Quezon
- Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Quezón (paglilinaw).
Quezon | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Quezon | |||
![]() | |||
| |||
![]() Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Quezon | |||
![]() | |||
Mga koordinado: 13°56'N, 121°37'E | |||
Bansa | ![]() | ||
Rehiyon | Calabarzon | ||
Kabisera | Lucena | ||
Pagkakatatag | 1591 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Danilo Suarez | ||
• Manghalalal | 1,424,023 na botante (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 8,989.39 km2 (3,470.82 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 1,950,459 | ||
• Kapal | 220/km2 (560/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 483,703 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 13.49% (2018)[2] | ||
• Kita | ₱4,154,277,491.22 (2020) | ||
• Aset | ₱11,940,470,372.21 (2020) | ||
• Pananagutan | ₱3,798,346,358.95 (2020) | ||
• Paggasta | ₱2,799,383,990.82 (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 1 | ||
• Lungsod | 1 | ||
• Bayan | 39 | ||
• Barangay | 1,242 | ||
• Mga distrito | 4 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 4300–4342 | ||
PSGC | 045600000 | ||
Kodigong pantawag | 42 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-QUE | ||
Klima | tropikal na kagubatang klima | ||
Mga wika | Mga wikang Agta wikang Sambal Wikang Remontado Agta Wikang Kagayanen Southern Alta Katabaga Umiray Dumaget Wikang Gitnang Bikol Central Palawano wikang Tagalog | ||
Websayt | http://www.quezon.gov.ph/ |
Ang Quezon, dating Tayabas ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Calabarzon sa pulo ng Luzon. Ipinangalanan ang lalawigan kay Manuel L. Quezon ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas na nagmula sa bayan ng Baler na noo'y sakop pa ng lalawigan. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Lucena.
Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas.
Isa sa pangunahing atraksyon sa Quezon ay ang Bundok Banahaw. Sinasabing ang kabundukang ito ay napapalibutan ng espiritu at hiwaga. Maraming mga kulto at deboto ang pumupunta at nananatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ang kabundukang ito ay isa rin sa mga pinakasagradong lugar para sa mga sinaunang Tagalog bago dumating ang mga Espanyol.
Ekonomiya[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Quezon ang nangungunang tagagawa ng bansa ng mga produkto ng niyog tulad ng langis ng niyog at kopra. Maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. Iba pang mga pangunahing pananim ay palay, mais, saging, at kape. Isa ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang pangingisda.
Pamahalaan[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Gobernador: David (Jay Jay) Suarez
- Bise-Gobernador: Samuel Nantes
- Kinatawan:
- Unang Distrito: Wilfrido Mark M. Enverga
- Pangalawang Distrito: Vicente Alcala
- Pangatlong Distrito: Danilo E. Suarez
- Pang-apat na Distrito: Dra. Helen Tan
Heograpiya[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pampolitika[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa heograpiya, ang lalawigan ng Quezon ay may kabuuang 41 na bayan na binubuo ng 39 na munisipyo, 1 bahaging lungsod at 1 kabiserang lungsod. Ito ay may kabuuang 1,242 na barangay kasama ang mga barangay ng kabiserang lungsod.
Sa pangangasiwang pampolitika, binubuo ang Quezon ng 39 na mga bayan at isang bahaging lungsod, Tayabas. Lahat ay nakaayos sa apat na mga distritong pambatas, at nahahati sa 1,209 na mga barangay.
Ang kabiserang lungsod, Lucena, ay malaya mula sa pamamahalang pampangasiwaan at pampiskal ng lalawigan, ngunit maaari silang bumoto ng mga opisyal ng lalawigan.
|
Talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "Province: Quezon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
- ↑ https://psa.gov.ph/sites/default/files/Table%202.%20%20Updated%20Annual%20Per%20Capita%20Poverty%20Threshold%2C%20Poverty%20Incidence%20and%20Magnitude%20of%20Poor%20Population%20with%20Measures%20of%20Precision%2C%20by%20Region%20and%20Province_2015%20and%202018.xlsx; petsa ng paglalathala: 4 Hunyo 2020; tagapaglathala: Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas.
- ↑ 3.0 3.1 "Province: Quezon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 8 Enero 2016.
- ↑ Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
- ↑ Census of Population and Housing (2010). Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities (PDF). NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.