Metro Manila Skyway

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Asian Highway 26 PH sign.svg
E2 (Philippines).svg
Skyway new logo.png

Metro Manila Skyway
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon, kalakip ang Skyway na nakakahel
Sa pahilagang linya ng Skyway.
Impormasyon sa ruta
Haba31.2 km (19.4 mi)
kasama ang kasalukuyang itinatayo na Ikatlong Yugto
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N190 (Abenida Gil Puyat) at Kalye Malugay, Makati
Dulo sa timog AH26 / E2 (South Luzon Expressway) at Daang Bunye, Alabang, Muntinlupa
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Metro Manila Skyway, na mas-kilala sa madla bilang Skyway, ay isang fully grade separated na nakaangat na mabilisang daanan na nagsisilbi bilang pangunahing mabilisang daanan sa katimugang Kalakhang Maynila, at sumusunod sa pagkakalinya ng umiiral na South Luzon Expressway (SLEX) sa ibabaw nito. Humahaba ito mula Gil Puyat Avenue sa hilaga hanggang Alabang–Zapote Road sa timog at tumatawid ito sa mga lubhang urbanisadong pook ng Makati, Pasay, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa, at pinapagaan nito ang SLEX at ibang mga pangunahing lansangan mula sa mabigat na trapiko.

Ang Skyway ay ang unang fully grade-separated highway (o lansangang nakahiwalay nang husto sa lupa) sa Pilipinas. Isa ito sa mga pinakamahabang flyover sa mundo na may kabuuang haba na 31.2 kilometro (19.4 milya). Nagbibigay ito ng daan papasok sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa pamamagitan ng NAIA Expressway. Kalakip ng pagkokompleto ng Ikatlong Yugto ng Karugtong ng Skyway (Skyway Extension Stage 3) na nakatakda sa Enero 2019, mag-uugnay ang nakaangat na mabilisang daanan sa North Luzon Expressway sa Lungsod Quezon, at maitutulong mabawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Maynila at Paliparang Pandaigdig ng Clark sa Pampanga.[1]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalakip ng pagbubukas ng sistemang Skyway, ang mga motorista ay pinadala sa isang sistemang may-bayad na daan habang ang trapiko sa South Luzon Expressway ay gumanda nang husto dahil sa dagdag na kapasidad ng daan, mga naayos na daan, at mga bago at pinagandang pasilidad.

Noong Nobyembre 27, 1995, ang PT CITRA, isang mamumuhunan, ay pumasok sa isang kasunduang Supplemental Toll Operation Agreement (STOA) kasama ang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Toll Regulatory Board (TRB) bilang tagapahintulot, at ang Philippine National Construction Corporation (PNCC) bilang tagapagpatakbo. Ang STOA ay bunga ng mga usapan sa bawa't mga partido na opisyal na nagsimula noong Oktubre 31, 1994 sa pagbuo ng Technical Working Group na binubuo ng mga kinatawan mula sa Lupon ng mga Pamumuhunan (BOI), Kagawaran ng Pananalapi (DOF), AIA Capital bilang tagapayo ng pananalapi, Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), TRB, PNCC, at PT CITRA Group.

Sa ilalim ng STOA, iniutos ang CMMTC na magpinansya, magdisenyo at magtayo ng Unang Baitang ng Proyektong South Metro Manila Tollway na binubuo ng isang nakaangat na mabilisang daanan mula Bicutan hanggang Gil Puyat at pagsasama rito ang pagpapaganda at pagpapanatili ng bahaging nasa lupa ng proyektong South Metro Manila Tollway, na binubuo naman ng isang nakaangat na mabilisang daanan mula Nichols hanggang Alabang, ay itinuturing isang pinagsamang sistema ng Unang Baitang ng South Metro Manila Tollway. Karampatang inapruba ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang STOA noong Abril 7, 1996.

