Pumunta sa nilalaman

Mga dambana at sagradong lugar ng mga katutubong Pilipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tahanan ang Bundok Pulag ng mga espiritung tinmongao, at ito ang sagradong pahingahan ng mga kaluluwa ng Ibaloi at iba pang mga etnikong tao sa lugar.[1]
Isang kuwebang libingan ng mga Kankanaey sa Sagada na may mga kabaong na nakasalansan upang makabuo ng libingang langit sa loob ng isang yungib.
Ang batong pader kung saan matatagpuan ang mga Petroglipo ng Angono. Kinokonsiderang dambana itong pook dahil sa pagkakaroon ng mga sinaunang pigura na iginuhit sa mga batong pader sa layuning mapagaling. Muling natuklasan ito noong 1965 lamang.
Sa mga Bikolano, sagradong bulkan ang Mayon. Ito ang tahanan ng kanilang kataas-taasang bathala na si Gugurang.

Ang mga dambana at sagradong lugar ng mga katutubong Pilipino ay mga pook na itinuturing na banal sa mga katutubong relihiyon ng Pilipinas. Karaniwan, ang mga lugar na ito ay nagsisilbing lugar para sa pakikipag-ugnayan sa mundong espiritu, lalo na sa mga bathala at espiritu ng mga ninuno. Sa ilang mga kaso, nagiging pananggalang ang mga ito ng mga kabaong ng ninuno, pati na rin ang mga estatwa o iba pang mga bagay na naglalarawan ng mga dibino.

Sa pangkalahatan, walang mga "templo" ng pagsamba ang mga sinaunang Pilipino at Pilipino na sumusunod pa rin sa mga katutubong relihiyon ng Pilipinas sa kontekstong kilala ng mga dayuhang kultura.[2][3][4] Subalit mayroon silang mga sagradong dambana, na tinatawag ding mga ulango o bahay-espiritu.[2] Iba-iba ang mga laki nito: may mga platapormang binubungan, may mga istraktura na tila maliit na bahay (ngunit walang pader), at may mga malapagoda na dambana, lalo na sa katimugan kung saan nakamodelo ang mga sinaunang moske sa ganoong paraan din.[5] Kilala sa iba't ibang katutubong termino ang mga dambanang ito, ayon sa nauugnay na pangkat etniko.[a] Pinag-iimbakan din ang mga ito ng mga taotao at mga kabaong ng ninuno. Sa mga Bikolano, itinago rin ang mga taotao sa mga sagradong yungib na tinatawag na moog.[2][6][7][8]

Sa ilang mga seremonya, sinasamba ang mga anito sa mga pansamantalang altar malapit sa mga sagradong lugar. Tinatawag itong latangan o lantayan sa Bisaya at dambana o lambana sa Tagalog.[b] Magkapareho ang konstruksiyon nitong mga dambanang kawayan o yantok sa halos buong Pilipinas. Ang mga ito ay mga maliit na plataporma na walang bubong o dili kaya'y mga nakatayong poste na nakahati sa dulo (tila isang sulong tiki). Naghawak sila ng mga hinating bao, platong metal, o tapayan bilang lalagyan para sa mga alay. Minsan, inilalagay rin ang mga taotao sa mga platapormang ito.[2][6]

Kabilang sa mga iba pang sagradong pook o sinasambang bagay ng mga diwata ang materyal na pagpapakita ng kanilang mga kaharian. Ang pinakapinagpipitagan ay ang mga punong balete (tinatawag ding nonok, nunuk, nonoc, atbp.) at mga punso ng langgam o anay. Kabilang sa mga iba pang halimbawa ang mga bundok, talon, punong kahoy, bahura, at yungib.[2][3][9][10][11]

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kanya-kanyang mga termino ang bawat pangkat etniko sa Pilipinas tungkol sa kanilang mga dambana at sagradong lugar.

Mga kapansin-pansing sagradong lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tahanan ang Bundok Kalatungan ng sagradong kagubatan ng Igmale’ng’en na pinahahalagahan ng mga tao sa lugar, lalo na ng mga Talaandig.[14]
Ang Engkantadong Ilog Hinatuan ay pinoprotektahan ng mga sobrenatural na nangengkanto sa mga piling isda ayon sa paniniwala ng mga Surigaonon.

