Pumunta sa nilalaman

Mga Bikolano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga Bikolano (Bikol: Mga Bikolnon) ay ang ikaapat na pinakamalaking pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas.[1] Kadalasang tinutukoy ang mga kalalakihan bilang Bikolano at ang mga kababaihan bilang Bikolana. Karaniwang tinutukoy ang kanilang katutubong rehiyon bilang Bicolandia, na binubuo ng buong Tangway ng Bikol at mga katabing maliliit na mga pulo, na lahat ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Luzon. Nasa 6,299,283 ang populasyon ng rehiyon sang-ayon sa senso noong 2010.[2]

Sila ay karamihang mga taong agrikultural at kanayunan, na nagtatanim ng bigas, niyog, abaka at mayaman sa mga tanim na pampalasa o pampang-anghang. Halos Kristiyano ang lahat sa kanila, na Romano Katoliko ang karamihan, subalit may ilang mga Protestanteng minorya. Patunay na ipinagdiriwang nila ang mga santo, at ibang patriyota. Nahahati ang kanilang wika batay sa kanilang lungsod na sa katunayan ay isang koleksyon ng malapit na kaugnay na baryedad, at malapit sa ibang wika sa gitnang Pilipinas, na lahat ay kabilang sa mga Austronesyo (partikular ang Malayo-Polinesyo) na superpamilya ng mga wika.[3]

Mga Bikolano kasama ang kanilang kariton, mula sa Albay, mga 1899.

Sang-ayon sa isang pambayang epiko na pinamagatang Ibalong, ang mga tao ng rehiyon ay dating tinatawag bilang Ibalong or Ibalnong, isang pangalan na pinaniniwalaan na hinango mula kay Gat Ibal na namuno sa Sawangan (ang lungsod ng Legazpi ngayon) noong sinaunang panahon. Dating nangangahulugan ang Ibalong bilang "mga tao ng Ibal"; sa kalaunan, pinaikli ito sa Ibalon. Ang salitang Bikol, na pinalitan ang Ibalon, ay bikod (nangangahulugang "lumibut-libot") sa orihinal, na parang sinasalarawan ang prisipal na ilog sa lugar na iyon.

Hinayag ng mga hukay pang-arkeolohiya, na pinetsahan sa kasing aga ng Neolitiko, at mga hindi sinasadyang hanap dulot ng industriya ng pagmimina, paggawa ng lansangan at mga proyektong daang-riles, ang isang mayamang tinggalan ng seramikong artepakto sa kalupaang Bikol. Tinuturo din ng mga nahanap sa yungib na pang-libing ang kasanayan ng paggamit ng mga banga sa paglilibing bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.

Pangunahing nagresulta ang impluwensya ng mga Kastila sa Bikol mula sa mga pagsisikap ng mga misyonaryong Agustino at Franciscano. Sa pamamagitan ng mga Franciscano, nagsimula ang taunang pista ng Birhen ng Peñafrancia, ang Patrona ng Bicolandia. Hiniling ni Padre Miguel Robles ang isang lokal na alagad ng sining na iukit ang replika ng bantayog ng Birhen sa Salamanca; ngayon, ipinagdiriwang ang bantayog sa taunang paradang plubyal sa Lungsod ng Naga.

Ang watawat ng mga kasapi ng Katipunan sa Bikol.

Aktibong nakilahok ang mga Bikolano sa pambansang paglaban sa Kastila, Amerikano, at Hapong pagsakop sa pamamagitan ng mga pinuno na bumangon upang makipagdigma: sina Simeón Ola at Gobernador Wenceslao Q. Vinzons.[4] Sa kasaysayan, ang mga Bikolano ay naging isa sa mga pinakamapaghimagsik laban sa banyagang pag-okupa, bilang isang resulta ng rehiyon na napakahirap kontrolin hanggang sa katupasan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[4]

Ang mga Bikolano ay naninirahan sa Bicol Region, na matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Luzon. Binubuo ito ng mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, at Masbate (bagaman ang karamihan sa mga taga-Masbate ay kabilang sa pangkat-etniko ng mga Bisaya). Marami ring Bikolano ang nakatira sa mga bayan sa timog-silangan ng Calabarzon sa lalawigan ng Quezon at sa Metro Manila. May mga Bikolano rin sa labas ng Luzon, partikular sa Northern Samar sa Visayas (dahil sa kalapitan nito sa Bikolandia) at sa Davao Region, Misamis Oriental, Caraga, at Soccsksargen sa Mindanao.