Noong Enero 1997, tinapos ng TRB at CMMTC kasama ang kontratista ng proyekto na Hutama RSEA JO. Inc. nagsasariling tagasangguni sa TRB Pertconsult International Philippines, mga tagasangguni inheniyeriyang Renardet S.A., Inter-Structure System, Inc., Design Science Incorporated, DMJM International USA, at mga tagasangguni sa disenyo Pacific Consultants International, in association with J.F. Cancio & Associates, ang isang pagsusuri para sa mga gawaing pagpapanatili na kinakailangan sa bahaging nasa lupa ng SLEX mula Nichols hanggang Alabang. Ang CMMTC ay naggastos ng $32,746,652.19 sa Phase 1 ng Proyektong Skyway.

Nagsimula ang pagtatayo noong Agosto 24, 1995. Unang nakompleto ang mga labasan ng Abenida Gil Puyat (Buendia), Makati, Magallanes Village, Skyway Toll Plazas A at B at Bicutan noong Disyembre 26, 1997. Sinimulan ang pagtatayo ng Labasan ng Don Bosco noong Nobyembre 17, 2001, at natapos noong Enero 3, 2002. Itinayo ang Labasan ng NAIA Terminal 3 sa pagitan ng Setyembre 5, 2004 at 2010.

Noong Pebrero 2007, inaprubahan at nilagdaan ni Punong Ministro Wen Jiabao ng Tsina kasama na ang PNCC at pamahalaan ng bansa ang pinahabang STOA.

Sa kasalukuyan, ang Sistemang Skyway ay pinamamahala ng Skyway Operations and Maintenance Corporation (o SOMCo.) na pumalit sa PNCC Skyway Corporation sa pamamahala ng mabilisang daanan at mga kaugnay na gawain.

Noong Abril 2, 2009, ipinahayag ng Citra Metro Manila Tollways Corp. na sisimulan nito ang patatayo ng ikalawang yugto ng Skyway pagsapit ng huling bahagi ng linggo.[2] Pagsapit ng Hunyo, itinatayo na ang mga bagong haligi nito.

Noong Mayo 4, 2010, 50% tapos ang Ikalawang Yugto ng Skyway at inikot ng Citra Metro Manila Tollways Corp. ang pinakamataas na pierhead sa pook ng Sucat. Noong Hulyo 25, 65% tapos ang Ikalawang Yugto ng Skyway at tinapos ng DMCI ang paglalagay ng kongkreto sa 134 sa kinakailangang 238 mga agwat, at sinimulan ang paglalatag ng aspalto. Noong Disyembre 15, binuksan na sa publiko ang bahaging Bicutan-Sucat ng Ikalawang Yugto. Noong Disyembre 22, ibinalik ng Skyway ang mga bayarin nito sa mga antas noong 2007. Sa mga oras na ito, libre ang paggamit ng mga motorista sa bahaging ito.

Noong Abril 6, 2011, binuksan sa publiko ang rampang labasan ng Hillsborough, tarangkahang pambayad ng Alabang, at Labasan ng South Station. Walang bayad ito hanggang Abril 25. At tinigil ng tarangkahang pambayad sa Nichols ang pangongolekta ng mga transaksiyon, habang magkokolekta ng mga bayarin ang mga tarangkahang pambayad sa Bicutan, Sucat at Alabang. Isinara ang pansamantalang rampa sa Bicutan mula o papuntang SLEX at pinalitan ng bagong rampa sa harap ng Hillsborough, na nagpapahintulot sa trapiko na pumasok at lumabas ng Skyway mula sa mga daang panserbisyo.

Magdudugtong ng Ikalawang Yugto ang umiiral na 9.5 kilometrong nakaangat na bahaging Gil Puyat (Buendia)-Bicutan nang 7 kilometro (4.3 milya), mula Bicutan hanggang Alabang. Ang pook ng pagtatayo sa gitnang bahagi (median section) ng daang may-bayad sa Bicutan ay unang idudugtong sa Sucat at haharangin ng mga kongkretong harangan.