Natural, hindi gawang-tao, ang karamihan ng mga natitirang sagradong pook, dahil winasak ng mga Kastila ang halos lahat ng mga dambanang itinayo ng mga tao noong 300-taong panahong Katoliko-kolonyal mula ika-16 na siglo hanggang ika-19 na siglo. Gayunpaman, muling natuklasan ang nalalabi sa mga gawang-taong dambana mula noong gitna ng ika-20 siglo, katulad ng mga Petroglipo ng Angono sa Rizal na nadiskubre muli noong 1965 at Puntod ng Kamhantik sa lalawigan ng Quezon na muling nadiskubre noong 2011. Iba-iba ang mga prominenteng likas na dambana o sagradong lugar, ngunit mga bundok at bulkan ang mga pinakakapuna-puna. Bukod pa rito, marami ring mga dambanang mitolohiko at mga sagradong lugar sa mga katutubong relihiyon ng Pilipinas.[15]

Kabilang sa mga tradisyonal na sagradong pook ang mga sumusunod:

  • Bundok Canatuan – isang sagradong bundok sa Siocon, Zamboanga del Norte para sa mga Subanen, na naniniwala na tahanan ang bundok ng iba't ibang iginagalang na espiritu ng kalikasan;[16] siniraan ng isang kompanya sa pagmimina ang banal na bundok, at ginawang minahan ng Canatuan ang malaking bahagi nito,[17] kahit na nagprotesta ang mga katutubo.[18][19]
  • Ilog Pulangi – isang sagradong ilog sa gitnang Mindano mula noong sinaunang panahon; iba't ibang mito ang nauugnay sa ilog tulad ng paglitaw ng Patakoda,[20] at ang mga rutang tinahak ng mga bayaning epiko ng mga Magindanawon, Indarapatra at Sulayman.[21]
  • Bulkang Mayon – tahanan ng supremong bathala ng mga Bikolano, Gugurang; imbakan ng sagradong apoy ng Ibalon; ito raw ay sumasabog, dumadagundong, o nagbubuga ng laba o abo sa tuwing gumagawa ang mga tao ng karumal-dumal na krimen, na nagsesenyas sa mga tao na magsisi at iwaksi ang masasamang bagay.[22]
  • Petroglipo ng Angono – pader ng apog na ginamit ng mga Tagalog para sa pagpapagaling sa pagguguhit ng mga pigura ng sanggol sa pader upang ipasa ang sakit ng bata sa larawan.[23][24]
  • Bundok Pinatubo – tahanan ng makapangyarihang diyos ng buwan ng mga Kapampangan, Apûng Malyari, na siyang namamahala rin sa walong sagradong ilog;[25] sa kabaligtaran, tahanan ang kalapit na Bundok Arayat ng makapangyarihang diyos ng araw, digmaan at kamatayan, Aring Sinukûan, na nagturo sa mga unang Kapampangan ng industriya ng metalurhiya, pagputol ng kahoy, kultura ng palay at paglulunsad ng mga digmaan.[26]
  • Bundok Pulag – ang pinakamataas na bundok sa Luzon at tahanan sa mga espiritung tinmongao; pinaniniwalaang sagradong pahingahan ng mga kaluluwa ng mga Ibaloi at iba pang mga etnikong tao.[27]
  • Bud Bongao – sagradong bundok para sa mga Sama-Bajao at Tausug; binabantayan ng mga espiritu at unggoy sa Tawi-tawi.[28]
  • Bundok Apo – ang pinakamataas at pinakamalaking bundok sa Pilipinas at sagradong bundok para sa mga Manobo, Bagobo, Obo, Ata, Kalagan at Tagakaulo; kadalasang tinutukoy ang bundok bilang "lolo" o "matanda";[29] nag-aalay ang ilang mga etnikong tao doon ng mga sakripisyo sa bathalang Mandarangan, para sa mabuting kalusugan at tagumpay sa digmaan;[30] sa mga paniniwala ng mga Bagobo, sinasabing dalawang dambuhalang igat ang dating naninirahan sa mga ilog ng bundok, nagtungo ang isa sa silangan, nabuhay, at naging ninuno ng mga igat sa dagat, habang nagtungo naman ang isa sa kanluran, malayo sa aplaya, at namatay ito sa kalunan at naging mga kanlurang paanan ng Bundok Apo; pinaniniwalaan din ng mga Bagobo na nakatira si Apo Sandawa, ang bathala ng mga panday, kasama ang deidad ng pandayan, Tolus Ka Gomanan, na iginagalang sa isang ritwal na tinatawag na Gomek-gomanan.[30]