Umabot sa 6,082,165 ang populasyon ng mga Bikolano noong 2020.[5] Sila ay inapo ng mga Austronesian peoples na galing Taiwan noong Iron Age. Marami ring Bikolano ang may halong dugo ng Han Chinese, Arab, at Espanyol; ang karamihan sa mga taga-bayan ay may kaunting bahagi ng bawat pinagmulan. Mataas ang porsyento ng dugong Espanyol sa mga Bikolano; isang pag-aaral ng pamahalaan ang nagsasabing 20% ng populasyon ay may lahing Hispanic. Sila ang ikalawang pangkat-etniko na may pinakamaraming bahid ng dugong Espanyol/Hispanic pagkatapos ng mga Chavacano.[6]

Gaya ng iba pang pangkat-etniko sa Luzon, malawak ding nakakalat ang mga Bikolano sa labas ng kanilang rehiyon. Noong 2000, sila ang pinakamalaking pangkat na hindi Tagalog sa ilang lungsod ng Metro Manila: sa Caloocan City, 59,276 o 5.05% ng populasyon; sa Pasig City, 24,678 o 4.9%; at sa Valenzuela City, 21,896 o 4.55%. Sa Quezon City, sila ang ikalawa sa pinakamalaking bilang pagkatapos ng mga Visayans, na may 108,293 o 5%. Sa Manila naman, 39,295 o 2.5% sila, pangatlo pagkatapos ng Ilocano at Cebuano.

Sila rin ang pinakamalaking pangkat na hindi Tagalog sa mga lalawigan ng Rizal, 73,253 o 4.30%; Laguna, 57,282 o 3%; at Batangas, 11,661 o 0.42%. Pangalawa naman sila pagkatapos ng mga Bisaya sa Cavite, 52,031 o 2.54%; Bulacan, 43,605 o 1.95%; at Quezon, 36,339 o 2.45%. Makikita rin sila sa Aurora, 7,079; Pampanga, 6,685; Oriental Mindoro, 2,930; 247 sa Marinduque; at 1,534 sa Cebu (0.06% ng populasyon). Sa kabuuan, umaabot sa 545,544 ang mga Bikolano na naninirahan sa labas ng kanilang rehiyon.

Samantala, ang ibang pangkat-etnolinggwistiko sa Bicol bukod sa mga Tagalog ay ang mga Bisaya, lalo na ang Cebuano at Ilonggo, at ang Kankanaey mula sa hilagang Luzon.[7] Mayroon ding mga Bikolano sa Mindanao, lalo na sa Davao Region.[8]

Kultura at mga Katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ginataang sigarilyas, isang tanyag na putahe ng Bikolano na mula sa winged bean (sigarilyas) na niluto sa gata (coconut milk) kasama ang baboy at dilis.

Kilala ang mga Bikolano sa kanilang hilig at mataas na tolerance sa pagkain na maanghang. Ang lutuing Bikolano ay tanyag dahil sa paggamit ng siling labuyo at gata (gata ng niyog). Isang klasikong halimbawa nito ang gulay na lada na mas kilala sa labas ng rehiyon bilang Bicol express, isang kilalang ulam na may halong siling labuyo at gata. Karaniwang sagana sa carbohydrates ang kanilang pagkain, at halos lahat ng gulay ay niluluto sa gata. Ang mga ulam na may karne ay kinabibilangan ng pochero, adobo, tapa at dinuguan. Madalas kainin ang mga isdang tulad ng mackerel at dilis; sa Lake Buhi, makikita ang sinarapan o tabyos na itinuturing na pinakamaliit na isda sa mundo.

