Pumunta sa nilalaman

Daang Radyal Blg. 6

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Daang Radyal Blg. 6
R-6
Mula itaas: Kalye Legarda; Bulebar Magsaysay; Sangandaan ng mga Bulebar Magsaysay at Aurora at C-3 (Abenida Gregorio Araneta); Bulebar Aurora; Lansangang Marikina–Infanta
Kanlurang dulo: Kalye Nepomuceno sa Maynila
Silangang dulo: Daang Famy–Real–Infanta sa Infanta, Quezon

Ang Daang Radyal Bilang Anim (Ingles: Radial Road 6; itinakda bilang R-6) ay ang ika-anim na daang radyal ng Kalakhang Maynila ng Pilipinas. Dumadaan ito sa mga lungsod/munisipalidad ng Maynila, Lungsod Quezon, San Juan, Marikina, Pasig, Antipolo, Cainta, Tanay, at Infanta.

Mga bahagi ng Daang Radyal Blg. 6

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalye Legarda (Legarda Street)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ay ang bahagi ng R-6 mula Kalye Nepomuceno hanggang Bulebar Magsaysay.

Bulebar Magsaysay (Magsaysay Boulevard)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ay isang kilalang daan sa Santa Mesa, Maynila, na may anim hanggang walong linya. Nagsisimula ito sa sangandaan ng Abenida Lacson at nagtatapos ito sa mga hangganan ng Lungsod Quezon. Dati itong bahagi ng "Manila Provincial Road" at tinawag noon na "Santa Mesa Boulevard".

Bulebar Aurora (Aurora Boulevard)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ay isang kilalang abenida na may apat hanggang anim na linya sa Lungsod Quezon at San Juan. Ito ang pangunahing bahagi ng Daang Radyal Blg. 6 ng Kamaynilaan na nagsisimula sa hangganan ng Maynila at Lungsod Quezon at nagtatapos sa sangandaan ng Abenida Katipunan ng C-5. Dati itong bahagi ng isang panlalawigang lansangan na kumokonekta ng Maynila sa Infanta ng Quezon (bilang Manila Provincial Road). Di-kinalaunan, ginawa itong pangunahing lansangan ng Kamaynilaan at binago ang ngalan bilang Bulebar Aurora, mula sa asawa ng dating pangulong Manuel L. Quezon.

Lansangang Marikina-Infanta (Marikina-Infanta Highway)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagiging Lansangang Marikina-Infanta (o Lansangang Marcos) ang R-6 paglampas ng Abenida Katipunan ng C-5. Ito ang huling bahagi ng R-6 na may apat hanggang walong linya. Nagsisimula ito sa sangandaan ng Abenida Katipunan at nagtatapos sa kabayanan ng Infanta, Quezon. Ang pangunahing sangandaan nito ay sa Masinag, Antipolo sa Rizal (kaya'y tinawag itong Tagpuang Masinag o Masinag Junction).