  • Bundok Madia-as – tahanan ng diyos ng kamatayan ng mga Hiligaynon at Karay-a, Sidapa, na sumusukat sa mga mortal na buhay sa paggamit ng isang sinaunang puno;[31] ayon sa mga mas bagong kuwento, ang magandang diyos ng buwan na si Bulan, sa kalaunan ay nanirahan kasama ang matatag at guwapong Sidapa sa kanyang tahanan sa bundok pagkatapos ng isang komplikadong kuwento ng pagliligawan at pagliligtas, na humantong sa kanilang kasalang banal.[31]
  • Engkantadong Ilog Hinatuan – isang sagradong ilog na pinaniniwalaang protektado ng mga sobrenatural na nilalang; naniniwala ang mga Surigaonon na may ilang isda sa ilog ang hindi mahuhuli dahil sa engkantadong proteksiyon.[32][33]
  • Kanlaon – isang sagradong bulkan sa pulo ng Negros na may iba't ibang mito; ayon sa isang kuwento, naging tahanan ang paligid nito ng isang bayan na pinamunuan ni Laon; ito rin ang dating tahanan ng maladragon na halimaw na pinatay ng magkasintahan, Kan, isang kabataang bayani, at si Laon, isang hari o datu sa Negros; ayon sa mga sumunod na kuwento, nakatira na ngayon ang kataas-taasang diyosa ng mga Hiligaynon, Kanlaon, sa loob ng bulkan.[34]
  1. Kilala bilang magdantang sa Bisaya at ulango o simbahan sa Tagalog. Sa mga Itneg, ginagamit nila ang mga salitang tangpap, pangkew, o alalot (para sa mga iba't ibang maliit na altar na binubungan); at balaua o kalangan (para sa mga mas malalaking istraktura). Sa Mindanao, kilala ang dambana bilang maligai sa mga Subanen; tenin sa mga Tiruray (mapapasukan lang ng mga salamangkero); at buis sa mga Bagobo (para sa mga itinayo malapit sa kalsada o nayon) at parabunnian (para sa mga itinayo malapit sa palayan). (Kroeber, 1918) (Isinalin mula sa Ingles)
  2. Gayundin, saloko o palaan (Itneg); sakolong (Bontok); salagnat (Bikolano); sirayangsang (Tagbanwa); ranga (Tiruray); and tambara, tigyama, o balekat (Bagobo)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Picaña, Thom H. (Pebrero 10, 2018). "Benguet Folk to Appease Mount Pulag Spirits" [Mga Espiritu ng Bundok Pulag, paglulubagin ng mga Katutubong Benguet]. The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 Scott, William Henry (1994). Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture and Society [Barangay: Kultura at Lipunan ng Pilipinas Noong Ikalabing-anim na Siglo] (sa wikang Ingles). Quezon City: Ateneo de Manila University Press. ISBN 971-550-135-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Hislop, Stephen K. (1971). "Anitism: A Survey of Religious Beliefs Native to the Philippines" [Animismo: Isang Surbey ng Mga Relihiyosong Paniniwala na Katutubo sa Pilipinas] (PDF). Asian Studies (sa wikang Ingles). 9 (2): 144–156.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Blumentritt, Ferdinand (1894). "Alphabetisches Verzeichnis der bei den philippinischen Eingeborenen üblichen Eigennamen, welche auf Religion, Opfer und priesterliche Titel und Amtsverrichtungen sich beziehen. (Fortsetzung.)". Wiener Zeitschrift für die Kunde des Morgenlandes (sa wikang Aleman). 8: 147. JSTOR 23854965.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Madale, Nagasura T. (Oktubre 6, 2003). "In Focus: A Look at Philippine Mosques" [Nakatutok: Isang Pagtingin sa Mga Moskeng Pilipino]. National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 22, 2018. Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.00 6.01 6.02 6.03 6.04 6.05 6.06 6.07 6.08 6.09 6.10 6.11 6.12 6.13 6.14 Kroeber, A. L. (1918). The History of Philippine Civilization as Reflected in Religious Nomenclature [Ang Kasaysayan ng Kabihasnang Pilipino na Sinasalamin sa Relihiyosong Nomenklatura]. Anthropological Papers of the American Museum of Natural History, Vol. 19, Part 2 (sa wikang Ingles). New York: By Order of the Trustees. pp. 35–37. hdl:2246/286.