July 16, 2020.
  13. "Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx) Fact Sheet" (PDF). PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP (PPP) CENTER FOR PUBLIC INFORMATION. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2013-11-05. Nakuha noong 2013-10-30. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  14. "PNCC to extend NLEX to Rosario in La Union". Business Mirror. Makati City, Philippines: Philippine Business Daily Mirror Publishing Inc. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 3, 2009. Nakuha noong Oktubre 30, 2013. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  15. "NEDA BOARD APPROVES TPLEX, INCREASES FINANCING FOR ARMM SOCIAL FUND". National Economic and Development Authority (Philippines). February 2, 2010. Inarkibo mula sa ang orihinal noong November 4, 2013. Nakuha noong November 30, 2013.
  16. Diaz, Jess (October 7, 2006). "Malacañang approves extension of NLEX, SLEX". The Philippine Star (sa Ingles). Mandaluyong, Philippines: Philstar. Nakuha noong October 30, 2013.
  17. "NEDA Project Proposal Monitoring". Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 28, 2005. Nakuha noong Pebrero 3, 2008. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  18. "San Miguel acquires 35% stake in Tarlac-La Union road project". abs-cbnNEWS.com. Agosto 27, 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 4, 2013. Nakuha noong Oktubre 30, 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  19. Zurbano, Joel (2008-02-04). "Up Ahead: Fast Road to Baguio". Manila Standard (sa Ingles). City of Manila, Philippines: Kamahalan Publishing Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-08. Nakuha noong 2019-06-27.{{cite news}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
  20. Zurbano, Joel (2012-04-22). "Tollway is 'deal of the year'". The Manila Standard. City of Manila, Philippines: Kamahalan Publishing Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-23. Nakuha noong 2019-06-27.{{cite news}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
  21. "PGMA lauds private sector for joining TPLEX project". balita.ph (sa Ingles). Philippine News Agency. 2010-03-01. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-12-09. Nakuha noong 2011-05-30.
  22. "DPWH speeds up TPLEX construction". Manila Bulletin (sa Ingles). Intramuros, Manila, Philippines: Manila Bulletin Publishing Corporation. 2011-09-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-10. Nakuha noong 2013-10-30.{{cite news}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
  23. Cervantes, Ding (Enero 4, 2013). "TARLAC-LA UNION EXPRESSWAY PROJECT -- Farmer groups: DPWH paying 'fake' claimants". Punto! Central Luzon (sa Ingles). City of San Fernando, Pampanga, Philippines: LLL Trimedia Coordinators. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hulyo 12, 2015. Nakuha noong Oktubre 30, 2013. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  24. Sotelo, Yolanda (2013-01-06). "TPLEX opens in June, cuts travel time by one hour". Northern Watch (sa Ingles). Dagupan City, Pangasinan. Nakuha noong 2013-09-30.
  25. http://newsinfo.inquirer.net/668390/tplex-rerouting-squabble-sizzles
  26. Palangchao, Harley (2011-05-01). "Solons bat for original TPLEX plan to boost tourism, economy". Baguio Midland Courier (sa Ingles). Baguio, Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-06-12. Nakuha noong 2019-06-27.
  27. http://newsinfo.inquirer.net/16628/a-hump-at-expressway%E2%80%99s-endpoint
  28. See, Dexter A. (March 6, 2015). "Tplex exit re-do costly — Cosalan". Manila Standard (sa Ingles). Nakuha noong May 29, 2017.
  29. "RDC ExCom nixes bid to realign TPLEX". National Economic and Development Authority Cordillera Administrative Region (sa Ingles). Baguio, Philippines. 2015-01-27. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-07-22. Nakuha noong 2019-06-27.
  30. "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 7, 2017. Nakuha noong Hunyo 5, 2017. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link)
  31. Role, Jennilyne C. (2010-01-27). "PGMA leads TPLEX groundbreaking". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-11-07. Nakuha noong 2011-05-30.
  32. "Arroyo to lead expressway groundbreaking". Sun Star Pangasinan (sa Ingles). Ortigas Center, Pasig City, Philippines: Sun Star Publishing Inc. February 28, 2010. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-06-12. Nakuha noong 2011-05-30.
  33. Hermoso, Tito (April 24, 2013). "What happens next?". AutoIndustriya.com. AutoIndustriya. Nakuha noong May 3, 2013.
  34. Agcaoili, Lawrence (April 14, 2014). "SMC to open new segment of TPLEx". philstar.com. The Philippine Star. Nakuha noong May 29, 2017.
  35. Dumlao, Artemio (Hulyo 13, 2015). "TPLEX exit in La Union to go on as planned". philstar.com. The Philippine Star. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 7, 2017. Nakuha noong Mayo 29, 2017. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  36. http://www.dpwh.gov.ph/PPP/projs/tplex.htm Naka-arkibo March 9, 2016, sa Wayback Machine. accessed September 1, 2016.
  37. http://newsinfo.inquirer.net/816473/new-tplex-exit-shortens-travel-to-pilgrim-site
  38. "SMC, DPWH open final segment of TPLEx". GMA News (sa Ingles). July 15, 2020. Nakuha noong July 15, 2020.
  39. "Route Numbering System 2016: Region III" (Mapa). 2016 DPWH Atlas. 1:975000. Department of Public Works and Highways. 2016. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 11 Nobiyembre 2017. Nakuha noong 25 Mayo 2017. {{cite map}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  40. https://newsinfo.inquirer.net/950418/tplex-exit-opens-but-gridlock-still-seen-as-problem-in-n-luzon
  41. "TPLEX Extension | Department of Public Works and Highways". www.dpwh.gov.ph (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Abril 2017. Nakuha noong 4 Mayo 2017.
  42. "TPLEX Extension | Department of Public Works and Highways". www.dpwh.gov.ph (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-06-24. Nakuha noong 2018-06-24.
  43. Camus, Miguel R. "SMC offers to extend TPLEx" (sa Ingles). Nakuha noong 2018-06-24.
  44. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-07-01. Nakuha noong 2014-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  45. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-02-27. Nakuha noong 2017-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  46. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang tplext); $2

Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]