Pumunta sa nilalaman

Abenida Doña Soledad

Mga koordinado: 14°29′7″N 121°2′30″E / 14.48528°N 121.04167°E / 14.48528; 121.04167
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Doña Soledad Avenue)
Pasilangang Abenida Doña Soledad, sa silangan ng panulukan nito sa Kalye France

Ang Abenida Donya Soledad (Ingles: Doña Soledad Avenue) ay isang daan na dumadaan mula silangan pakanluran na matatagpuan sa Parañaque, katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Matatagpuan ito sa Don Bosco, Sun Valley, at Moonwalk, na mga barangay sa hilagang-kanlurang bahagi ng lungsod. Dumadaan ito mula sa sangandaan nito sa Abenida E. Rodriguez sa silangang gilid ng Moonwalk hanggang sa dulo nito sa Palitan ng Doña Soledad sa South Luzon Expressway (SLEX) at Metro Manila Skyway. Tutuloy ito sa Barangay Lower Bicutan, Taguig, sa silangan ng SLEX bilang Abenida Heneral Santos. Ang haba nito ay 3.7 kilometro (2.3 milya). Pinangalanan ito mula kay Doña Soledad Lirio Dolor, isang dating kinatawan mula sa lalawigan ng Batangas, may-ari ng lupain, at tagapagusbong ng pag-aaring real (real estate) na nagsikap sa ilang proyektong subdibisyon, kabilang na riyan ang Better Living sa Parañaque kung saan dumadaan ang abenida.[1][2] Minsan itong tinatawag ng mga hindi taga-Parañaque bilang Daang Bicutan (Bicutan Road) bilang daang papunta at mula sa Bicutan.

Pagbigat ng trapiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nilalayon ito noong na maging isang daang pampribado para sa mga residente ng Better Living Subdivision, subalit binuksan ito sa mga taga-labas dahil sa mabigat na daloy ng trapiko noong pinalawak ang Abenida Dr. Santos. Nagdulot ito ng kalunos-lunos na kalagayan sa daan at pagbigat ng daloy ng trapiko na nagsimula pa noong unang bahagi ng dekada-2000. Iniukol ang pagbigat ng trapiko sa mga hindi residente na dumadaan rito, at sa mga dumadaming bilang ng mga tumitira sa Better Living Subdivision at sa mga kalapit na ari-ariang gumagamit ng nasabing abenida. Pinuna rin ang pagbigat ng daloy ng mga sasakyang nakikidaan lang; karamihan sa mga sasakyang ito ay mga pribadong kotse at sasakyang nagpapahatid (delivery vehicles) na gumagamit nito bilang mas-maikling ruta papunta (at galing) sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino.

Noong 2015, umaabot sa mga dalawang oras ang pagdaan sa abenida tuwing rush hours (mula 6:00 hanggang 10:00 sa umaga at mula 6:00 hanggang 10:00 sa gabi) sa pamamagitan ng pagkokomyute.

Umaasa ang mga residente sa Better Living Subdivision na gawing pampribado muli ang Abenida Doña Soledad sa hinaharap, na may limitadong-pagdaan sa pamamagitan ng mga subdivision sticker, sa sistemang halos kahawig ng mga mabilisang daanan, upang maipuhunan ang malawakang pagsasaayos sa abenida.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "A camp named after a woman". Philippine Star. Nakuha noong 19 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "History of Better Living Subdivision". Facebook. Butch Serrano. Nakuha noong 19 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°29′7″N 121°2′30″E / 14.48528°N 121.04167°E / 14.48528; 121.04167