Bundok Pinatubo
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Hunyo 2021) |
Bundok Pinatubo | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 1,486 metro (4,875 talampakan) |
Prominensya | 1,486 metro (4,875 talampakan) |
Mga koordinado | 15°7.8′N 120°21.0′E / 15.1300°N 120.3500°E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Luzon, Pilipinas |
Magulanging bulubundukin | Bulubundukin ng Zambales |
Heolohiya | |
Edad ng bato | 1.1 milyong taon |
Uri ng bundok | Stratovolcano |
Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas, sa isang interseksiyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, at Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok at mabigat ang erosyon. Makapal ang gubat nito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungong mga bundok ng sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas noong 1565.
Dumating kamakailan lamang ang pagputok ng bulkan noong ika-15 ng Hulyo taong 1991 pagkatapos ng 600 taong pagkatahimik, ang syudad ng Angeles ang sumalo ng galit ng bulkan, nasira sa pagsabog ang tulay ng Abacan atbp. Ang Porac Pampanga sa pangangaaga ng dating alkaldeng si Roy David ay labis na nasira at naputol ang tulay ng Mancatian, lumikha ng isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagpuputok sa ika-20 siglo noong ika-15 ng Hunyo 1991 ang bundok at umabot sa taas na 25-30 kilometro at 10 kilometro ang lapad ng pagsabog. Nagdulot ang matagumpay na prediksiyon sa pagputok ng paglikas ng mga libo-libong katao mula sa mga karatig na lugar, na nailigtas ang mga buhay, ngunit nawasak ang mga nasa paligid nito at labis na nasira ng mga pyroclastic flow, mga deposito ng abo, at sa kalunan mga lahar na sanhi ng tubig-ulan na muling ginagalaw ang mga naunang mga deposito ng bulkan. Libo-libong mga bahay ang nasira.
Naramdaman ang epekto ng pagputok sa buong mundo. Nagbigay ito ng maraming aerosol sa stratosphere—mas marami kaysa kahit anong erupsyon simula noong 1883 sa Krakatoa. Nagbuo ang mga aerosol ng isang pandaigdigang sapin ng asido sulpurikong abo sa mga sumunod ng mga buwan. Bumaba ang pandaigdigang temparatura sa mga 0.5 °C (0.9 °F), at nadagdagan ang pagkawasak ng ozone.
Ayon sa mga katutubong Aeta ang pagsabog ay dulot ng galit ng kanilang panginoong si Namayari, noong 1 ng Oktubre, taong 1991 ng linubog ang Barangay Cabalantian, Bacolor at ilang mga baryo roon at sa San Fernando, dahil sa labis na takot ay nagpaggawa ng dike ang noong Pangulo na si Fidel V. Ramos at tinawag itong FVR Megadike. Makalipas ang ilang buwan ay napuno ng Asul-Berdeng tubig ang bundok at nagkaruon ng lawa ng may parehong pangalan sa bulkan, isa sa pinaka tanyag na ruta patungong bundok ay sa barangay Santa Juliana sa Capas, Tarlac.
Aktibidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]2021
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Marso 2021) |
Itinaas sa alerto Lebel 1 ang Bulkang Pinatubo ng aktibidad na ipinapakita ng bulkan, makalipas ang 29 taon pagputok nito taong Hunyo 1991. Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Mga artikulo sa Wikipedia na nangangailangan ng pagsasapanahon - Hunyo 2021
- Pages using infobox mountain with unknown parameters
- Pages using infobox mountain with deprecated parameters
- Mga artikulo sa Wikipedia na nangangailangan ng pagsasapanahon - Marso 2021
- Mga bulkan sa Luzon
- Mga bulkan sa Pilipinas
- Mga bundok sa Pilipinas