Ang Ikatlong Yugto (Stage 3) ay isang ipinapanukalang 14 na kilometrong karugtong ng Skyway na magdudugtong mula Gil Puyat (Buendia) hanggang Balintawak Cloverleaf, at magdudugtong ng North Luzon Expressway hanggang South Luzon Expressway sa pamamagitan ng Lansangang Osmeña, Abenida Quirino, Daang Paco–Santa Mesa, Lumang Daang Santa Mesa, Kalye Nicanor Domingo, Abenida Gregorio Araneta, Abenida Sarhento Rivera, at Abenida Bonifacio.

Noong Pebrero 17, 2014, ipinahayag ng Citra Metro Manila Tollways Corp. na magsisimula ang pagtatayo ng Ikatlong Yugto sa Lunes sa Lansangang Osmeña, at tinodohan ang pagtatayo noong Abril 2014.

Isinagawa ang mga bagong bayarin ng Skyway noong Abril 26, 2011. Mula 2011, ginamit ang Metro Manila Skyway bilang pangunahing running course ng Condura Skyway Marathon.[3]

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Skyway sa Amorsolo on-ramp patimog papuntang Magallanes.
Ang Skyway patimog sa Bicutan, Parañaque

Nagsisimula ang Skyway sa Barangay San Isidro, Makati, sa may timog ng Gil Puyat Avenue. A-angat ito sa ibabaw ng Palitan ng Magallanes at babalik sa orihinal na lebel nito pagkatapos ng pagtawid sa EDSA. Ang unang nakaangat na bahagi ay nagtatapos sa Palitan ng NAIA Expressway, kung saan bababa ito sa lebel ng lupa at kalinya ng SLEX at PNR Metro South Commuter Line sa hangganan ng Pasay-Taguig. Babalik sa pagiging nakaangat ang Skyway malapit sa Labasan ng C-5 at Arca South. Kalaunan liliko ito nang bahagya sa Bicutan, malapit sa dating dulo nito, at tutuloy ito sa pagtahak sa ibabaw ng SLEX. Sa Labasan ng Sucat, a-angat ang Skyway sa ibabaw ng silangang dulo ng Dr. A. Santos Avenue at bababa bago matumbok ang tarangkahang pambayad sa Cupang, Muntinlupa. Isang labasan ay magpapabalik sa South Luzon Expressway at isang rampang pasukan ay nagdadala ng trapiko bais-bersa. Paglampas ng tarangkahang pambayad at labasan pa-SLEX, kikipot sa isang linya kada direksyon ang Skyway, at liliko ito pakanluran bago sumama sa Alabang–Zapote Road malapit sa South Station sa Alabang.

Tagapamahala at mga gamit ng Skyway[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang inayos at nasa lupang bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) mula Nichols hanggang Alabang at ang nakaangat na mabilisang daanan mula Buendia hanggang Bicutan ay tinatawag na ngayong Metro Manila Skyway System. Pinamamahala ito ng Skyway Operations and Maintenance Corporation (SOMCo), isang kompanya ng umiiral na PNCC – mayhawak, Citra Metro Manila Tollways Corporation. Kinuha ng SOMCo ang pamamahala at pagpapanatili ng Skyway mula sa dating tagapamahala, PNCC Skyway Corporation, epektibo noong Enero 2008 at itinatag sang-ayon sa probisyong hinihingi sa Amended Supplemental Toll Operators Agreement (A-STOA) sa pagitan ng PNCC, Citra Metro Manila Tollways Corp. at Toll Regulatory Board (TRB) noong Hulyo 2007.

Simula noong 2008, ang SOMCo ay nasa atas ng tatlong pangunahing gawaing pampamamahala: ang kaligtasan at katiwasayan sa trapiko, ang pagpapanatili ng mga pasilidad, at ang pangongolekta ng mga bayarin.

Mga proyekto at pagpapanatili ng Metro Manila Skyway[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga yugto ng proyekto ng South Metro Manila Skyway[baguhin | baguhin ang batayan]

Binubuo ng South Metro Manila Skyway ang tatlong stages, na bumubuo sa proyektong Metro Manila Skyway.