Ang paggawa ng copra at pagbabalat ng abacá ay karaniwang ginagawa nang mano-mano. Mahalaga rin ang pangingisda at karaniwang sagana ang suplay ng isda mula Mayo hanggang Setyembre. Sa organisadong komersyal na pangingisda, gumagamit ng malalaking lambat at bangkang may motor at ilaw na tinatawag na palakaya o basnigan. Ang mga indibidwal na mangingisda naman ay gumagamit ng dalawang uri ng lambat – ang basnig at pangki, gayundin ang chinchoro, buliche, at sarap. Sa Lake Buhi, ginagamit ang sarap at sumbiling; dito rin nahuhuli ang sinarapan. Karaniwan din ang paggamit ng bunuan (baklad) ng uri ng inangcla, sakag, sibid-sibid at sakag. Gumagamit din ng banwit, kabilang dito ang og-og at kitang. Mahalaga rin ang pagmimina at paggawa ng iba’t ibang produkto mula sa abaca. Nagsimula ito nang matuklasan ng mga Espanyol ang minahan sa Paracale sa Camarines Norte.

Ang niyog at abacá ay mga produktong pang-eksport na karaniwang itinatanim sa lambak, gilid ng burol, o dalisdis ng mga bulkan. Ang kapatagan ng Bicol River ay nagsisilbing pangunahing taniman ng palay, mais, at mga root crops na siyang pagkain ng mga magsasaka, pati na rin dagdag na kita kung makakaiwas sa madalas na bagyo. Sa paghahanda ng lupa, gumagamit ng kalabaw na may hila-hilang araro at suyod. Ginagamit ang karit para magputol ng palay, habang ang pagbayo o pagtutuhod ng palay ang paraan ng paghihiwalay ng butil. Sa paglilinis, ginagamit ang nigo (bilao).

Mga Halaga sa Kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad ng mga karatig-rehiyon, inaasahan pa rin na ang kababaihang Bikolana, bago at matapos mag-asawa, ang siyang gagawa ng karamihan sa gawaing-bahay, habang ang kalalakihan naman ang pangunahing pinagmumulan ng kita para sa pamilya. Mahalaga rin ang malapit na ugnayan ng pamilya at pagiging relihiyoso bilang pananggalang sa madalas na bagyo sa rehiyon. Ilan sa mga nakaugaliang tradisyon na nananatili ay ang pamalaye, pantomina, at tigsikan. Malakas din ang paniniwala sa Diyos, sa kaluluwa, at sa buhay pagkatapos ng kamatayan.

Kaugnay nito, taun-taong isinasagawa ang mga ritwal tulad ng pabasa, tanggal, mga pista, at flores de mayo. Kasabay nito, naniniwala rin sila sa mga nilalang na espirituwal tulad ng tawong lipod, duwende, onglo, tambaluslos, kalag, katambay, aswang, at mangkukulam.

Sa pangkalahatan, ang sistema ng pagpapahalaga ng mga Bikolano ay nagpapakita ng impluwensiya ng doktrinang panrelihiyon ng mga Espanyol at materyalismong Amerikano na nahalo sa tradisyonal na paniniwalang animismo. Dahil dito, naging multikultural ang kanilang sistema na umangkop sa pabago-bagong klima at heograpiya. Makikita ito sa maraming alamat at kantang-bayan, kabilang na ang pinakatanyag na Sarung Banggi. Ang mga kuwentong-bayani ay naglalarawan ng kabaitan, tapang, pagiging malikhain, at tibay ng loob. Ang mga kantang-bayan naman ay nasa anyo ng awit, sinamlampati, panayokyok, panambitan, hatol, pag-omaw, rawit-dawit, pati na rin mga awit at laro ng mga bata.

Upang umangkop sa tropikal na klima, gumagamit ang mga Bikolano ng magaang materyales para sa kanilang bahay; mayroon ding iba na nagpatayo ng bungalow para makayanan ang malalakas na bagyo. Karamihan ay nagsusuot ng magaang kasuotang kanluranin, gaya ng ibang Pilipino sa mga siyudad. Bihira nang gumamit ng sinamay o piña para sa pananamit, taliwas sa nakaraan; ginagamit na ito ngayon para sa mga unan, kulambo, lambat, bag, at iba pang palamuti.[4]

Pagdiriwang ng mga Bikolano sa Magayon Festival sa Albay, kung saan matatagpuan ang Bulkang Mayon, tuwing buwan ng Mayo.