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Cole, Fay-Cooper (1922). With a chapter on music by Albert Gale. "The Tinguian; Social, Religious, and Economic Life of a Philippine Tribe" [Ang Tinguian; Panlipunan, Relihiyoso, at Pang-ekonomiyang Buhay ng isang Tribong Pilipino]. Publications of the Field Museum of Natural History. Anthropological Series. Anthropological Series, Vol. 14, No. 2 (sa wikang Ingles). Chicago: Field Museum of Natural History. 14 (2): 235–493. JSTOR 29782148.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Zaide, Gregorio F. (2017). "Filipinos Before the Spanish Conquest Possessed a Well-Ordered and Well-Thought-Out Religion". Sa Storch, Tanya (pat.). Religions and Missionaries around the Pacific, 1500–1900 [Mga Relihiyon at Misyonero sa buong Pasipiko, 1500–1900]. The Pacific World, Vol. 17 (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-351-90478-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Potet, Jean-Paul G. (2017). Ancient Beliefs and Customs of the Tagalogs [Mga Sinaunang Paniniwala at Kaugalian ng mga Tagalog] (sa wikang Ingles). Morrisville, North Carolina: Lulu Press. p. 235.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Agoncillo, Teodoro A.; Alfonso, Oscar M. (1969). History of the Filipino People [Kasaysayan ng Sambayanang Pilipino] (sa wikang Ingles) (ika-Revised (na) edisyon). Quezon City: Malaya Books. p. 42.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Demetrio, Francisco R. (1973). "Philippine Shamanism and Southeast Asian Parallels" [Shamanismo ng Pilipinas at mga katumbas sa Timog-silangang Asya] (PDF). Asian Studies (sa wikang Ingles). 11 (2): 128–154.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Indigenous Religious Beliefs and Cosmology of the Filipino" [Mga Katutubong Paniniwala at Kosmolohiya ng Filipino]. seasite.niu.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 24, 2022. Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Quiling Arquiza, Mucha-Shim (2006). "Philippine Ethnic and Muslim Minorities: Educating Children the Traditional Way" [Etniko at Muslim na Minorya ng Pilipinas: Pagtuturo sa mga Bata ng Tradisyonal na Paraan]. Mountain Research and Development (sa wikang Ingles). 26 (1): 24–27. doi:10.1659/0276-4741(2006)026[0024:PEAMME]2.0.CO;2.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. De Vera, Dave; Guina, Datu Johnny (Hulyo 2008). The Igmale'ng'en Sacred Forests of Portulin—Part of the Ancestral Domain Conserved by the Talaandig Peoples of Mindanao, Philippines [Ang Mga Sagradong Kagubatan ng mga Igmale'ng'en sa Portulin—Bahagi ng Lupaing Ninuno na Inaalagaan ng Mga Talaandig ng Mindanao, Pilipinas] (PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). The Portulin Tribal Association.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Mangahas, Fe B.; Llaguno, Jenny R., mga pat. (2006). Centennial Crossings: Readings on Babaylan Feminism in the Philippines [Sentenaryong Tawiran: Mga Pagbasa sa Peminismong Babaylan sa Pilipinas] (sa wikang Ingles). Foreword by Leticia Ramos Shahani. Quezon City: C & E Publishing. pp. 27, 28, 30.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Elizaga, Elson T. (Abril 2, 2009). "How a Group of Archaeologists Sold a Sacred Mountain" [Kung Paano Ibinenta ng Isang Pangkat ng Arkeologo ang Isang Sagradong Bundok]. elson.elizaga.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Mt. Canatuan Gold Mine on Subanon Ancestral Lands, Western Mindanao, Philippines" [Minahan ng Ginto sa Bk. Canatuan sa Lupang Ninuno ng mga Subanon, Kanlurang Mindanao, Pilipinas]. Environmental Justice Atlas (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "An Urgent Appeal to Save Mt. Canatuan and the Subanen People" [Isang Apurahang Apela upang Iligtas ang Bk. Canatuan at ang mga Subanen]. Piplinks (sa wikang Ingles). Setyembre 11, 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 22, 2019. Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Urgent Appeal to Save Mount Canatuan and the Subanon People" [Apurahang Apela upang Iligtas ang Bundok Canatuan at ang mga Subanon]. MAC/20: Mines and Communities (sa wikang Ingles). Oktubre 26, 2004. Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Esteban, Rolando C.; Casanova, Arthur P.; Esteban, Ivie C. (2011). Folktales of Southern Philippines [Mga Kwentong Bayan ng Timog Pilipinas] (sa wikang Ingles). Mandaluyong City: Anvil Publishing. pp. 46–47.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Esteban, Rolando C.; Casanova, Arthur P.; Esteban, Ivie C. (2011). Folktales of Southern Philippines [Mga Kwentong Bayan ng Timog Pilipinas] (sa wikang Ingles). Mandaluyong City: Anvil Publishing. pp. 48–49, 52–54.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Clark, Jordan (Pebrero 8, 2016). "Bicolano Pantheon of Deities and Creatures: Philippine Mythology" [Bikolanong Panteon ng mga Bathala at Nilalang: Mitolohiyang Pilipino]. The Aswang Project (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "The Angono-Binangonan Petroglyphs: Philippine Art, Culture and Antiquities" [Mga Petroglipo ng Angono-Binangonan: Sining, Kultura at Mga Antigo ng Pilipinas]. Artes de las Filipinas (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Rizal: My Guide to the Angono-Binangonan Petroglyphs Site" [Rizal: Aking Gabay sa mga Petroglipo ng Angono-Binangonan] (sa wikang Ingles). Enero 16, 2017. Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Tayag, Jean; Insauriga, Sheila; Ringor, Anne; Belo, Mel. "People's Response to Eruption Warning: The Pinatubo Experience, 1991–92". Fire and Mud: Eruptions and Lahars of Mount Pinatubo, Philippines. Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Clark, Jordan (Setyembre 12, 2017). "Formation of the World: Kapampangan Mythology" [Pagbuo ng Mundo: Mitolohiyang Kapampangan]. The Aswang Project (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Picaña, Thom H. (Pebrero 10, 2018). "Benguet Folk to Appease Mount Pulag Spirits". The Manila Times. Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Yan, Gregg (Abril 28, 2014). "Bud Bongao: The Sacred Mountain of Tawi-Tawi" [Bud Bongao: Ang Sagradong Bundok ng Tawi-Tawi]. Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Profile: Mt. Apo Natural Park (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 24, 2011. Nakuha noong Abril 3, 2019 – sa pamamagitan ni/ng pawb.gov.ph.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 De Guzman, Daniel (Abril 9, 2019). "Philippine Mythology: Similarities and Parallels to World Mythologies" [Mitolohiyang Pilipino: Pagkakatulad at Pagkakabalalay sa Mga Mitolohiyang Pandaigdig]. The Aswang Project (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 Clark, Jordan (Pebrero 13, 2016). "Origin Myths of the Tagalogs: Bathala the Creator" [Mga Mito ng Pinagmulan ng mga Tagalog: Bathala ang Tagalikha]. The Aswang Project (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Decenella, Jay (Hulyo 4, 2014). "An Enchanting Visit in Surigao del Sur" [Isang Kaakit-akit na Pagbisita sa Surigao del Sur]. Philstar Global (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Bacongco, Keith (Pebrero 28, 2011). "The Lost Enchantment of Hinatuan's Enchanted River" [Ang Nawawalang Pagka-akit ng Engkantadong Ilog ng Hinatuan]. MindaNews (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  34. Clark, Jordan (Setyembre 12, 2017). "Legends of Mount Kanlaon, Negros Island: Negrense Mythology" [Mga Alamat ng Bundok Kanlaon, Pulo ng Negros: Mitolohiyang Negrense]. The Aswang Project (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)