Unang Yugto[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakapaloob sa Unang Yugto ang pagaayos ng bahaging nasa lupa na Magallanes-Alabang at ang pagtatayo ng isang pang-animan, sampung kilometrong nakaangat na mabilisang daanan mula Gil Puyat (Buendia) hanggang Bicutan. Nagsimula ang Unang Yugto noong Abril 7, 1995 at natapos at binuksan ito noong Oktubre 1999.

Ikalawang Yugto[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakapaloob sa Ikalawang Yugto ang pagtatayo ng isang pitong-kilometrong nakaangat na mabilisang daanan mula Bicutan hanggang South Station ng Alabang, na nagsimula noong ikalawang bahagi ng 2009 at natapos noong Abril 2011. Ang bahaging Bicutan-Sucat ay binuksan noong Disyembre 15, 2010, habang ang bagong Tarangkahang Pambayad ng Alabang at mga rampang palabas ng Hillsborough at Alabang South Station ay binuksan noong Abril 6, 2011.

Ikatlong Yugto[baguhin | baguhin ang batayan]

Bahaging Buendia ng Ikatlong Yugto ng Skyway sa South Superhighway, Pebrero 2018.

Dahil sa bumibigat na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila, ipinanukala ng pamahalaan na magtayo ng Ikatlong Yugto ng Skyway (Skyway Stage 3) na dadaan sa ilang mga lungsod sa daklunsod, na may haba na 14.8 kilometro. Uugnayin nito ang mga mabilisang daanan ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway. Sinimulan ang pagtatayo noong Pebrero 17, 2014, at inaasahang matatapos ito pagsapit ng Abril 2018.[4][5] Ngunit dahil sa mga usaping right of way maaaring matapos ang proyekto sa Enero 2019.[6] Isa pang pagka-antala ng proyekto dahil sa parehong usapin ay nagpatulak sa pagtatapos ng proyekto sa taong 2020.[7]

Ayon kay Kalihim Mark Villar ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) at Kalihim Arthur Tugade ng Kagawaran ng Transportasyon, bubuksan sa mga motorista ang bahaging Buendia-Quirino ng Ikatlong Yugto sa Hunyo 2018.

Mga teknikal na detalye[baguhin | baguhin ang batayan]

Bahagi ng Skyway malapit sa Tarangkahang Pambayad ng Sucat sa Sucat, Parañaque.
  • Pangalan: Metro Manila Skyway
  • Mayhawak: Citra Metro Manila Tollways Corporation
  • Tagapamahala: Skyway Operations and Maintenance Corporation (SOMCo.)
  • Haba: 17 kilometro (11 milya)
  • Pagsisimula ng paghawak: Agosto 24, 1995 (magsisimula ito pagkatapos ng pagsasaayos, pagbabago, at pagpapahaba ng bahaging Alabang-Santo Tomas)
  • Pagtatapos ng paghawak: 2010
  • Mga labasan: 10
  • Mga rampang labasan: 3
  • Mga tarangkahang pambayad: 2
  • Taas: 11 metro o 36 talampakan (San Martin De Porres-Bicutan, Don Bosco-Gil Puyat, Makati CBD Exit at Hillsborough-Alabang), 43 metro o 141 talampakan (Bicutan-Toll A, at Sales-Don Bosco), karaniwan (Toll A-B), 19 metro o 62 talampakan (Bicutan Exit, Sucat)

Sa hinaharap[baguhin | baguhin ang batayan]