Ipinagdiriwang ng mga Bikolano ang taunang kapistahan bilang parangal sa Our Lady of Peñafrancia tuwing ikatlong Linggo ng Setyembre. Nagiging masigla ang Lungsod ng Naga. Sa selebrasyon, libo-libong kalalakihang deboto ang nagbubuhat ng imahe ng Birhen patungo sa Naga Metropolitan Cathedral habang sumisigaw ng Viva La Virgen!.

Sa loob ng siyam na araw, dumadagsa ang mga deboto upang magsindi ng kandila at humalik sa imahe ng Birhen. Para sa mga Bikolano, ito ay parehong panrelihiyon at kultural. Tuwing gabi, may mga pagtatanghal sa plaza, malalaking sabong, karera ng bisikleta, at paligsahan sa bangka bago ang prusisyong pandagat. Sa huling Sabado, ang imahe ay dinadala sa tabing-ilog kung saan isinasagawa ang engrandeng prusisyong pandagat sa Ilog Naga upang ibalik ito sa Minor Basilica of the Our Lady of Peñafrancia. Ang kapistahang ito ay isa sa pinakamalaking Marian devotion sa buong Asya.[9]

Mga Pamahiin at Lokal na Alamat at Paniniwala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang kolonisasyon, ang rehiyon ay may masalimuot na sistemang panrelihiyon na binubuo ng iba’t ibang diyos at diyosa. Kabilang dito si Gugurang, ang pinakamakapangyarihang diyos na naninirahan sa Bulkang Mayon kung saan niya binabantayan ang sagradong apoy na laging gustong nakawin ng kanyang kapatid na si Asuang. Kapag hindi sumusunod ang mga tao o gumagawa ng kasalanan, pinapaputok niya ang Bulkang Mayon bilang babala. May ritwal para sa kanya na tinatawag na Atang.;[10][11] Si Asuang naman ay masamang diyos na nakatira sa Bulkang Malinao at laging nagdudulot ng kapahamakan at tukso sa tao upang magkasala.[10][11] Siya rin ang kaaway ni Gugurang at kaibigan ni Bulan, ang diyos ng Buwan.

Si Haliya naman ay diyosang nakamaskara ng sinag ng buwan at pinakamalaking kaaway ni Bakunawa. Siya ang tagapagtanggol ni Bulan at may kultong binubuo karamihan ng kababaihan. May sayaw-ritwal na nakaugnay sa kanya bilang panlaban kay Bakunawa.[12] Si Bulan ay diyos ng puting buwan, madalas inilalarawan bilang isang binatilyong maamo ang mukha maganda ang anyo na kaya ring pasunurin ang mababangis na hayop at mga sirena (Magindara). May malalim na pagmamahal siya kay Magindang, diyos ng dagat, ngunit palaging umiiwas. Tuwing mahuhuli siya ni Magindang, laging dumarating si Haliya upang palayain siya.

Si Magindang ay diyos ng dagat at lahat ng nilalang dito. Dahil sa kanyang walang sawang paghahabol kay Bulan, ipinapaliwanag ng mga alamat na kaya’t ang alon ay tila umaabot sa buwan.

Si Okot ay diyos ng gubat at pangangaso; samantalang si Bakunawa ay higanteng ahas-dagat na sanhi ng mga eklipse, nilalamon ang araw o buwan, at pangunahing kaaway ni Haliya dahil nais niyang lamunin si Bulan.[13]

Pre-kolonyal na Katutubong Relihiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago dumating ang mga Espanyol, may sariling relihiyon at paniniwala ang mga Bikolano. Isang uri ng Animistang paniniwala na naimpluwensyahan ng Buddismo at Hindduismo kasama ng katutubong relihiyon.Katulad ng ibang bahagi ng bansa, naniniwala sila sa iba’t ibang mga diyos, diyosa, at mga nilalang na espirituwal na nakaugnay sa kalikasan, buwan, araw, at mga bulkan.