Idudugtong ng Ikatlong Yugto ng Skyway ang nakaangat na mabilisang daanan pahilaga at uugnayin ang nawawalang bahagi mula Gil Puyat (Buendia) hanggang Abenida Mindanao at Balintawak. Mag-uugnay ito sa North Luzon Expressway. Kasalukuyang itinatayo ang stage na ito. Sa ngayon, tinanggap ng pamahalaan ang mga dalawang magkaibang panukala, isa mula sa Metro Pacific Tollways Development Corp. (o MPTDC, na sangay ng Metro Pacific Tollways Corp. o MPTC na nagpapatakbo ng NLEX at SCTEX) na magtatayo ng 13.24-kilometrong daan na karamihan sa right-of-way nito ay sa pamamagitan ng Daang Radyal Blg. 2 at Kalye Juan Luna at nag-uugnay ng Skyway mula NLEX sa pamamagitan ng Abenida Mindanao. Tinagurian itong "NLEX-SLEX Connector Road". Ang pangalawa ay mula sa Citra Metro Manila Tollways Corporation (CMMTC) na nagpapatakbo ng Skyway at STAR Tollway, na magpapatayo ng kanilang bersiyon ng Skyway Buendia papuntang NLEx Balintawak na dadaan sa ilang pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila, tulad ng Abenida Quirino, Abenida Gregorio Araneta, Abenida Sarhento Rivera at Abenida Bonifacio. Ito ang Ikatlong Yugto ng Skyway.

Panukalang CMMTC/Ikatlong Yugto ng Skyway[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang itinatayong Ikatlong Yugto na bahagi ng Skyway sa Abenida Gregorio Araneta, Abril 2018

Tinaguriang "'Ikatlong Yugto ng Skyway'" (Skyway Stage 3), nakatanggap ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ng isang kusang panukala mula sa Citra Metro Manila Tollways Corp. (CMMTC) para sa pagtatayo ng karugtong ng Skyway na tatakbo mula Bicutan, Taguig hanggang Balintawak, Lungsod Quezon, ayon sa panukala.

Ipinapanukala ng DPWH na isasama ang proyekto sa pangunahing tema at mga planong PPP (o Pagtutulungan ng Pampubliko at Pribadong Sektor) nito upang i-subject ang panukala sa isang Swiss Challenge, ayon kay Mababang-Kalihim ng Pagawaing Bayan Romeo S. Momo sa isang panayam sa telepono noong Biyernes. Kinakailangan ng Swiss challenge ang ahensiya ng pamahalaan na nakatanggap ng isang kusang halaga (unsolicited bid) para sa isang proyekto na ilathala ang halaga at mag-anyaya ng mga ikatlong partido para i-tumbas o i-higitan ang halagang ito.

Panukalang MPTDC/NLEx-SLEX Connector Road[baguhin | baguhin ang batayan]

Samantala, isang taon bago inanunsiyo nang publiko ang panukala ng CMMTC, isinumite ng NLEX concessionaire subsidiary Metro Pacific Tollway Development Corporation (MPTDC) sa pamamagitan ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) ang kanilang panukala na tinaguriang "NLEx-SLEx Connector Road" (o "Segment 11") ng proyektong NLEx Phase 2 project. Nakasaad dito na itatayo ang isang 13.24 kilometrong nakaangat na mabilisang daanan mula Buendia (Unang Yugto ng Skyway) hanggang Daang C-3 na mag-uugnay sa NLEx sa pamamagitan ng Segment 10 ng proyektong NLEx Phase 2. Dadaan ang malaking bahagi ng nakaangat na daanan sa ibabaw ng mga riles ng Philippine National Railways Right-Of-Way.[8].

Ayon kay Kalihim Rogelio Singson ng DPWH, kapwang matutuloy ang mga panukala; maaaring umiral ang mga nasabing panukala sapagkat ang mga proyektong ito ay maglilingkod sa dalawang mag-kabilang koridor ng Kamaynilaan.[8]

Ika-apat na Yugto ng Skyway[baguhin | baguhin ang batayan]

Metro Manila Expressway Phase 1/Skyway Stage 4/C6 (Southeast Metro Manila Expressway)

Blg. ng kilometro Labasan Kinaroroonan Uri ng palitan Mga nota/komento
TBA Skyway Stage 4 Main Toll Plaza A Makati Ito ay magiging unang tarangkahang pambayad na may sampung mga linya ng Ika-apat na Yugto ng mabilisang daanan. Matatagpuan sa pahilagang linya.
TBA Skyway Stage 4 Main Toll Plaza B Makati Ito ay magiging pangalawang tarangkahang pambayad na may sampung mga linya ng Ika-apat na Yugto ng mabilisang daanan. Matatagpuan sa pahilagang linya.
TBA Circumferential Road 5 Interchange Makati Directional T Ito ay magiging palitan nito sa Daang C-5.
TBA Circumferential Road 6 Interchange Taguig Directional T Ito ay magiging palitan sa Daang C-6 sa Taguig.
TBA Ortigas Avenue Extension Interchange Pasig Trumpeta Ito ay magiging palitan sa Karugtong ng Abenida Ortigas sa Pasig.
TBA Marcos Highway Interchange Marikina Kalahating Trebol Ito ay magiging palitan sa Lansangang Marikina–Infanta (Lansangang Marcos) sa Marikina.
TBA Skyway Stage 4 Tumana Bridge Toll Plaza Marikina Ito ay magiging huling tarangkahang pambayad na may walong mga linyang labasan at walong mga linyang pasukan ng mabilisang daanan.
TBA J.P. Rizal Highway Exit Ramp Marikina Ito ay magiging rampang pasukan/labasan sa Lansangang J.P. Rizal.
TBA Batasang Pambansa Interchange Lungsod Quezon Ito ay magiging rampang pasukan/labasan sa paligid ng Hugnayan ng Batasang Pambansa. Matatagpuan sa Daang Batasan, Lungsod Quezon.

Mga bayarin[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang tarangkahang pambayad ng Skyway malapit sa Sucat, Muntinlupa.

Gumagamit ang Skyway ng pinagsamang sistemang bayarin ng bukas na daan (open road), saradong daan (closed road), at tarangkahan (barrier). Isinasagawa ang pahilagang pagkokolekta ng bayarin sa mga tarangkahang pambayad sa Muntinlupa, kung saan ang mga sasakyang mula South Luzon Expressway (SLEX) ay pinambabayad ng bayarin batay sa kanilang punto ng pagpasok sa SLEX, at walang pagkokolekta ng bayarin sa mga labasan. Isinasagawa ang patimog na pagkokolekta ng bayarin sa mga tarangkahang pambayad pagkalabas, subalit para sa mga lalabas sa SLEX, ang pagkokolekta ng bayarin ay sa halip isinasagawa sa mga labasan nito. Walang inilalabas na mga tiket sa mga punto ng pagpasok sa Skyway.

Gumagamit din ng Skyway ang sistemang de-kuryente sa pangongolekta ng mga bayarin (electronic toll collection o ETC) gamit ang Autosweep RFID. Dating ginamit ng sistemang ETC ang E-Pass, na gumamit ng teknolohiyang transponder. Ginagamit din ang sistemang ETC ng Skyway sa South Luzon Expressway. Kadalasang nasa pinakakaliwang linya ng isang tarangkahan ang mga linya ng pangongolekta ng ETC, subalit maaaring mangyari sa mga magkahalong linya (mixed lanes), kung saan maaaring maisagawa ang pagbabayad ng salapi gayundin ang ETC.

Magmula noong April 2011, ang mga halaga ng bayarin, mula tarangkahang pambayad ng Ayala Greenfield (ang unang tarangkahang pambayad sa South Luzon Expressway pahilaga), ay ang sumusunod:

Uri Halaga
papunta at mula Alabang/SLEX papunta at mula Sucat/Dr. A. Santos Ave. papunta at mula Bicutan/Doña Soledad
Class 1
(Mga kotse, motorsiklo, at SUV)
164.00 ₱118.00 ₱72.00
Class 2
(Mga bus, magaan na trak)
₱329.00 ₱237.00 ₱145.00
Class 3
(Mga mabigat na trak)
₱493.00 ₱356.00 ₱218.00

Mga labasan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Ang mga labasan ay nakanumero sa kilometer post, at itinakda ang Liwasang Rizal sa Maynila bilang Kilometro Sero. Nagsisimula ito sa KM 6. Tulad ng SLEX subalit hindi katulad ng NLEX nagsisimula ang mga labasan mula hilaga-patimog.