Mga Diyos at Diyosa (Mga Immortal)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Gugurang – Ang pinakapinuno ng lahat ng diyos. Siya ang nagbabantay ng sagradong apoy sa Bulkang Mayon. Kapag nagkakasala ang tao, pinapaputok niya ang bulkan bilang babala.
  • Asuang – Ang kapatid at kaaway ni Gugurang. Siya ay masamang diyos na naninirahan sa Bulkang Malinao. Lagi niyang gustong nakawin ang sagradong apoy at tinutukso ang tao para magkasala.
  • Haliya – Diyosa ng buwan na laging nakamaskara. Siya ang pangunahing kaaway ng higanteng ahas-dagat na si Bakunawa. May kulto siya na karamihan ay kababaihan at may kasamang ritwal na sayaw laban kay Bakunawa.
  • Bulan – Diyos ng buwan na inilalarawan bilang magandang binatilyo. May kapangyarihan siyang paamuhin ang mga mabangis na hayop at sirena (Magindara). Siya ay minamahal ni Magindang, diyos ng dagat.
  • Magindang – Diyos ng dagat at lahat ng nilalang dito. Lagi niyang hinahabol si Bulan, at sinasabing dahil dito kaya tila umaabot ang mga alon sa buwan.
  • Okot – Diyos ng gubat at pangangaso.
  • Bakunawa – Higanteng ahas-dagat na kumakain ng araw at buwan. Siya ang sanhi ng eklipse at pangunahing kaaway ni Haliya.

Mga Mortal at Bayani

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Oryol – Isang maganda ngunit tusong nilalang na kadalasang inilalarawan bilang kalahating babae at kalahating ahas. Kilala siya sa kanyang talino at kakayahang dayain ang kanyang mga kaaway.
  • Handyong – Isang bayaning mandirigma na lumaban kay Oryol at sa iba pang halimaw sa rehiyon. Siya ay kilala bilang tagapagtatag ng sibilisasyon sa Bicol ayon sa alamat.
  • Bantong – Isa pang bayaning mandirigma, kasama ni Handyong sa mga labanan laban sa halimaw.

May iba’t ibang ritwal ang mga sinaunang Bikolano upang parangalan ang kanilang mga diyos at espiritu. Kabilang dito ang:

  • Atang – Alay ng pagkain para sa mga diyos, ninuno, at espiritu bilang pasasalamat o paghingi ng tulong.
  • Pagtawag sa kaluluwa – Ginagawa kapag may nawawalang tao o may nagkakasakit, paniniwala nilang tinatawag pabalik ang kaluluwa ng taong iyon.



Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archived copy". Nakuha noong Enero 27, 2014.
  2. "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) - Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 19 Mayo 2020.
  3. "Bicol - people". Britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Agosto 2018.
  4. 4.0 4.1 4.2 "The Bicolanos - National Commission for Culture and the Arts". Ncca.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hulyo 2018. Nakuha noong 13 Agosto 2018.
  5. 2020 Census of Population and Housing Naka-arkibo 2022-12-05 sa Wayback Machine., Agosto 4, 2021, Philippine Statistics Authority: Region 5, Bikol Region. Nakuha noong 27 Disyembre 2021.
  6. Larena, Maximilian. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong); Missing or empty |title= (tulong); Text "..." ignored (tulong)
  7. "The Bicolano People or the Bikolanos (Bikol: Mga Bikolnon) History, Culture and Traditions [Bicol Region Philippines]". yodisphere.com. Nakuha noong 2023-09-14.
  8. "Davao Region (Philippine Literature)". www.slideshare.net (sa wikang Ingles). 31 October 2015. Nakuha noong 2023-09-15.
  9. Herrington, Don. "Bicolanos Culture, Customs And Traditions - Culture And Tradition". Livinginthephilippines.com. Inarkibo mula sa orihinal noong July 22, 2014. Nakuha noong 13 August 2018.
  10. 10.0 10.1 "Asuang Steals Fire from Gugurang by Damiana L. Eugenio". Inarkibo mula sa orihinal noong May 26, 2009. Nakuha noong April 3, 2010.
  11. 11.0 11.1 Clark, Jordan (2011) The Aswang Phenomenon Animation https://www.youtube.com/watch?v=goLgDpSStmc
  12. "Inquirer NewsInfo: Bicol Artist protest Natl. Artist awardees". Inarkibo mula sa orihinal noong September 11, 2009. Nakuha noong April 3, 2010.
  13. "GMANews: Eclipse; Bakunawa eats the sun behind a curtain of clouds". January 15, 2010. Nakuha noong April 3, 2010.