Mga kasalukuyang labasan[baguhin | baguhin ang batayan]

LalawiganLungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
Makati63.7Buendia ExitBuendiaPahilagang labasan at patimog na pasukan. Hilagang dulo ng mabilisang daanan.
74.3Amorsolo ExitAmorsoloPahilagang labasan at patimog na pasukan.
74.3Don BoscoDon Bosco StreetPahilagang labasan at patimog na pasukan. Papasok sa Don Bosco Technical Institute.
95.6Magallanes ExitMagallanesPahilagang labasan at patimog na pasukan. Hilagang dulo ng pagkakatugma sa AH26.
Taguig95.6NAIA Exit E6 (NAIAx) – Mga Terminal 1, 2 at 3 ng NAIAPalitang hugis-T
116.8Tarangkahang pambayad ng Nichols A (Tinanggal)
116.8Tarangkahang pambayad ng Nichols B (1997-2011 Tinanggal. 2017-kasalukuyan Ginagawa)
Parañaque148.7Doña Soledad ExitBicutan, Doña SoledadPatimog na labasan at pahilagang pasukan.
169.9San Martin de Porres (tinanggal)SLEXPansamantalang patimog na labasan at pahilagang pasukan bago nagawa ang Stage 2.
Muntinlupa1912Dr. A. Santos ExitSucat, Dr. A. SantosPatimog na labasan at pahilagang pasukan.
2012Tarangkahang pambayad ng Alabang (Autosweep RFID at kabayarang salapi para sa pahilaga lamang, lusutan sa patimog lamang)
2012 E2 / AH26 (SLEX) – CalambaPatimog na labasan at pahilagang pasukan. Katimugang dulo ng pagkakatugma sa AH26
2113Tarangkahang pambayad bago magkarating sa Alabang Exit (Autosweep RFID at kabayarang salapi)
2214Alabang ExitFilinvest City, AlabangPatimog na labasan at pahilagang pasukan. Katimugang dulo ng mabilisang daanan.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Pagkakasabay ng ruta
  •       Hindi kumpletong access
  •       May toll
  •       Pagbabago sa ruta

Ikatlong Yugto[baguhin | baguhin ang batayan]

Tanawin ng Ikatlong Yugto ng Skyway sa bahaging Abenida Gregorio Araneta mula sa himpapawid, Mayo 2018


LalawiganLungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
Quezon CityBalintawakHilagang dulo. Tutuloy pahilaga bilang North Luzon Expressway (NLEX).
Sergeant Rivera
Tarangkahang Pambayad ng Del Monte
Quezon Avenue
E. Rodriguez Sr.
Aurora Boulevard
ManilaNLEX-SLEX Connector
Nagtahan
Plaza Dilao
Quirino Avenue
MakatiTarangkahang Pambayad ng Buendia
Buendia
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Hilario, E. (22 Agosto 2016). "This road project will help solve Metro traffic". Business Mirror. Hinango noong 14 Enero 2017.
  2. Skyway Stage 2 Start Construction
  3. "Condura Run: Through The Years". Condura. Hinango noong 11 Enero 2016.
  4. "NAIA Expressway, Skyway 3, Line 2 to be delayed; traffic to worsen–MMDA". 14 Setyembre 2015. Hinango noong 2 Nobyembre 2015.
  5. "METRO MANILA SKYWAY STAGE 3 (MMSS-3) As of March 25, 2015". 25 Marso 2015. Hinango noong 29 Abril 2015.
  6. "NAIA Expressway finally opening on September 22" (sa English). ABS-CBN. Hinango noong 07 Setyembre 2016. Check date values in: |accessdate= (tulong)
  7. "New Metro expressway eyed". Philippine Daily Inquirer. 07 Agosto 2017. Check date values in: |date= (tulong)
  8. 8.0 8.1 Skyway Stage 3/ "NLEx-SLEx Connector Road Projects being finalized" Check |url= value (tulong). The Philippine Star.

Mga ugnay panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga koordinato: 14°30′23″N 121°2′7″E / 14.50639°N 121.03528°E / 14.50639; 121.03528